Chapter 6

2201 Words
Nagising ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha. Tumagilid ako sa pagkakahiga at dahan dahan minulat ang aking mata. Pagdilat ko ay tumambad sakin ang isang lalaking mahimbing na natutulog sa may sofa, hindi kalayuan sa hinihigaan ko. Bumangon ako at naupo sa kama, i-nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid. Hindi ito pamilyar, hindi rin ito mukhang ospital dahil walang bakas ng amoy ng gamot o kung ano. Bigla ay nakaramdam ako nang pagka-balisa nang maalala ang kapatid ko. Kahit na pasaway iyon at matigas ang ulo ay concerned din ako sakanya. Magkasama kaming umalis sa bahay kaya dapat ay magkasama din kaming uuwi. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang humarap sa akin ang taong natutulog sa sofa at makita ang mukha ni Alex. Dahan-dahan akong umalis sa kama, napapikit ako nang tuluyan akong makatayo dahil sa kirot sa hita ko. Bigla ay nanumbalik saking ala-ala ang mga nangyari kagabi. Huminga ako ng malalim at nagsimulang humakbang, pa-ika-ikang naglakad papunta sa magaling kong kakambal na mahimbing pa ding natutulog. Kailangan ko ng eksplanasyon! Huminto ako sa harapan niya at kinuha ang isang throw pillow saka madiin na i-tinakip sa mukha niya. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pag-galaw nito na i-kinangiti ko. Mas diniinan ko pa ang unan sa mukha niya hanggang sa i-tulak niya ang kamay ko at habol ang hiningang naupo sa sofa. "What the f**k, Aly!" Sigaw niya habang hinahabol pa din ang hininga. "Explain yourself, Alex." Seryoso kong sabi saka humalukipkip sa harapan niya. Hindi niya ako sinagot at sinamaan lang ng tingin kaya muli kong kinuha ang throw pillow at hinampas sa mukha niya. "Muntik na tayong mamatay kagabi, Alex kaya i-paliwanag mo sa akin ang lahat o i-su-sumbong kita kina Papa!" Tuluyan ng tumaas ang boses ko sa inaakalang masisindak siya pero bumuntong hininga lang ang gago saka ngumisi na parang ewan. I-pinatong niya ang isang braso sa balikat ko saka hinila ako patungo sa pinto. "May mga bagay na hindi mo pwedeng malaman, Aly, dahil babae ka at--" Inis na sinipa ko ang paa niya at siniko ang tagiliran niya para makaalis ako sa pagkaka-akbay niya. Alam ko namang wala akong makukuhang matinong sagot kay Alex kaya bakit pa ba ako nagtatanong sakanya? I'm so stupid. "I hate you!" Tumakbo ako patungong pintuan at lumabas ng kwarto, nagpalinga-linga hanggang sa makita ko ang hagdan at agad humakbang pababa. Medyo nararamdaman ko pa din ang kirot sa legs ko pero tolerable naman kaya maayos na akong nakakalakad. May dalawang pinto akong nakita nang makababa ako ng hagdan. Pinili kong pumasok sa pinto sa kaliwa at agad bumungad sa akin ang malawak na kusina. May stoves, oven, fridge at bar counter ito, bukod doon ay wala na kaya lalong lumawak ang kusina. Naglakad ako patungo sa fridge at binuksan iyon, puro beers, wine at bottled waters ang laman. Iyong tubig ang kinuha ko saka agad na binuksan at tinungga iyon. "Aly? Nasaan ka?" Napabuntong hininga ako at i-pinatong ang plastic bottle na wala ng laman sa kitchen counter at hinintay si Alex na pumasok sa kitchen. Ilang sandali pa ay natanaw ko na siya, and what's more surprising ay may kasama siya, at hindi lang isa, kundi apat. Unang pumasok si Alex at tumayo sa harapan ko. Kasunod niyon ang pagpasok ng apat na intimidating na lalaki na nakilala ko sa buong buhay ko. Parang kahapon lang ng i-pakilala sila sa akin ni Harlene, ngunit ngayon ay kaharap ko na silang lahat, at hindi ko alam kung bakit sila nandito. Isa-isa ko silang tinignan, at huminto ang mga mata ko sa maputing lalaking mas matangkad bahagya sa apat. Tinitigan ko ang dark brown niyang mga mata. Bumaba ang tingin ko sa manipis ngunit mapula niyang mga labi. Then a memory flashed on my mind. Napabuntong hininga ako. "Hi, Aly!" Nalipat ang tingin ko sa lalaking nakangiti. Black ang buhok nito na maputi din at itim na itim ang mga mata. He looked so charming when he smiled, or it's just me? According to Harlene, this guy is the great Thunder Perez na ayon pa dito ay isang car racer at anak ng may-ari ng iilang hospital sa bansa. Mayayaman nga siguro talaga sila dahil hindi naman sila babansagan na powerful kung hindi. Katabi ni Thunder si Lawrence Andrade na nakilala ko nong first day ko sa St. Bernadette. He always wear that annoying grin na akala niya ikinagwapo niya, at katabi ni powerful king Zayn Sandoval si Jared Sandoval na pinsan daw nito ayon na din kay Harlene. Zayn looked so serious and intimdating as always, while Jared? I don't know. I can't read his expressions. Nag-iwas ako ng tingin nang makitang biglang ngumiti sa akin si Jared. Napansin siguro na pinagmamasdan ko siya. Nilingon ko si Alex na nasa gilid ko saka humawak sa braso nito ng mahigpit. Tinitigan ko ang mga mata ng magaling kong kapatid. Sandali siyang tumitig pabalik bago nag-iwas ng tingin. "This is Alyssa, my twin sister..." Hindi ko na pinatapos pa ang anumang sasabihin ni Alex at mabilis na hinila siya palabas ng kusina, nadaanan pa namin ang apat na sinundan pa kami ng tingin. "Ano sa tingin mo ginagawa mo, Alexandre Castro?!" Tanong ko pagpasok namin sa isang pinto na una kong nakita na isa palang dining room. "Sila ang nagligtas sa atin kagabi, Aly.." Simpleng sagot nito saka ngumiti. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ko sa braso niya, inis na inirapan ko naman siya. "So?! Sila din ang dahilan ng nangyari sa atin kagabi, diba? Now, tell me, bakit mo sila kilala? Schoolmates ko sila sa St. Bernadette, meaning mayayaman sila at hindi basta-basta!" "Mga kaibigan ko sila, Alyssa." "Ano? Paano nangyari 'yon? Nababaliw ka na ba talaga?" Nakita ako ang marahas na pag-buga nito ng hangin at mukhang naiinis na sa mga tinatanong ko. Naghintay ako na magsalita siya at sagutin ang tanong ko ngunit talagang gago siya dahil nanatili lamang siyang nakatingin sa akin. Inis na sinipa ko ng malakas ang paa niya na i-kina-hiyaw niya. "Tang ina, Aly! Nakakarami ka na porket hindi kita ginagantihan!" Sigaw niya sabay tingin sa akin ng masama. Muli kong sinipa ang binti niya na muli niyang i-ki-na-hiyaw sabay hawak doon. "Wala akong pakialam sa nararamdaman mo!" sigaw ko sabay talikod. Nahinto ako sa paglalakad nang makita sa may pinto ang apat na mukhang kanina pa nanunuod sa amin. Napailing na lamang ako at dumaan sa pagitan nila Lawrence at Thunder. Narinig ko pa ang pagtawa nila bago ako tuluyang makalayo. Bumalik ako sa kwarto na pinang-galingan ko kanina at patihayang humiga sa kama. Mataman akong tumitig sa puting kisame habang iniisip ang napag-usapan namin ni Alex. Hanggang ngayon ay pala-isipan pa din sa akin ang pagiging mag-kaibigan nila ng mga Kings ng school ko. Harlene even warned me about them na hula ko ay utos ni Madison. Alam kong konektado silang lahat, ngunit bakit pati ang kapatid ko ay connected sakanila. "Alyssa, kakain na.." Napatingin ako kay Alex nang maupo siya sa paanan ko. Kunot-noo ko siyang tinignan dahil hindi ko naramdaman ang pagpasok at paglapit niya sa akin. Naupo ako sa kama at nakipagtitigan sakanya, pagkuwa'y napailing na lamang saka tumayo. Agad ding tumayo si Alex at naunang naglakad palabas ng kwarto. Tahimik akong sumunod sakanya hanggang sa makarating kami sa dining area kung saan may mga masasarap na pagkain sa ibabaw ng long wooden table. "Hey cute girl. Nice to see you, again.." Dinig kong sabi ni Lawrence na nakaupo na sa tapat ng dining table. Inis na inirapan ko ito at naupo sa tabi ni Alex. Narinig ko naman ang mahinang pag-tawa niya. "That's rude, twin sister." Bulong ni Alex. Tingnan ko siya ng masama. Napailing nalang ito ngunit hindi na nagkomento. Katahimikan ang sumunod na namayani sa loob ng dining area. I'm a bit impressed dahil marunong pala silang gumalang sa grasya. Nanatili akong nakayuko at nakatingin lamang sa pagkain hanggang sa matapos ako. Mabilis akong tumayo at tinignan sila na kanina pa pala tapos. Akmang hahakbang palang ako nang hawakan ni Alex ang braso ko at hilahin ako paupo muli. Agad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin ngunit hindi ako nito pinansin. "Alex. Umuwi na tayo." Bulong ko dito na hindi pa din binibitawan ang braso ko. Tumingin ito sa kanyang wristwatch saka bumuntong hininga. Bahagya siyang sumulyap sa akin bago hinarap ang apat na nasa harapan pa din namin at prenteng nakaupo. "Pwede na ba kaming umuwi? Baka hinahanap na si Alyssa ng mga magulang namin.." Malumanay na sabi ni Alex na i-kina-kunot ng noo ko. Seriously? "Alex--" "Hindi kayo aalis." Mabilis na putol ng malalim na boses sa anumang sasabihin ko. Inis na nilingon ko ito at nakasalubong ang seryosong mga mata ni Zayn Sandoval. "Bakit naman hindi? Responsibilidad mo ba kapag namatay sa pag-aalala ang parents namin?" Hamon ko dito at tinaasan pa siya ng kilay. Wala na akong pakialam kung gaano sila ka-powerful sa school. Wala naman kami doon at nasa labas kami. "Hindi, pero dahil 'yon ang sinabi ko ay iyon ang masusunod.." Sagot naman niya. "At sino ka para sabihin samin 'yan?" Paghahamon ko pa. Ngumisi lamang siya at inignora ang sinabi ko sabay baling kay Alex na lalong i-kina-inis ko. "Stay here, Castro.." Aniya na i-kina-tango naman ni Alex. Sinundan nalang namin sila ng tingin hanggang sa makalabas ng dining area, pagkuwa'y bumuntong hininga. "I'm sorry, Alyssa." "I really hate you, Alex!" Inis na sabi ko. SABI NILA, ang sunset at sunrise ay ang mga pinaka-magagandang nangyayari sa araw-araw. Sunrise is a symbol of new hope and new beginnings while sunset means the end of sufferings for the day. And I just love them. It feels nostalgic lalo na kapag kasama ko si Alex habang sinasabayan niya ng kwento tungkol sa childhood namin na wala akong alaala. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang malawak na dagat habang kasalukuyang nakaupo sa pinong buhangin. Ramdam ko ang pagdampi ng maliit na alon sa mga paa ko, habang hinihintay ang paglubog ng araw. Naramdaman ko ang biglang pag-ihip ng malakas at sariwang hangin, agad akong napapikit at dinama ito kasabay nang muling paghampas ng alon hanggang sa may binti ko na iki-na-ngiti ko ng sobra. Napakaganda talaga ng lugar na ito, bawat sulok ay may makikita kang puno ng niyog habang nasa gitna ang puting bahay hindi kalayuan sa dalampasigan. Kaya kahit nakakainis sina Zayn ay may magandang na-i-dulot din ang pananatili namin dito. Na-i-kwento na sakin ni Alex ang lahat, kanina lamang. Kila Zayn raw ang rest house na ito, dito niya kami dinala dahil baka balikan kami ng mga taong nakaharap namin kagabi, at medyo naiintindihan ko naman ang pi-no-point niya kaya hindi na ako nagreklamo. Nalaman ko rin na dumating ang mga ito, kagabi after kong mawalan ng malay para tulungan si Alex makipaglaban doon sa grupo ng mga gangster. Tinanggap ko nalang din ang paulit-ulit niyang pag-so-sorry sa mga nangyari para matahimik na siya. I-te-text na lamang daw niya sina Mama para hindi na sila mag-alala. After that conversation ay bumalik ako sa kwarto para mag-shower, good thing at may mga pambabaeng damit dito at unused undies kaya may na-i-suot ako. Now, I am wearing a summer shorts and white shirts. Nanatili akong nakapikit at patuloy na dinadama ang paghampas ng malamig na hangin, nang bigla akong mapamulat nang marinig ang mabining boses na sumasabay sa tugtog ng gitara. Hawakan mo ang aking kamay at tayong dalawa'y Maghahasik ng kaligayahan Bitawan mong unang salita Ako ay handa nang tumapak sa lupa Tapos na ang paghihintay nandito ka na't Oras ay naiinip magdahan-dahan Sinasamsam bawat gunita Na para bang tayo'y di na tatanda Ligaya mo'y nasa huli Sambit na ng iyong mga labi Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa buhanginan at dahan-dahan na naglakad, tahimik kong sinundan ang magandang tinig ng kumakanta. Hanggang sa dalhin ako nito sa likod ng puno ng niyog. Mabilis akong nagtago sa likod ng puno, huminga ako ng malalim saka dahan-dahan na sumilip at bahagyang natigilan ng makita kung sino ang kumakanta. Si Jared Sandoval. Ang moody at can't describe na second powerful student ng St. Bernadette ayon kay Harlene. Pero talagang maganda ang boses niya at ang galing niyang kumanta. Magaling din siyang mag-gitara at ang lakas maka-gwapo niyon para sakanya. Parang isang panaginip Ang muling mapagbigyan Tayo'y muling magkasama Ang dati ay baliwala Panatag ang kalooban ko At ika'y kapiling ko na Oh kay tagal kitang hinintay Muli akong naupo sa buhanginan at sumandal sa puno. Tumingin ako sa kalangitan at pinanuod ang paglubog ng araw. Kasabay nang pagtatapos niya ng kanta ay ang tuluyang pagkalat ng dilim sa paligid. Huminga ako ng malalim at napahawak sa dibdib kong malakas ang kabog. Napapikit ako at pinakinggan ang patuloy niyang pagtugtog ng gitara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD