Masyadong malalim na ang gabi nang ako ay natulog ngunit maaga pa rin akong gumising kinabukasan. Halos spa kami ni Tita Belith na lumabas ng silid upang magluto ng mga babaunin naming pagkain sa aming pagpasok sa paaralan. May canteen man sa school ngunit nakasanayan ko na rin ang magbaon sa araw-araw na dumadaan. Bawas gastos na sa baon, bawas sa hihingin kong pera kay Mama. “Mabuti naman at maaga ka pa nagising Miura sa kabila ng kung anong oras ka na natulog nang nagdaang gabi.” anitong abala sa kawali kung saan hinahalo ang sinangag na niluluto. Iyon ang aming magiging almusal ngayong araw. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Tumutulo pa ang dulo ng aking buhok. Bukod sa maaga akong gumising ay maaga rin akong naligo para hindi na ito maging abala mamaya. “Opo Tita Belith, maayos po a