Chapter 11: Medyas

3728 Words

Sa likod na pintuan sa kusina ng bahay kami nagtungong dalawa. Bukod sa tumutulo ang aming mga damit na kakulay na ng putik ay paniguradong makikita rin kami ni Tita Belith kapag sa harapan kami pareho dumaan at halos sabay na pumasok sa loob ng bahay. Tiyak na may pagkakataon na naman siyang sigawan at pagalitan kaming dalawa ni Geron. Mga bagay na ayaw ko sanang pansinin pa. Bukod pa doon ay paniguradong susumbatan niya na naman ako nang kung anu-ano. Natatandaan ko pa kaninang umaga ang sinabi niyang pabigat sina Geron sa amin ni Mama. “Mauna ka na Kuya Geron,” mahina kong bulong na mayroong pag-iingat sa paglalakad, itinuro ko sa kanya ang pintuan na papasok ng aming tahimik na kusina, “Dadalhin ko pa itong aking bisikleta sa garahe ng bahay.” Tiningnan niya ako nang may pag-aalin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD