"Isabelle , apo anong oras ka ba umuwi kagabi ? " tanong ni Lolo Celso sa kaniyang apo ng sila ay kumain na ng tanghalian .
Hindi na napansin ni Isabelle ang oras kagabi ng siya ay pumanhik sa kanilang bahay . Hindi Niya namalayan ang pagtakbo ng oras doon sa beach habang kasama at kausap si Lucas . Bahagyang gumaan ang kaniyang pakiramdam at maaniag kaagad sa kaniyang labi ang ngiti .
Nagtaka man ang kaniyang lolo at lola sa kaniyang reaksyon ay hindi na nila binigyan ng pansin . " Pasensya na kayo lolo , lola ...hindi ko po na check ang oras . Pero may palagay ako na pasado alas onse na po ng gabi ako nakauwi ." sabi ni Isabelle .
Hinigop Niya ang sabaw ng green shells na kanilang ulam .
"Ganoon ba , sino naman ang naghatid sa iyo?" Tanong naman ng kaniyang Lola Margarita .
"Eh, hmm.." natigilan si Isabelle . Bigla siyang napaisip , sa buong buhay niya , walang ibang lalaki ang kasama Niya sa paaralan kundi si Ronnie lang . Si Ronnie lang din ang kilala ng kaniyang mga old folks na palaging naghahatid sa kaniya mula sa paaralan .
"Ano ka ba , Marga.." Sabi ni Lolo Celso sa mapanukso na tinig . "Wala namang ibang maghahatid Kay Isabelle kundi si Ronnie lang . " Napatingin si Isabelle sa matandang lalaki. Sa edad nito na 76 ay matipuno pa rin ang pangangatawan at malakas . Kaya pa nito ang mamangka sa dagat at manghuli ng Isda . Bagama't hindi na maitatanggi ang pamumuti ng kaniyang buhok .
"O siya ..alam ko naman iyon , ang ibig ko lang malaman kung sumama din ba sina Marcel at Mariel sa pag- uwi , dahil noong bisperas pa yata ng kapistahan ang dalawang iyon ay excited na makagala . Ang alas onse sa panahon ngayon , naku ...maaga pa iyan para sa mga kabataan ngayon . " umiling na paliwanag ni Lola Margarita.
" Kaya nga natutuwa ako dito sa apo natin , sinuwerte na makatagpo rin ng mga kaibigan na mababait . " Sabi pa ni Lolo . " Hay..ang sarap talaga ng timpla ng luto ni Lola Margarita mo , apo . " dagdag pa ni Lolo , pagkatapos higupin ang sabaw ng green shells .
"Oo nga po ," ang tanging nasabi ni Isabelle , naghahanap ng tiyempo kung paano sasabihin na hindi si Ronnie ang naghatid sa kaniya kagabi , kundi Isang estrangherong lalaki na ...nakahalikan pa Niya .
Bigla na namang nilukob ng hiya ang sarili ni Isabelle ng maaalala ang matamis na halik na mula sa binata . Ang kanyang paghipo sa kaniyang likod at pisngi , ang mga yakap nito sa kaniya na pumukaw at nagbigay ng init sa kaniyang kalamnan.
"Isabelle , apo ... mainit pa rin ba ang sabaw ng green shells ? Palamigin mo muna ng konti . " Sabi ng Kaniyang lola .
Nagtataka naman si Isabelle sa sinabi nito , hindi naman mainit ang sabaw , sakto lamang ito upang mahigop na . Ang totoo kanina pa siya nagsimulang tikman at higupin ito .
"Hindi naman po mainit ang sabaw ' La .." Sabi Niya .
"Namumula ka kasi , kaya akala ko naiinitan ka sa sabaw . "
Muntik ng masamid si Isabelle sa hinigop na sabaw . Uminit ang kaniyang mukha . Biglang kinakabahan na napansin ang kaniyang pamumula . Mabuti na lang pala at ang sabaw ng green shells ang pinagbibintangan . Hindi nila alam na ang dahilan ng kaniyang pamumula ay dahil naaalala Niya ang halikan nila ni Lucas kagabi .
Iniwas ni Isabelle ang kaniyang mukha sa dalawang matanda at nagpatuloy sa pagkain .
Magkikita pa kaya kaming muli ni Lucas ?
Babalik pa kaya si Lucas dito sa bahay ? Totoo ba ang kaniyang sinasabi na muli Niya akong dadalawin ? Napalunok siya ng laway ng maalala Niya ang matamis nitong papuri sa kaniYa . Totoo kaya lahat ng kaniyang sinabi ?
KA-BLAG !
"Ay , susmaryosep naman ! " sapo ang dibdid na biglang tumaas ang boses ni Lola . Nanlaki naman ang mga mata ni Isabelle ng makita na nahulog ang picture ng Isang babae at lalaki na nakaupo sa mabatong buhangin .
Kahit simple lang ang kanilang bahay . Gawa ng kalahating semento at kalahating kahoy , pero ang kanilang tahanan ay masasabi naman na convenient na tirahan .
May dalawang kuwarto para sa kaniya , at ang Isa ay para kina lolo at Lola . Mayroong tinatawag na sala - counterpart na living room ng mga mayayaman. May dinning room - na sa payak na pamumuhay ay tinatawag ito na kusina . Sa kanilang kusina nakasabit sa dingding ang picture frame .
"Ito naman, matanda ka na nga Margarita ," Sabi ni Lolo na tumatawa pa . " Ang bilis mo ng matakot at mabigla , tigil -tigilan mo na ang pag-inom ng kape . " saway pa Niya sa kaniyang asawa . Tumayo si Lolo Celso at pinulot ang nahulog na picture frame .
"Hmmn..." Hinimas Niya ang lumang larawan at biglang lumambot ang kaniyang mga mata habang tinitigan Niya ang mga larawan sa frame .
"Sandali ..." pigil ni Lola Margarita Kay Lolo na akmang isasabit na sana sa dingding ang frame . " Akina ..." inabot ni Lolo Kay lola ang frame at muling naupo sa mesa .
Hindi nakaligtas Kay Isabelle ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata ni lola Margarita . Kumunot ang kaniyang noo. Ang larawan ay nakasabit na sa dingding ng kanilang kusina mula pa noong bata pa siya .
Wala namang sinabi ang kaniyang Lolo at Lola ukol sa larawan . Hindi rin Niya naisipan ang magtanong sapagkat ang kadalasan niyang tinatanong ay ang tungkol sa kaniYang mga magulang . Na sa kadalasan , ang isasagot naman ni Lolo Celso ay sa Lola Margarita siya magtatanong .
Kapag tinatanong naman ni Isabelle ang kaniyang lola , ay bigla itong iiyak , hanggang sa hindi na magawang magtanong pa ni Isabelle . Sinasabi pa ng Kanilang lolo at lola na malalaman din Niya ang totoo , pagdating ng panahon .
"May batik ...ipayos muna natin ito ...baka muli na namang mahulog at tuluyang madurog ang Kristal . Baka masugatan tayo sa bubog .
May kalakihan din naman ang picture frame, ang larawan sa loob ay gawa sa pinta , ngunit sadyang makatotohanan . Maganda ang pagkagawa nito . Sa isip ni Isabelle , Isang dalubhasang pintor ang may gawa nito .
Tinitigan ni Isabelle ang larawan ng maige ..buhay na buhay ang larawan ng babae at lalaki na nakaupo sa mabatong buhangin . Ang babae ay nakahilig sa dibdib ng lalaki , habang ang lalaki naman ay nakahapit ang bisig at kamay sa maliit na beywang ng babae .
Tinitigan ni Isabelle ang painting . Ang pagkagawa nito ay parang maihalintulad Niya sa napakalaking painting na nahulog sa museo . Isabelle gasped , remembering the falling painting in the museum . Bakit parang may kaparehas ang uri ng pagpinta ? Tiningnan ni Isabelle ang ibaba ng painting ...there ...nakita Niya ang kaniyang hinahanap . Ang signature ng pangalan na Damian sa ibaba ng painting.
"Sino po si Damian? " tanong ni Isabelle sa dalawang matanda . Dahan -dahan niyang kinuha Kay Lola Margarita ang painting na binitiwan naman ng matanda upang ibigay Kay Isabelle .
Habang tinitigan ni Isabelle ang larawan ay gumalaw ang kaniyang kamay at hinipo ang painting . Ang lalaki sa painting ay makisig , matipuno , guwapo . Makapal at maitim ang kaniyang buhok . Nakahubad ang pang-ibabaw ng lalaki , nakasuot lamang ito ng shorts . Ang guwapo sa isip ni Isabelle . Matamis ang ngiti at ang kaniyang mata ay ...ang kaniyang mga mata ...bakit parang kapareho---
"Siya ang pintor ng larawan na iyan ...at siya rin ang lalaki sa larawan ..." Sabi ni Lolo Celso .
Bumaling ang tingin ni Isabelle sa mukha ng babae ...napakagandang babae . Ang kaniyang perpekto na hugis puso na mukha at ang kaniyang mapang-akit na labi ay indikasyon ng Isang ganda na nakakahalina . Maihalintulad ito sa Isang diyosa . Ang inosente nitong mata at maamong mukha ay nakakaakit . "Ang ganda .." hindi napigilan ni Isabelle ang humanga .
Nakalugay ang mahaba at kulay kayumanggi nitong buhok na lalo namang nagpapatingkad sa maputi nitong balat na sobra ang kinis .
"Ang pangalan niya ay si Prin--"
"Ang babae sa painting ay si Uziela," pinutol ni Lola Margarita ang gustong sabihin ni Lolo Celso , kumunot ang noo ni Isabelle . Nagtataka, kung bakit sinapawan nito ang pagsasalita ng lolo .
"Sino po sila ?" Kinakabahan na tanong ni Isabelle . Sa araw-araw na nakikita Niya ang painting tuwing kumakain sila , ay hindi Niya maiwasan ang magtaka . Lalo na kapag siya ay magtatanong at hindi siya sinasagot ng kaniyang Lolo at Lola .
Minsan , nahihiya na siya sa kaniyang mga kaklasi kapag nagtatanong kung nasaan ang kaniyang mga magulang . Ang tanging alam Niya na sagot ng kaniyang Lolo at Lola kapag siya ay nagatatanong ay patay na ang mga ito .
At dahil inaalala Niya na nasasaktan pa ang dalawa ay hindi na siya nag -apura pa na ikwento ang buong istorya .
Pero ngayon , sa pagkakaong ito , na nasa saktong gulang na siya , she will be turning eighteen in less than seven days . Siguro , panahon na para sabihin nila kung nasaan ang kaniyang ina at ama , panahon na para malaman Niya kung totoo ba na patay na ang kaniyang mga magulang .
"Sina Damian ...at si Prin..si Uziela ay patay na ..." mahinang sabi ni lola Margarita . Tinitigan ni Isabelle ang larawan . It's a shame to know that these two beautiful creatures are dead .
"Lola ..hindi po iyan ang ibig Kong sabihin ...gusto ko pong malaman kung sino sila ..." tanong ni Isabelle na kinakabahan . Malakas ang kaniyang kutob na .. may kaugnayan siya sa babae at lalaki sa painting .
Noon pa man ay nagdududa na siya , Pero palagi namang iniiba nila ang usapan , hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng interes na magtanong .
Napaisip na lamang siya na ang mga nakikita Niya sa painting ay palamuti o dekorasyon lamang ng kanilang bahay . Pero , hindi Niya maiwasan na magtaka sapagkat ang hitsura ng lalaki at babae ay nakikita rin Niya na nakasabit sa kanilang sala o living room.
Ang ibig ipahiwatig nito ay bahagi ang babae at lalaki sa kanilang buhay ? Mga artista ba sila noong unang panahon na iniidilo nila noong sila ay nasa kabataan pa ?
Marga , " Sabi ni Lolo Celso na tapos na sa pagkain . " Sabihin na natin Kay Isabelle ang totoo .
"Ano pong totoo ..?" napakislot ang puso ni Isabelle .
Si Lola Margarita na nagliligpit ng pinggan , kutsara at tinidor na ginagamit sa pagkain ay bahagyang huminto at tinitigan ng matalim si Lolo Celso .
" Lola , ano po ang ibig sabihan ni Lolo na totoo ..?" lalong lumakas ang pintig ng puso ni Isabelle .
Naaalala ang nangyaring hindi Niya maipaliwanag na kababalaghan kagabi . Muli niyang sinulyapan ang painting at hinawakan ang balikat ng kaniyang lola .
"Lola .." Sabi ni Isabelle sa tinig na nagsusumamo . " Sino po sila ?" hinipo na naman ni Isabelle ang painting .
"' Marga ..." sambit ni Lolo Celso .
"Tumahimik ka , Celso .." matigas na sabi ni lola Margarita .
"Pero ..."
"Ano pa ang silbi kung sasabihin mo sa kaniya ang totoo ? Maibabalik pa ba ang nakaraan ?" bumuntong-hininga si Margarita . Nilagay Niya sa lababo ang kanilang ginamit na kubyertos.
Kumuha ng pangpunas sa mesa na dali -dali namang kinuha ni Isabelle . "Ako na ho ." pinunasan ni Isabelle ang mesa .
Pagkatapos ay muling naupo si Lola Margarita . Nilagay ni Isabelle ang pamunas sa lababo at bumalik din ng upo sa mesa , kagaya ng kaniyang Lolo at Lola . Ang painting na nilagay Niya sa kaniyang upuan ay hawak na ng kaniyang Lola Margarita .
Malungkot na nilalaro ng kaniyang kamay ang mukha ng lalaki sa painting . " Si Damian ...ang pinakamamahal Kong anak .." nangilid ang luha sa kaniyang mga mata . "Si Damian , ay iyong ama Isabelle . "