AT THE LIGHT HOUSE
Nakatayo si Isabelle sa gilid ng light house , one hundred steps away from her house .
Malaki ang tulong ng lighthouse para sa mga mangingisda , dahil sa liwanag na dulot nito tuwing gabi kung sila ay pumupunta sa laot . Nakatulong din ito sa mga barko na dumadaan sa kanilang lugar patungo sa ibang bahagi ng karagatan .
Ang liwanag ng tower ay gabay upang hindi sila maligaw ng pupuntahan . Ang tower ay nakatayo sa mataas na bahagi ng mabatong buhangin , ang kaniyang Lolo Celso ay tagabantay ng light house mula pa noong siya ay maliit pa .
Nang masiguro Niya na wala sa loob ng light house ang kaniyang lolo ay agad siyang tumalikod upang bumalik sa kanilang bahay .
"SPLASH! " Isang malakas na hampas ng alon ang narinig ni Isabelle na ikinagulat Niya . Lumingon siya sa kaniyang likuran , ang kaniyang paningin ay agad na bumaling sa ilalim ng mabato at madulas na batuhan sa ibaba ng baybayin .
Ang lighthouse na kaniyang kinatayuan ay nasa mataas na bahagi ng pampang .
Dahan -dahan na lumakad si Isabelle sa gilid ng tower upang tingnan ang ibaba ng mabatong bangin . Napansin niya ang ilaw ng tower na patay-sindi .
Tumingala siya , kanina lang ay maliwanag naman ito , pero ngayon ay biglang dumilim ang kaniyang liwanag ,, parang pundido .
"SPLASH ! SPASH! " Bumaling muli ang tingin ni Isabelle sa ilalim ng mabatong bangin . Bakit parang may nahulog sa dagat ? Bilang sagot sa kaniyang sariling tanong - narinig Niya ang Isang magandang awitin na sa wari Niya ay naggagaling sa batuhan , just below the tower . There's an alcove that is perfectly designed just like a big living room in a man's home .
Ang kaibahan lang ay nasa dagat ito at imbes na couch - ay mga bato ang nagsilbing upuan ang siyang matutunghayan , imbes na sahig , - bato na may kasamang buhangin ang nandoon .
Buhangin na hindi maipaliwanag ng mga taga baryo , kung paano na hindi natatangay ng alon . Maya- maya pa ay biglang umihip ang malakas na hangin .
^^^My heart is pierced by cupid . I disdained all glittering gold . There is nothing can console me ...But my jolly sailor bold. ^^^
Nanindig ang balahibo ni Isabelle sa ganda ng tinig na kaniyang narinig .
Isang awitin? Sa gabing madilim? Oo nga , may ilaw sa light house , pero ...sa di inaasahan na pagkakataon , nagiging pundido ito .
Tumatayo ang kaniyang balahibo habang patuloy na naririnig ang humming ng kung sino mang babae ang kumakanta . Oo , hindi siya maaaring magkamali . Boses ng babae ang kaniyang naririnig .
Malakas ang t***k ng kaniyang puso , ang Sabi ng Kaniyang isip ay huwag siyang bumaba sa alcove . Ngunit , ang kaniyang mga paa ay hindi Niya madiktahan , patuloy ito sa dahan -dahan na paglakad sa gilid ng bangin , kahit pa nanindig ang kaniyang balahibo sa batok .
Nang nasa dulo na siya ng bangin at naghahanda sa pagbaba sa mabatong bangin ," Isabelle ! "
"SPLASH!"
"Careful !" Tumakbo si Ronnie palapit Kay Isabelle ng muntik na itong mahulog sa dagat .
"What are you doing!?" Nanlaki ang mga mata habang tinitigan ang malalim at nanggagalit na dagat sa ibaba .
"Ronnie ?" Isabelle gasped when she realized that she almost fell down to the raging sea below .
"Hindi mo ba nakikita na High Tide ? At malakas ang alon .." Subalit hindi pinansin ni Isabelle ang mga sinabi ni Ronnie .
"Did you hear it ?"
"What ?" Ronnie asked .
"The --"
Isang malakas na alon ang humampas na batuhan na bahagi ng bangin at ang tubig ay tumalsik hanggang sa gilid ng bangin kung saan nakatayo sina Isabella at Ronnie .
"Come here ," hinila siya palayo ni Ronnie sa gilid ng bangin at giniya pabalik sa daan patungo sa kanilang bahay. " kanina pa kita hinahanap , anong ginagawa mo rito sa baybayin ?" tanong ni Ronnie . " And Isabelle , you can walked right there ..." Tinuro Niya ang Baybayin .
"Kung gusto mong bumaba sa alcove ..." pwede ka namang dumaan sa buhangin , doon mismo sa baybayin , huwag dito sa bangi. " saway Niya sa dalaga .
"Pinuntahan ko kasi si Lolo sa light house upang magpaalam .." anang Isabelle .
"Nandoon naman sa bahay ninyo si Lolo Celso .. nagpaalam na rin ako sa kaniya. "
Kumunot ang kaniyang noo . Napapansin Niya na parang wala sa sarili si Isabelle .
"Are you okay ?" Tanong ni Ronnie .
Tumango si Isabelle . Ngunit , nagtataka kung sino ang umawit . Siguro kaya hindi narinig ni Ronnie dahil huli na siya ng dumating , tapos na ang kanta .
Muli niyang sinulyapan ang dagat bumalik na ito sa normal , payapa at halos hindi na nangagalit ang hampas ng alon sa dalampasigan at sa alcove .
Weird , bakit kaya biglang nag-iba ang dagat kanina ? Parang bata na nagwawala ng hindi binibigay ang paborito nitong laruan .
Nagagalit at ngumangawa. Muling dumaan sa kanilang bahay si Isabelle bago tuluyang umalis uoang daanan ang mga kaibigan na naghihintay sa eskina ng kanilang Sitio Busay , upang makipamiyesta sa Plaza Manlambus , ang kanilang sentro ng Baranggay .
"Wow , Isabelle ..mabuti naman at pinayagan ka ng Lolo at Lola mo ." Excited na bati ni Marcy sa kaibigan .
"Oo nga , akala namin hindi ka na naman makarating . Huling gabi pa naman ito ng piyesta sa ating Barangay . " Sabi naman ni Mariel .
"Hindi rin naman ako papayagan kung hindi dahil dito Kay Ronnie . Siya ang nagpaalam Kay Lolo Celso kaya ako pinayagan na makasama sa inyong lakad ngayong gabi . " Nakangiting sabi ni Isabelle na nakatingin Kay Ronnie .
"Very good , Ronnie . ." Tinapik ni Marcy ang balikat ng lalaki . Apat silang matalik na magkakaibigan sa kanilang kalye .
Silang apat ay nakatira sa isang magandang Sitio na tinatawag na Busay na sakop ng Baranggay o Barrio Manlambus .
Ang Sitio Busay ay nasa taking dagat .
Pareho silang nakatira malapit sa dagat na tinatawag nila na Sitio Busay , sakop ng Barrio o Barangay Manlambus .
Ang magkaibigan ay parehong nag-aaral at kapwa grade 12 . Pero , ang bahay ni Isabelle ang pinakadulo at pinakamalapit sa baybayin ng Busay .
Si Ronnie Pontevedra ay anak ng may -ari sa Isa sa may malaking palaisdaan sa kanilang lugar . Ang kaniyang ina ay nagtatrabaho sa City Hall at ang kaniyang ama naman ay personal na nangangasiwa sa kanilang palaisdaan . Ang mga magulang ni Ronnie ay dayo sa Manlambus .
Sinasabi ng ang kaniyang ama ay may namana na lupa at ito nga ay ang buong Busay .
Gusto sana ng ina ni Ronnie na si Ginang Yolly na pagandahin ang Busay at gawing beach resort , ngunit dahil may mga nakatira na tao sa paligid bago pa man nila ma claim ang lupain , ay nahirapan na sila na ito ay I renovate .
Si Marcy de la Cruz naman , ay anak ng mag-asawang guro . Parehong elementary teacher ang kaniyang mga magulang . Si Marcy ay nag-iisang anak , kagaya ni Ronnie na nag-iisang anak din .
Si Mariel de Jesús naman ay anak nina Mang Jose at aling Linda na parehong nagmamay-ari ng mga bangka . ito ang kanilang pangkabuhayan o negosyo , nagpaparenta sila ng mga sakayan o little boat sa English. Ang sakayan o banca na ginagamit ng mga mangingisda upang sa panghuhili ng isda , ang bangka ang kanilang sinasakyan .
Si Isabelle Aloha ay apo ng mag -asawang sina Lola Margarita at Lolo Francisco o Lolo Isko, kilala siya sa pangalan na Lolo Isko.
. Malapit sila sa dagat dahil sila ang kauna -unahang pamilya na nanirahan sa Sitio Busay .
"Bakit kaya malaki ang tiwala ni Lolo Isko Kay Ronnie no ? basta itong lalaking. Ito ang magpaalam ay pinapayagan si Isabelle na makalabas ng bahay . " Tanong ni Mariel .
" Siyempre , anak siya ng may-ari ng buong lupain st dagat ng Busay , kaya siguro natakot si Lolo Isko ," Sabat ni Marcy.
Hindi naman siguro iyon ang dahilan ni Lolo Isko at lola Margarita . Sadyang mabait lang ako , kaya ganon ..." Nakangiting sabi ni Ronnie . Masaya sila na nagpatuloy sa paglakad papunta sa plaza .
"Ay , naku .! Malayo na tayo sa dagat , pero mahangin pa rin dito sa Sentro ng Barrio ah . " Siniko ni Mariel si Ronnie na lalong tumawa.
"O , Isabelle bakit ang tahimik mo yata .? "Tanong ni Ronnie sa kaniya ng sila ay nakarating na sa Plaza Manlambus kung saan ang sentro ng piyesta ay naroon .
Pero sa isip ni Ronnie , ay nagtataka din siya sa mga asal ni Isabelle mitong mga huling Isang linggo na nagdaan . Para itong tulala , madalas na nakatingin sa malayo . Hindi rin nakaligtas Kay Ronnie ang mga pagbabago sa kilos ni Isabelle . Sa madalas ay nag-iiba ang paligid kapag siya ay nasa dagat .
"I don't know guys , I just .." Nagkibit balikat si Isabelle . hindi rin Niya maintindihan ang kaniyang sarili . Biglang nagbabago ang kanyang mood . Ngunit ayaw naman niyang sabihin sa kaniyang mga kaibigan ang nangyayari sa kaniya . Ayaw niyang masira ang kanilang gabi , pinagpaalam pa man din siya ng kaniyang mga kaibigan .
Ayaw niyang masayang ang kanilang effort lalo na itong si Ronnie . "You know , don't mind me ...I'm good . Siguro nanibago lang ako dahil ngayon ko lang naranasan ang gumala, pasensya na kayo . " Ngumiti pa si Isabelle sa kanila para ipakita na ayos lang siya . Pero , sa loob nito ay hindi rin Niya maipaliwanag ang kaniyang damdamin , bakit siya nababalisa ? My kaugnayan kaya ito sa nakikita Niya sa dagat noong Isang a--
"Wow ,! Ang ganda !" Sigaw ni Mariel . " Sumakay tayo doon sa ferries wheel !": Nagtatalon ito sa tuwa at tinuro ang Isang bakanteng lote sa gilid ng plaza Manlambus kung saan nakalagay ang tinatawag nilang perya .
Sa peryahan ay makikita ang maraming mga palaro ma nagbibigay ingay at tuwa sa mga kanayon ni Isabelle . Sa perya ay makikita ang tinatawag nilang BINGO na laro .
Mayroong baril- barilan kung saan Kailangan mong makatama sa target o Bullseye ka sa target para makakuha ka ng premyo - isang malaking Teddy Bear . Mayroon din na arrow ang ginagamit o dart para makatama ka sa target .
Sa kabilang bahagi pa ng perya ay nandoon ang ferries wheel , octopus ride , train ride na kung saan may mga multo na kunyari ay ang -aabang sa madilim na bahagi ng train .
Mga multo o monster na nag-aabang sa madilim na bahagi ng tunnel na daanan ng train . Hindi na naghintay si Mariel na sumagot sino man sa mga kasama Niya , hinila Niya kaagad si Marcy at pumasok na sa bukana ng perya at nagbayad .
" Hoy sumunod na kaagad kayo sa amin ha , " sigaw naman ni Marcy kina Ronnie at Isabelle na naiwan pa sa labas ng perya . Dahil sa madaming tao ay madaling nawala sa kanilang paningin ang dalawang magkaibigan . " Okay ka lang ba , Isabelle ? " Tanong ni Ronnie . " gusto mo bang sumakay din sa ferries wheel ? "
" Hindi na ..ikaw baka gusto mong sumakay okay lang sa akin na dito---"
"Ronnie ?!" Napalingon sina Ronnie at Isabelle sa pinanggalingan ng boses . Isang magandang babae ang nakita ni Isabelle na matamis na ngumiti Kay Ronnie . Nakasuot ito ng mini skirt at tube na hapit na hapit sa katawan at sneaker shoes . Naka ponytail ang blonde na buhok , halata na naglagay ng extension lashes .Samantalang ang kaniyang labi ay matingkad na kulay pula ang gamit na lipstick . Halata na nag-ayos ng mabuti ang babae .
" Mildred ?"