PAINTING

2159 Words
"Si Damian ang aming kaisa-isang anak . Isang mahusay na pintor mula pa ng kaniyang kabataan . Lahat ng nakikita mo rito sa bahay na painting ay gawa ng iyong ama . "Sabi ni Lola Margarita . Tumayo ang kaniyang Lola ," Halika , sumunod ka dito sa sala . "' Tumayo na rin si Lolo Celso ng tumayo ang dalawang babae . Sumunod Kay Lola Margarita . Ang kaniyang lola ay tuwid pa rin kung lumakad , sa edad na 70 years old at malinaw pa rin ang kaniyang paningin . Ni hindi pa nga ito gumagamit ng salamin sa kaniyang hobby na panggagantsilyo . "Nakita mo ba ang painting na ito Isabelle ..?"'Tinuro ng Kaniyang lola ang sunset painting . Makikita rito ang kulay orange na dagat dahil sa aninag ng papalubog na araw . " Gawa iyan ng iyong ama . " patuloy nito. "At ito , "'tinuro naman ng kaniyang lola ang painting ng Isang babae na nakaupo sa alcove sa ilalim ng bangin . Hawak nito ang Isang bulaklak . Nakalugay pa rin ang kayumanggi niyang buhok . Ang tamis ng kaniyang mga ngiti ay umabot sa kaniyang mga mata . " ...si Uziela , ang ...iyong ina . " Bumuntong-hininga si Isabelle . Nakikita Niya araw -araw ang Iba't -ibang mga painting na nakasabit at halos pumuno sa kanilang dingding . Pero bakit Kailangan pang ilihim ng matagal sa kaniya ang tungkol sa kanila? Pwede namang sabihin nila noon pa sa kaniya , na ang mga nakasabit sa painting ay ang kaniyang mga magulang . Matatanggap naman Niya na wala na ang mga ito , dahil wala rin naman siyang ala-ala sa kanila . "Kailan po sila namatay ? Paano po sila namatay ?"' Diretsong tanong ni Isabelle sa kanila . Tutal sa kanilang dalawa na mismo nanggaling na patay na ang kaniyang mga magulang . Parehong hindi kumibo ang dalawang matanda , lumipas ang Isang segundo bago nagsalita si Lola Margarita . Naupo ito sa sala set . Isang upuan na gawa sa kahoy at nilagyan ng varnish at kulay upang magandang tingnan . "Anim na buwan ka pa lamang ng ...sila ay ...nawala.." mahinang tugon ni Lola na halatang pinipigilan ang emosyon . "Ano po ang nangyayari sa kanila ? Sabay po ba Silang...nasawi?"' Sa isip ni Isabelle , wala pa siyang Isang taon ng namatay ang kaniyang mga magulang , kung gayon hindi pa rin matanggap ni Lola Margarita ang kamatayan ng kaniyang anak . "Isang trahedya ..may trahedya na nangyari sa kanila--" "Ang iyong ama ay isang seaman , " putol ni lola Kay Lolo . Bakit kaya nito pinipigil ang mga sasabihin ni Lolo ? Bakit hindi Niya hinahayaan na magsalita ito . Bakit ayaw niyang patapusin sa pagsasalita ? "Seaman ?" naaalala ni Isabelle si Lucas .Isang sailor , kagaya din ng kaniyang ama , ngunit sa navy na ito nakasakay . Napansin ni Isabelle na nagkatinginan ang kaniyang Lolo at Lola . Magkatabi silang naupo sa sala set , habang si Isabelle ay nakatayo at inisa -isang tinitigan ang mga painting . Pareho itong may signatory sa ibaba -Damian- "Napakahusay pala ni ...ng aking ama .." sambit ni Isabelle . She can't decide whether to call him Papa or Tatay . Hindi rin Niya maipaliwanag ang kaniyang damdamin kung matutuwa ba siya na inilihim nila sa kaniya ng matagal na panahon ang tungkol sa kanyang mga magulang . Sa isip ni Isabelle bakit Kailangan pang ilihim , gayong araw-araw naman pala Niya itong nakikita na nakasabit sa dingding . Hindi Niya napigilan ang paghanga ng kaniyang ina . Ang ganda ng kaniyang ina , ang kaniyang ina ...na sa wari Niya ang mga mata nito ay nakasunod ng tingin sa kaniya . "Oo , mahusay ang iyong ama sa pagpinta . Mahusay na sa pagpinta at pagguhit ng larawan , magaling pa na sailor ..." Sabi ng Kaniyang Lolo , bakas sa tinig nito ang paghanga , halatang proud na proud sa anak . "Bagamat pinagkikitaan ng iyong ama ang kaniyang husay sa pagpinta , ay hindi talaga iyon ang trabaho Niya , kundi ang pagiging seaman niya ang sumusuporta sa aming pang araw araw na gastusin noon . " paliwanag pa ni Lola Margarita . "Alam mo , dahil sa husay ng iyong ama sa pagguhit at pagpinta, ay maraming lumapit sa kaniYa at gusto nilang ipinta sila ng iyong ama." Sabi naman ni Lolo Celso . "Isa po ba ang Manlambus historical painting na ginawa ng aking ama ? ," hindi napigilan na tanong ni Isabelle . Nakita Niya na muli na namang nagpalitan ng tingin sina Margarita at Celso . "Saan mo nakikita ang painting ?" gulat na tanong ni Lolo Celso . " Doon po sa museo...kagabi ..." Gusto rin sanang sabihin ni Isabelle na nahulog ang painting , ngunit kapag sasabihin Niya ito ay baka masaktan ang dalawang matanda , lalo na si Lola Margarita , . dahil ang painting ay gawa ng kanilang anak . Ayaw na rin niyang sabihin na muntik pa siyang mabagsakan ng napakalaki at siguradong mabigat na painting na iyon . Mas lalong hindi pa Niya masasabi ang kababalaghan na napansin Niya sa painting , ang pag-awit ng Isang babae na parang nagmumula sa loob nito ." kinikilabutan na naman si Isabelle . Suddenly she has this eerie feeling that she had felt while hearing the song ...twice . "Lolo , lola ..." umupo siya sa kanilang harapan . Naisip Niya na kailangan na niyang ipagtapat ang nangyayari kagabi . Nag-angat ng tingin ang dalawang matanda na sa palagay Niya ay kapwa may malalim na iniisip . "Uhmn..si ... Papa Damian nga rin po ba ang gumawa sa painting ? Sa Manlambus historical ?" ang katanungan na nasambit Niya . Hindi Niya nagawang ipagtapat ang nangyayari kagabi dahil marami pa siyang gustong marinig na sasabihin nila tungkol sa kaniyang mga magulang . "Oo, .." Tipid na sagot ng kaniyang lola . "Hindi namin alam na nakadisplay muli ang painting na iyon .. Matagal na iyon na hindi naka display ..." Sabi ng Kaniyang lolo . " Ano ba ang nagbigay hint sa iyo na sa ama mo iyon at naisipan mong itanong ?" "Dahil po dito ," tumayo muli si Isabelle at tinuro ang Isa pang painting na ang signatory ay kaparehas sa nakita Niya kagabi - Damian . Sa pagkakataon na ito , ang tinuturo na painting ni Isabelle ay Isang barko dinuduyan ng malalakas na alon at umuulan . Sa deck ng barko ay nandoon ang kaniyang ina at ama , they seem happy and ...dancing ? Hindi maiwasan ni Isabelle ang mamangha , " Lola , lolo ...hindi ko po ito .. napapansin ..ngayon ko lang nakikita ang Isang ito ..." tanong Niya na nagtataka. "Kahapon ko lang isinabit iyan ..." "Kung gayon...marami pang nakatago na painting si Papa? " "Ahh--" "Wala na ," putol na naman ni lola Margarita . Ito ang ikatlong pagkakataon na napansin Niya na inuunahan ng kaniyang lola sa pagsasalita ang kaniyang lolo . Nakita kaya ? Sinulyapan ni Isabelle ang kaniyang lolo na agad namang umiwas ng tingin sa kaniya . " May sasabihin po kayo lolo ?" anang Isabelle . Tinitigan ni lola Margarita si lolo na bahagya namang umiling . Dito na mas lalong napansin ni Isabelle na may tinatago silang dalawa sa kaniya . Isang tinatagong lihim na gustong ipagtapat ni Lolo , ngunit ayaw naman ng kaniyang Lola . "May gusto po ba kayong ipagtapat sa akin ? " sinabi Niya ang kanina pa gusto niyang itanong . "Ito nga , ipinagtapat na namin sa iyo nag tungkol sa Iyong mga magulang . Ito ang gusto mong malaman hindi ba ? " Sabi ng Lola Margarita . Hindi iyon ang gustong marinig ni Isabelle . " Pero , bakit po umabot pa ng halos eighteen years bago Nyo po sabihin sa akin ?" Apo, huwag ka ng magtatampo ...masakit po kasi sa amin ang alalahanin pa ang ... pangyayari ..." sambit ng kaniyang lola.. "Ano po ba kasi ang amgyari sa kanila ?" untag ni Isabelle . "Ang Iyong ama ...ay nasangkot sa isang trahedya ...iyon nga Isang trahedya na hindi namin matanggap at hindi namin . lubos maisip . " Sabi pa ng kaniyang lola . Himdi lingid Kay Isabelle na sa kanilang kuwento , lalo na kapag si Lola ang nagsasalita ay pawang Kay Damian lahat , tungkol lahat Kay Damian . Hindi nila binabanggit ang tungkol sa kaniyang ina . "Ano pong trahedya ang nangyari ? Sabay po ba silang nasawi ?" "Maaring oo...maaring hindi .." Nakaawang ang bibig ni Isabelle sa sinabi ng kaniyang lola . Maaring oo , maaring hindi .. Ano bang klasing sagot iyan . Kumunot ang kaniyang noo ," Lola ..ano po ang ibig sabihin niyan ? Hindi po pa kAyo sigurado sa nangyari sa kanila ? " "Kung ang nais mong malaman ay buhay pa sila o wala na , ang sagot ay wala na Isabelle , hindi na magbabalik ang iyong mga magulang .Hindi ko na makikita ang iyong ama . Wala na siya..." narinig Niya ang paghikbi ng kaniyang lola . Sadyang nangungulila ito . Nakita Niya na , inalo ng kaniyang lolo ang kaniyang lola . Hinimas nito ang likod ng matanda . " Marga ..." hanggang ngayon ba , hindi mo pa rin matatanggap ang nangyari sa kanila? " Bumaling ito ng tingin Kay Isabelle . " Iyan ang dahilan apo , kung kaya hindi namin masabi sa iyo ang tungkol sa iyong mga magulang ...dahil , tingnan mo ang iyong lola ...sa tuwing ... mapag-usapan namin ang tungkol sa kanila ...hindi Niya mapigilan ang umiyak .." Sabi ng Kaniyang lolo . "Bakit siya pa ...bakit sa kaniya pa ..." himutok ng kaniyang lola Margarita na nagpahid sa kaniyang mata . "Marga ," umiling na sabi ni Lolo Celso , " Hindi mapipigilan ang pag-ibig . Umibig ang iyong anak ...pareho silang umibig sa isat-isa . " "Kasalanan ng babaeng iyon ...kung hindi siya umibig Kay Damian ..hindi sana mapapahamak ang anak ko ...disin sana ay ...nandito pa siya .." "Mar...ga ,"'saway ni Lolo Celso sa kaniyang asawa . Ang kaniyang tinig ay bahagyang nagbabanta . " Umibig si Damian sa kaniYa . Huwag mong isisi lahat Kay prin-...Kay Uziela ang pangyayari . Pareho silang bikti-" "Lolo , " lumakas ang pitch ng boses ni Isabelle habang nakikinig sa kanilang usapan , hindi nakatiis sa kaniyang narinig . Bakit parang may sisihan sa relasyon ng kaniyang mga magulang ? Sa tono ng pananalita ni Lola Margarita , mukhang sinisisi Niya ang kaniyang ina? "Bakit po? Ano po ba ang tunay na nangyari ...bakit po parang sinisisi ..mo po 'la ...si Mama ?" hindi na maiwasan ni Isabelle ang diretsahang tanong . "Dahil siya ang dahilan ng pagkamatay ng iyong ama ..." matigas n@ sabi ni lola . Napapansin ni Isabelle ang matigas na tono ng kaniyang lola , kanina pa Niya napapansin na may issue siya sa kanyang ina . Hindi Niya ito binabanggit habang isinasalaysay Niya ang tungkol sa kaniyang ama . Muling sinulyapan ni Isabelle ang painting na magkasama ang kaniyang ama at ina . Masaya sila , ang kanilang mga mata ay larawan ng dalawang tao na masaya at nagmamahalan . Pero bakit parang galit siya Kay Uziela ? Bakit parang ayaw Niya sa babae ? "Paano nga po ? Bakit po ? Hindi ba Niya mahal ang papa ? Nagbago ba siya ?" "Hindi . " Sabi ng kaniyang lolo , tumigil na siya sa pag -alo sa kaniyang asawa . Mukha siyang nagalit sa sinabi niya Kay Isabelle . "Ang iyong ina ay may ginintuang puso , " tinitigan ni Lolo Celso ang painting ng kaniyang ina na nakaupo sa alcove ..biglang nanlaki ang kaniyang mata . "Ito po ba ang alcove ...sa ilalim ng ... lighthouse . ..?" Biglang nanlamig ang kaniyang batok ng maalala ang awitin na narinig Niya kagabi bago siya nadatnan ni Ronnie . Tumango ang kaniyang lolo ," Gaya ng sabi ko , ang iyong ina ay mabait , may mabuting kalooban at magmahal sa iyong ama . Kapwa sila nagmamahalan . " Kumislap ang mga mata ni Lolo habang nagsasalita . "Kung gayon bakit ...bakit parang ...kasalanan ni Mama?" bahagyang sinulyapan ni Isabelle ang kaniyang Lola . "Dahil ang kanilang pag-iibigan ay bawal . Hindi sila dapat nagtagpo , hindi sila dapat nagkakailala . Hindi dapat umibig ang iyong ina sa iyong ama ." malamig na sabi ni Lola Margarita . "Pero bakit nga?" hindi nakuntento si Isabelle sa sagot ng matanda . May malalim na dahilan na hinihintay niyang ipagtapat nila sa kaniya . "Dahil ang iyong ina ay ..." "Dahil ang iyong ina ay galing sa mayamang pamilya . Ang mga mayayaman ay galit sa katulad nating mahihirap ." For the fourth time in her tale , her Grandmother interrupted her grandfather .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD