Chapter 10: Putik

3196 Words

Nagpatuloy ang aming klase bilang panimula ng aming pasukan. At magmula nang maupo sa upuang iyon si Geron ay ni minsan hindi siya sa akin tumingin o kahit saglit lang na lumingon sa may aking banda. Napansin ko ang pagtitig niya lang sa labas ng bintana. Sa malawak na bakuran ng aming paaralan na basa pa at maputik nang dahil sa isang malakas na pag-ulan nang nagdaang gabi. “Miura...” tinig ni Eriza iyon. “Oh?” Nakapangalumbaba ako sa mesa ng upuan. Nasa banda ni Geron ang aking mga mata. Palaisipan na sa akin kung ano ang laman at tumatakbong mga bagay sa kanyang isipan. “Mayroon kang baon para sa tanghalian?” “Oo, ikaw?” tanong ko sa kanya na hindi pa rin lumilingon, na kay Geron pa rin ang atensyon. “Syempre meron, kailan ko ba nakalimutan?” Ngumiti ako at tumango nang hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD