Hindi ko alam kung ilang oras ako doong namalagi at umiyak. Nang masaid ang mga luha at nang tuluyang mahimasmasan ay mabilis akong tumayo sa pagkakalugmok. Marahan na humakbang patungo ng aming kusina at kumuha ng walis dito at pandakot. Humihikbi kong tinanggal ang mga bubog na nagkalat sa sahig. Walang imik na itinapon iyon sa basurahan at mabilis nang tinungo ang aking silid. Panay ang aking singhot habang nagpapalit ng basang damit. Hindi ko na alam ang aking gagawin ngayon, hindi ko pwedeng tawagan si Mama at istorbohin silang dalawa. “Papa...” pabulong na usal ko at pabalyang nahiga sa aking kama, mahigpit kong niyakap ang aking unan habang binabasa ito ng aking malungkot na mga luha. “Sobrang nasasaktan po ako ngayon, labis na nahihirapan na po.” Kapag nasasaktan ako ay si Papa a