"Alyssa?" Mula sa isang pirasong papel ay napaangat ako ng tingin, at tumambad sa akin ang seryosong mukha ni Thunder Perez. "Okay ka lang?" Tanong niya. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko ng mapagtantong umiiyak na pala ako. "Okay lang ako." Tugon ko sa kanya, akmang aalis na sana ako ng mapansin kong tumagos ang tingin niya sa likod ko, naglakad siya palayo sa akin. "I know what you're thinking, but i tell you, hindi totoo ang nakalagay d'yan..." Mabilis kong depensa. Wala akong narinig na kahit anong sagot mula dito. Napabuntong-hininga ako. Sino nga naman ba ang maniniwala sa akin? Kahit anong paliwanag ko wala naman makikinig. "Hindi lahat ng taong nasa paligid mo ay hindi naniniwala sayo, Alyssa..." Maya-maya ay sambit nito habang nakatingin pa rin doon sa bulletin board