HER OWN

2099 Words
"Kaya kung darating man ang pagkakataon na iibig ka na Isabelle , huwag mong piliin ang lalaking ...bawal .Huwag Kang iibig sa mayamang lalaki . " "Marga ! ano bang pinagsasabi mo .?" mabilis na saway ng kaniyang lolo ," Hindi mo pwedeng diktahan ang puso ng tao kung sino ang kaniyang iibigin . Alam mo iyan .." Habang nakaupo si Isabelle sa kahoy kung saan nag-uusap sila ni Lucas kagabi ay nauulinigan pa rin Niya ang sinasabi ng kaniyang Lola Margarita . Totoo nga ba ang sinasabi nito tungkol sa mayayaman? Ang kaniyang ina ay mayaman , ayaw ng pamilya ng kaniyang ina sa kaniyang ama , dahil mahirap lamang sila Papa ? Pero bakit parang kumokontra si lolo sa mga sinasabi Niya ? Bakit parang nagtatalo ang kanilang mga tingin. Bumuntong-hininga ng malalim si Isabelle , imbes na sasabihin na Niya ang nangyari sa kaniya kagabi ay hindi na Niya itinuloy . Mukhang napaisip pa siya kung ano ang totoong nangyari sa kaniyang pamilya , sa kaniyang mga magulang ? Nagdududa siya sa mga sinasabi ng kaniyang lola . Oo , naniniwala siya na si Damian at Uziela ang kaniyang mga magulang , dahil walang reason para magsinugaling ang kaniyang Lolo at Lola sa kaniya . Pero may pakiramdam siya na hindi pa lahat naipagtapat sa kaniya ang totoo . May palagay siya na mayroong mas matindi at mabigat na dahilan ang pagkadisgusto ng kaniyang Lola sa kaniyang ina na si Uziela . " Kung ...hindi ...dahil sa kaniya...buhay pa sana ang ama mo ..." naaalala niyang himutok ng kaniyang lola . Ano ba ang ibig niyang sabihin ? Kasalanan ba ang magmahal ? Kasalanan ba ng kaniyang ina na naging mayaman siya ? The thing is ...hindi rin sigurado si Isabelle kung nagsasabi ng totoo ang kaniyang lola . Lucas ... Sumagi sa isip ni Isabelle si Lucas . Tinapunan ng tingin ang bakanteng kahoy sa tabi Niya . Inaalala ang pag-uusap nila kagabi . Kinikilig siya ng isipin na na -a-attract din ang lalaki sa kaniya . At uminit ang kaniyang mukha habang ang Kaniyang kamay ay hipo ang kaniyang labi . Napalunok siya sa kaniyang sariling laway , hindi Niya sukat akalain na kagabi ay matikman Niya ang tamis ng unang halik ...sa Isang estrangherong manlalayag . Ipinilig ni Isabelle ang kaniyang ulo , hindi naman siya ang tipo ng babae na madaling magtiwala sa mga lalaki , pero kagabi ...ang bilis niyang sumama Kay Lucas ng mag-aya ito ng pamamasyal , na silang dalawa lang . Wala pang Isang oras ng magkakilala sila ...pero hindi niya magawa ang tanggihan ang lalaki ng yayain siya nito . Anong meron sa kaniya ? Bakit ...bakit parang ang bilis niyang magtiwala rito ? " Kaya kung pipili ka ng lalaki ... huwag mong piliin ang bawal ..." nauulinigan na naman Niya ang tinig ng kaniyang lola . At si Lucas ang sumasagi sa isip Niya kapag naalala ang sinabi ng lola niya . Bawal kaya si Lucas na mahalin ? Kunsabagay , hindi pa Niya lubos na kilala ang lalaki . Sana ay nagkaroon sila ng maraming oras kagabi upang mag-usap ng matagal . Ang bilis ng oras , hindi Niya namalayan na inihagis na siya nito sa kanilang bahay . Para siyang nakalutang sa hangin . Ito na ba ang tinatawag nilang pag-ibig, sa isip ni Isabelle . Naiinis na tumayo si Isabelle . What the heck is wrong with me ? Bakit ayaw akong tantanan ng mukha ni Lucas , ang paghipo Niya , ang paghalik niya , ang mga ngiti Niya ...bakit ayaw akong tantanan ng pag-isip sa kaniya? Isabelle thought maybe because , she was attracted to him . At ang nagpapangiti sa kaniYa ay ang isipin na attracted din sa kaniya si Lucas , he told her himself . At ang lalong nakaka excite ay --naniniwala siya sa sinasabi ni Lucas sa kaniYa , na babalik ito para makita siya . Inamiy niya ang jacket na pinahiram ni Lucas sa kaniYa . Dahil manipis ang kaniyang suot na bestida ay sinasapawan Niya ito ng jacket ni Lucas . Ang totoo wala siyang balak na lumabas ng bahay , Pero dahil sa pagtatalo ng kaniyang lolo at lola habang isinasalaysay nila ang kasaysayan ng kaniyang ama at ina , naisipan niyang lumabas na lang ng bahay at magpahangin sa dalampasigan. Iniisip Niya na kung sakaling totoo na babalik si Lucas upang makipagkita sa kaniya , ay itatanong Niya ang lahat ng impormasyon na Kailangan niyang malaman ukol sa lalaki . Ang pagtatagpo nila kagabi ni Lucas ay hindi Niya inaasahan , mabuti na lang pala at sumamsa siya sa kaniyang mga kaibigan . Huh! Biglang tinampal ni Isabelle ang kaniyang noo , nakokonsensya siya kina Ronnie , Marcy at Mariel . Bumuntong-hininga siya ng maaalala Niya na hindi man lang Niya tinawagan ang kaniyang tatlong matalik na kaibigan . Kailangan niyang nakabawi sa kanila , sa isip ni Isabelle . Tatawagan ko na lang sila Isa -isa pag-uwi ko mamaya sa bahay , she thought . Baka nagtatampo na sa kaniya ang tatlong kaibigan Niya . Lalo na si Ronnie , nakita pa naman Niya ang concern sa kaniyang mukha ng siya ay umalis upang bigyan sila ng chance ni Mildred na mag-usap . Sino si Mildred ? Bakit hindi Niya ito matandaan ...ang sabi ni Ronnie ay apo ni Kapitan Magno . Malamang tagarito lang din siya sa Manlambus . Sa palagay ni Isabelle , may gusto si Mildred Kay Ronnie . Kitang -kita ang lagkit ng tingin Niya sa binata . At sa tono ng pananalita ng babae , parang ipinaramdam Niya sa kaniya na hindi siya nito gustong mapalapit Kay Ronnie . Nagkibit balikat si Isabelle , magkaibigan lamang sila ni Ronnie . Mabait at concern na tao si Ronnie , swerte ang babae na maging girlfriend Niya . She promised herself to call him .. pagkatapos niyang mamasyal . Tumayo si Isabelle at nagpalakad lakad sa dalampasigan . Hanggang sa siya ay makarating sa talon . Ang kanilang lugar ay Isa sa maituturing na yaman ng kanilang barangay at siyudad . Sino ba ang mag-aakala na. sa tagong Sitio ng Busay , ay makikita mo ang Isang magandang waterfalls . Maliban pa sa maliis at maputing Baybayin ng Busay , ay makikita mo rin ang magandang pool na gawa ng bumabagsak na tubig ng talon -- na dumadaloy sa dagat . Ang lugar ay pwedeng makipagsabayan sa ibang de kalidad na baybayin . "Majestic ," hindi naiwasan ni Isabelle ang humanga sa ganda ng talon at kamangha -manghang bagsak ng tubig mula sa ibabaw ng lupa , ang tubig na bumabagsak ay nagdulot ng pool sa ilalim at dumiretso ang daloy nito sa dagat ng Sitio Busay Sea. Kahit Paulit -ulit na pinapasyalan ni Isabelle ang talon ay hindi pa rin siya nagsasawa sa magical feeling na kaniyang nararamdaman tuwing pagmasdan Niya ang talon . Naupo siya sa malaking bato pinapanood ang kagandahan ng paligid ng talon . Ang kaniyang paa ay maingat na iniangat sa ibabaw ng bato upang hindi siya mabasa sa pool kung saan bumabagsak ang tubig . Nauulinigan Niya ang mga ibon na lumilipad sa mga Sitka Spruce trees at Talisay tree na makikita sa malupa na bahagi ng area . Ngumiti siya ng makita ang kubo , buhay pa pala ito ...nakatayo pa pala ito , sa isip Niya . Ang kubo sa pagkakatanda Niya ay dati ng nakatayo simula ng siya ay magkaroon ng unawa , at dito sila ni Lolo at Lola nagpapalipas ng tanghali , sa mga sandali na sila ay mabutan ng pagod sa pangunguha ng sea shells . Minsan din kapag si lolo ay naglilinis sa paligid ng coastal area . Hindi naman siya sinsahuran upang maglinis sa buong Busay Sea . Pero ang sabi ng Kaniyang lolo , obligasyon ng bawat mamamayan ang maglinis sa kapaligiran . Lalo na kapag ito ay maituturing na yaman . Ang kanilang lugar ay dinadayo ng kanilang mga tao sa barangay at ng buong siyudad dahil sa ganda nito . Sa palagay ni Isabelle ang waterfalls ang Isa sa sinasadya ng mga tao na puntahan . Kapag weekdays kagaya ngayon , ang Busay Sea ay marami ng tao na nagtatampisaw sa dagat . Subalit ngayon , tahimik ang dalampasigan , siguro dahil pagod ang mga tao kagabi sa huling gabi ng Manlambus Fiesta . Saglit na bumaling ang tingin ni Isabelle sa paanan ng bato ng marinig Niya ang tunog ng tubig sa pool ng talon . Isang tunog na parang kumukulong tubig . When she looked down , she saw that the pool basin water moves in circle ! Sa simula ang paggalaw ng tubig ay mahina ... hanggang sa ito ay unti-unting bumibilis , hanggang sa ang pag-ikot ay tuluyan ng gumawa ng nakakatakot na ingay at tuluyan ng tumalsik ang tubig sa kaniyang mukha . Nabigla siya dahil sa malamig na tubig na humampas sa kaniya . She gasped when she realized that the circular motion of the water gathered only in front of her , hindi naman kumukulo at hindi nag-iiba ang galaw ng tubig sa ibang bahagi ng pool . Sa tingin ni Isabelle nanggagalit ang pag-ikot ng tubig dahil sa sobrang bilis nito . Alam Niya na may katumbas itong explanation sa science kaya kahit nakaramdam siya ng takot at paninindig ng balahibo ay iwinaksi Niya ang kaniyang pakiramdam . She wanted to stay away from the basin , so, she wanted to flee . She wanted to look away ...but she couldn't . The eerie feeling started to succumb yet again , just like the feeling she had felt last night . She forced herself to fight the pull to stay and be drawn to the raging motion of the water . She climbed to her feet and stood up , ready to flee . Nang biglang narinig ni Isabelle na pumailanlang na naman ang awitin ng kaniyang narinig kagabi . Natigilan siya at nanatiling nakatayo sa ibabaw ng bato , nakatingin sa umiikot na tubig . Para siyang kandila na itinulos , hindi Niya magawang gumalaw . ^^^ MY heart is pierced by Cupid .. I disdain all glittering gold ... There is nothing can console me ... But my jolly sailor bold ...^^^ Unti-unting humina ang pag-ikot ng tubig . Enough para makita Niya ang Isang bagay na hindi Niya inaasahan . Nanlaki ang mga mata ni Isabelle ng sa gitna na umiikot na tubig ay nakita Niya ang Isang mukha ...na nakatingin sa kaniya . She dropped her jaw in astonishment ...and then she was frightened when the image that was staring back at her ... was her own !. Ang kaibahan nga lang ...ang mga mata ng babae na nakatingin sa kaniya ay galit ...matalim ang tingin na ipinukol nito sa kaniya , sa wari Niya ay nagbabanta . Bagamat ang mukha ng babae na nakikita niya ay nasa ilalim ng tubig , malinaw niyang nakikita ang galit ng mga titig nito . At malinaw niyang nakikita na kamukha Niya ang babae! Kinapa Niya ang kaniyang sarili.. kinapa Niya ang kaniyang mukha , hinawakan Niya ang kaniyang buhok . Habang ginagawa Niya ang paggalaw napapansin Niya na hindi sinusunod ng babae ang kaniyang ginagawa . Iisa lang ang ibig sabihin nito ...hindi siya ang nasa tubig , hindi Niya ito anino , ibang babae ang nasa tubig!! Uminit ang katawan ni Isabelle ...patuloy sa pagtayo ang kaniyang mga balahibo sa katawan , particular na sa kaniyang batok . The woman was still staring at her , Napaatras si Isabelle ... part of her wanted to run ..part of her wanted to stay ..para makita kung ano ang mangyayari kapag tuluyan ng tumigil na ang pag-ikot ang tubig . Kinurap Niya ang kaniyang mga mata dahil baka guni -guni lang ang nakita Niya . Baka , kathang -isip lamang Niya ito . Baka kulang lang siya sa tulog . Baka dahil sa nangyari kagabi ...- No ! Nang muling buksan ni Isabelle ang kaniyang mata ay unti-unting tinaas ng babae ang kaniyang kamay para abutin siya ...bagama't nasa ilalim pa rin ng tubig ang babae , ang kaniyang kamay ay parang may magnet na humihila sa kaniya upang dahan -dahan na bumaba sa tubig . She gasped loudly when she felt a hand touching her shoulders . "Isabelle ..." Lumingon siya sa kaniyang likuran ... pagkatapos ay muling bumaling sa kaniyang harapan , sinulyapan ang tubig ...nawala na ang pag-ikot ng tubig sa kaniyang harapan kasama ang mukha ng babae .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD