Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock na naka-patong sa bed side table. Sapo ang aking ulo ay agad akong bumangon para patayin ito, nanatili akong naka-upo sa kama ng nakapikit, hanggang sa mapag-desisyunan ko na tumayo at naglakad papunta sa munti kong kabinet para ihanda ang aking uniporme at iba ko pang kailangan. Monday na naman. Ang araw na kinaayawan ng lahat ng estudyante. Dati ay paborito ko ang monday, ngunit ngayon ay hindi na. Hihikab-hikab pa ako ng lumabas ng kwarto para magtungo sa bathroon, nadaanan ko pa ang silid ni Alex, at naalala na naman ang panaginip ko kanina. Nakakakainis! Hindi ko maiwasang isipin na sana panaginip lang ang mga nangyari sa may summer house, pero hindi, totoo talaga dahil hanggang ngayon nararamdaman ko pa ang kamay ni Zayn na nakahawak