Hindi na ako nag-abala pa na lingunin ang loob ng university at mabilis na naglakad palabas. Nakita ko ng pag-daan ng tricycle kaya mabilis ko iyong pinara na agad naman huminto.
"Saan tayo?" Dinig kong tanong ni manong driver.
"Ituturo ko nalang po." Sagot ko at bumuntong-hininga saka sumandal sa upuan.
Nakamasid lamang ako sa mga mga nadadaanan. Mabilis magpatakbo ang tricycle, na gustong-gusto ko dahil sa malamig na hangin.
Hindi ko maiwasan na malunod sa mga katanungan na patuloy bumabagabag sa aking isipan. Saan nga ba nagsimula ang lahat? At kasalanan ko ba talaga ang mga nangyayari sa akin ngayon?
Bakit ang hirap mag-aral ng tahimik sa school na 'yon? Alam ko naman na mahirap lang ako, pero bakit kailangan nilang i-pa-mukha sa akin 'yon araw-araw? Hindi ko naman kasalanan na pinanganak akong mahirap.
Wala din masama sa ginawa ko na pang-tanggol sa sarili ko. Normal lang naman 'yon lalo na kung hindi ko na talaga. Pinipilit ko naman lunukin at tanggapin ang lahat, pero bakit hindi nila ako magawang tigilan?
Naputol ang malalim kong pag-iisip ng maramdaman ang paghinto ng tricycle at pagkalabit sa akin ng driver.
"Alyssa, ayos ka lang? Para ka kasing ewan." Natatawang wika nito kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Nakilala ko na ang driver ay isa sa kababata namin ng kapatid ko na ang mga magulang ay kasamahan nila mama at papa sa bukid.
"Wala kang pakialam. Magkano ba?" Mataray kong tanong pagkababa ko sa tricycle at nagtungo sa harapan niya.
"Bente pesos."
"Ang mahal mo talagang maningil!" Angal ko saka nilayo ang kamay kong may hawak na pera sakanya.
"Okay lang yan! Sa St. Bernadette ka naman na nag-aaral. Yayamanin ka na!" Sabi pa nito na inirapan ko lang sabay abot sakanya ng bente.
Kung alam lang niya.
Pagkababa ko ay agad tumambad sa akin ang isang two-storey ancestral house. Kulay puti ito na may balcony ang parehong first at second floor. Sa gilid ng balcony ay ang siyam na baitang na hagdanan na siyang daan para makapasok sa bahay. Lima ang bintana nito na ang dalawa ay makikita sa pagpasok sa malaking gate na may malawak na bakuran na may iba't-ibang tanim ng gulay at prutas. Tatlo lamang ang kwarto ng bahay na ang dalawa ay sa second floor at ang isa ay sa first floor katabi ng dining room. May pagka-vintage ang features ng bahay namin na ayon kina mama ay minana pa raw nila sa lola ko.
"Welcome back, kambal!" Dinig kong sigaw ng isang lalaking may buhok na undercut. Naka-white sando ito at maong pants na sa tingin ko ay kagagaling lamang sa bukid. Nakasandal ito sa gilid ng gate at nakangising nakatingin sa akin.
Inirapan ko lamang ito saka nilagpasan at binuksan ang gate. Agad naman itong sumunod at mabilis na umakbay sa akin at sinabayan ako sa paglalakad.
"Kumain kana, Aly? Gusto mong ipag-handa kita? Nasa bukid pa kasi sina mama." Sabi niya pa at akmang hahakbang na ako sa baitang ng hagdan nang hilahin niya ako patungo sa hapag at pinilit na iupo sa isa sa mga upuan doon.
May nakahanda ng plato at kutsara sa harapan ko saka baso. Tinanggal na lang niya ang takip ng sa tingin ko ay ulam namin dahil naamoy ko ang mabining amoy ng bagoong na hinalo sa pinakbet saka ang masarap namin na kanin na mula pa sa mga sinasaka ng mga magulang ko. Mayroon ding piniritong tilapia na halatang kakaluto lamang dahil sa masarap na itsura nito na tila lalo akong tinatakam.
"Anong tinira mo, Alex? Bakit ang bait mo ata?" Hindi ko mapigilang itanong na tanging nakakalokong ngiti ang tinugon sabay lagay ng kutsara sa kamay ko.
"Kain na, Alyssa. Baka lumamig na 'yan kung maghapon kang titingin sa akin." Sabi niya matapos punuin ng pagkain ang plato ko. Kahit na naiirita ako sa ngiti niya ay pinili ko na lamang na tumahimik at mag-umpisang kumain.Nagugutom na rin kasi ako at sobrang na-drained ang energy ko sa school kanina.
Alexandre Castro o Alex is my handsome twin brother ayon na rin sa kanya. Over kung over ang pagiging protective niya sa akin na kung minsan ay nakakainis na. Lagi siyang nangingialam sa buhay ko at isa siya sa mga taong nagpilit sa akin na i-accept ang offer sa St. Bernadette University na hindi ko alam kung pagsisisihan ko. Madalas din kaming mag-away kagaya ng ibang magkakapatid dahil napaka-tigas ng ulo nito at laging pinapasakit ang ulo ng mga magulang namin.
Ngunit kung susumahin, malaki ang pasasalamat ko na siya ang naging kapatid ko. Swerte ako sa pamilya ko kahit na minsan ay hindi ko sila maintidihan at bihira lang kung magkita-kita.
"Gusto mo pa?" Tanong niya ng maubos ko na ang laman ng plato ko. Umiling lang ako saka uminom ng tubig at tumayo na.
"Lubusin na natin ang pagiging mabait mo sa pamamagitan ng pagliligpit ng pinag-kainan ko at paghuhugas ng mga plato. Maraming salamat, kambal!" Nakangiti kong sabi na ikinailing nito. Mabilis akong umalis sa hapag para hindi na magbago pa ang isip niya at patakbong pumanhik sa kwarto ko habang tumatawa.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay ahad ako dumiretso sa cabinet at kumuja ng damit. Mabilis ko naman isinuot ang sando at cotton shorts na nakita ko saka umupo sa tapat ng computer ko. Naisip ko kanina na maghahanap ako ng part-time para pantulong kina mama sa mga gastusin ko sa school, dahil kahit scholar ako ay may mga babayaran pa rin katulad ng mga tours. Isa pa, gusto kong maging abala sa mga panahong wala akong pasok.
Una akong nag-research sa site na makikita kung anu-ano ang mga coffee shop or restaurant na p'wede kong pag-apply-an na alam kong tumatanggap ng working student. I'm turning 17 naman na next month. Siguro naman pwede na ako mag-work.
Hindi ko namalayan ang oras dahil sa pagiging seryoso ko sa paghahanap at napaayos ng upo nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Bahagya akong napatingin sa bintana at nakitang madilim na.
"Problema mo?" Tanong ko nang makitang si Alex ang nagbukas ng pinto.
Ngumiti lang ito at saka tuluyang pumasok sa kwarto ko at naupo sa kama. Tinignan niya ang computer ko at saka napatingin sakin.
"Ano iyang ginagawa mo?" Katulad ng ginawa niya ay ngumiti ako at hindi siya sinagot saka ibinalik ang tingin sa computer ko. Wala pa akong balak ipaalam kay Alex ang paghahanap ko ng part-time kaya nag-search nalang ako ng mga poetry at binasa ang mga iyon.
Lumipas ang ilang minuto at nanatili doon si Alex. Nakaramdam na ako ng pagkailang dahil nakatitig lamang ito sa akin. Ramdam ko talaga na may something ngayon kay Alex dahil hindi siya laging ganyan. Pwera nalang kung...
"Alyssa, hihingi sana ako ng pabor..." Basag niya sa katahimikan. Hindi ko maiwasang mapangiti at agad siyang nilingon. Sumandal ako sa upuan ko at humalukipkip.
"Ayoko, Alex..."
"Hindi mo pa nga alam kung anong klaseng pabor ayaw mo na agad?!" Gulat na sabi niya na ikinatawa ko.
"Dahil ayoko at hindi ako interesado, Alex." Huminga ako ng malalim at tinignan siya sa mga mata.
"Hindi mo kailangan mag-bait-baitan para lang mapa-oo mo ako sa kung anumang pabor ang hihingiin mo. Diba ikaw pa nga ang nagturo sa akin na huwag basta-bastang magpapa-uto, lalo na sa mga lalaki?" Diniinan ko pa ang pagkakabigkas sa huli kong sinabi na agad niyang ikinailing.
"Pero, Aly--"
"Labas na, Alex bago pa kita kaldkarin palabas." Seryosong sabi ko pa sabay turo sa pinto.
"Alyssa..." Malungkot na tawag niya sa pangalan ko at akmang hahawakan ang braso ko kaya mabilis akong umatras.
"Labas na, Alex. Gagawa pa ako ng mga homework." Pagtataboy ko pa sa kanya sabay tulak sa likod niya palabas sa pinto. Mabilis kong sinara ang pinto nang tuluyan siyang makalabas sa kwarto ko at agad iyong ni-locked.
Pasado alas-otso na ng gabi ngunit hindi ko pa rin naririnig ang pagdating nila mama. Sinubukan ko na silang tawagan ngunit hindi nila sinasagot kaya naisipan kong lumabas na lamang para magluto ng hapunan namin dahil nagugutom na rin ako. Hindi na ako nagulat ng pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nasa tapat niyon si Alex at nakaupo sa sahig.
"Aly!" Tawag niya sa akin sabay tayo ng makita ako.
"Gutom ka na ba? Anong gusto mong ulam?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad patungong hagdan.
"Sige naman na, Aly. Pumayag ka na. Hindi naman kita ipapahamak eh. Kailangan lang talaga kitang isama." Sabi nito at inignora ang tanong ko. Inis na bumuntong hininga ako at hinarap siya.
Mukha na talagang nakakaawa ang mukha niya at parang naiiyak na. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan ka-desperado at malapit na talaga akong pagbigyan siya. Pero kasi, maraming kalokohan sa buhay ang kapatid ko na ito.
Lagi silang nag-aaway ni papa dahil sa pagpunta niya kung saan na hindi nagpapaalam at minsan ay umuuwi pang may mga pasa at sugat. Ayon naman sa mga naririnig ko noong highschool pa kami ay gangster daw siya na hindi ko pinapaniwalaan dahil hindi naman rebelde ang kapatid ko. Matigas lang talaga ang ulo niya at pasaway.
"Nakikiusap ako, Alyssa..."
Muli akong huminga ng malalim saka inis na tinignan siya.
"Oo na, magbibihis lang ako!" Sigaw ko sa kanya na ikinangiti niya at akmang yayakapin ako nang malakas ko siyang itulak at bumalik sa kwarto.
Isang simpleng red shirt at black jeans ang sinuot ko. Itinali ko ang mahaba kong buhok saka lumabas na ng kwarto. Naabutan ko si Alex sa labas na ng bahay kaya siniguro kong nakapatay na ang lahat ng ilaw bago tuluyang lumabas at saka ni-locked ang pinto. Ngingiti-ngiti pa ito ng makalapit ako sakanya na inirapan ko saka lumabas ng gate na agad naman niyang ni-locked.
Kapwa kami tahimik na nakatayo sa labas ng bahay na parang may inaantay na kung ano. Akmang magtatanong na sana ako ng may huminto na motor sa harapan namin, sakay ang lalaking balot na balot ang buong mukha dahil sa mask at bonet na black na suot nito. Agad itong bumaba at iniabot ang susi kay Alex. Mabilis naman sumakay si Alex matapos iabot pati ang jacket sa kanya.
"Alyssa sakay na. Kanina pa nila tayo hinihintay..." Napatingin muna ako sa taong kaninang nakasakay sa motor at nagtakha nang wala na ito doon. Sunod ay tinignan ko si Alex saka napabuntong hininga bago sumakay. Nang masiguro na nasuot ko ng maayos ang helmet ay sumakay na ako sa motor. Yumakap ako ng mahigpit sa bewang niya at napapikit na lamang nang maramdaman ko ang bilis na pagpapatakbo niya.
Wala sa sariling napabuntong hininga ako nang huminto kami sa tapat ng gasolinahan. Agad akong bumaba at feeling ko ay masusuka ako dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya na para bang may humahabol sa amin. Nang makita kong tapos na ang pag-papakaga niya ng gasoline ay nilapitan ko siya at malakas na hinampas ang braso niya.
"Nasaan na tayo, Alex?! Wala na tayo sa Aldwyne!" Sigaw ko nang makita ang banGko sa tapat ng gasolinahan kung saan nakalagay ang pangalan ng lugar kung nasaan kami ngayon.
"Relax lang, Alyssa. Uuwi din tayo agad, may papanuorin lang tayo."
"Seryoso ka? Manunuod lang pala tayo edi sana sa bahay nalang." Ngunit hindi na siya sumagot at pinasuot sakin ang helmet na tinanggal ko kanina. Inirapan ko na lamang siya muli saka sinuot iyon at ang jacket na binigay din niya.
Hindi narin kami nagtagal pa sa gasolinahan at mabilis siyang umalis dito. Hindi pa kami masyadong nakakalayo kung nasaan kami kanina nang maramdaman ko ang bilis ng pagpapatakbo niya na parang lilipad na kami. Napapikit na lamang ako kahit na may suot ako ng helmet dahil ramdam ko parin ang hangin.
"Kumapit kang mabuti, Alyssa. May kailangan lang tayong lagpasan." Sa una ay hindi ko siya naintindihan pero sinunod ko parin siya. At napagtanto ko na lamang ang lahat nang may sumulpot sa gilid namin na taong naka-motor na palingon-lingon sa gawi namin. Hindi dapat ako mababahala kung hindi ko lamang nakita ang pag-angat ng kamay ng mga ito at makita ang hawak nilang tubo.
Shit!
Mabilis na nakaiwas si Alex sa dapat sanang paghampas ng isang naka-motor sa kaliwa namin kaya nagpagewang-gewang ang motor na mabilis na nabalanse ni Alex. Ngunit hindi niya nakita ang nasa kanan na gumalaw na mabilis kaming nahataw. Malakas akong napahiyaw nang tumama iyon sa hita ko. Muling umatake ang nasa kaliwa at dahil sa pagsigaw ko ay hindi iyon naiwasan ni Alex at tuluyan ng natumba ang motor dahil sa pagkawala niya ng control.
"Alyssa! Ayos ka lang?" Napangiwi ako sa tanong niya at hinaplos ang hita kong nabutas na dahil sa matinding paghampas.
"Aly!" Nag-angat ako ng tingin at nakita siya sa hindi kalayuan na may dugong tumutulo sa sentido niya. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko nang makita ang isang taong nakaambang hampasin siya ng tubo mula sa likod niya.
"Alex!" Sigaw ko na mukhang naintindihan niya dahil agad siyang umilag at sinipa ang paa ng taong iyon na ikinatumba nito. Mabilis siyang gumapang patungo sa akin at hinawakan ang braso kong ngayon ko lang napansin ang pagdurugo.
Tinanggal ni Alex ang helmet sa ulo ko at itinapon 'yon kung saan. Huminga ako ng malalim saka pilit na kinalma ang sarili.
Marami akong gustong itanong sa kanya. Gusto ko siyang sumbatan dahil sa mga nangyayari sa amin pero alam kong hindi iyon makakatulong sa sitwasyon ngayon na napapalibutan ng mga taong may mga hawak na tubo, nakasuot ng itim na jacket at face mask.
"Alex.." Napahawak ako sa braso niya ng sabay-sabay silang ngumisi at kung tignan kami ay para bang isa kaming masarap na pagkain.
"Maganda iyang kasama mo, Castro. Gusto mo ba ng kasunduan para mailigtas ang sarili mo?" Sabi ng lalaki na nasa gitna na kung makatingin sa akin ay para bang ako ang pinakamahalagang bagay sa mundo.
"Nagpapatawa ka ba? Humanda na kayo dahil paparating na sila.." Wika ni Alex saka tumawa ng malakas.
Matalim na tinignan ko ito na nagagawa pang tumawa gayong nasa bingit na kami ng kamatayan. At lalo akong nainis nang tumigin siya sakin at malapad pa na ngumiti.
Ngayon ay parang gusto ko ng maniwala sa mga sabi-sabi na gangster ang ka-kambal ko.
Pero sa ngayon, kailangan muna namin makaalis dito dahil lagot siya sa akin pag-uwi namin sa bahay.