Chapter 12: Ganti

3596 Words

Isa-isa kong pinagsasalansan ang aming mga platong pinagkainan, na dinala naman ni Geron sa aming lababo. Ibinalik ko ang natirang kanin sa rice cooker at tinakpan na ang ibang ulam. “Mauna ka ng matulog sa akin, Kuya Geron.” utos ko sa kanya nang magsimula akong magsabon ng mga plato sa lababo, “Mabilis ko lang naman itong matatapos.” Kagaya ng nakasanayan ay hindi siya sumagot. Hindi rin siya umalis sa kinauupuan hangga't hindi ako natatapos maghugas ng aming mga pinagkainan. Iyon siguro ang kanyang sagot. “Sasabihin ko kay Mama sa pagbalik nila na magbakasyon tayo,” patuloy kong saad na ngumiti pa sa kanya, nagbabanlaw na ako ng mga hinugasan ko. “Gusto kong pumunta tayo sa bayan ng Aurora na kalapit bayan lang naman Kuya Geron ng bayang ito o hindi kaya ay sa General Luna, mas maga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD