Pinagtulungan naming dalawa ni Kuya Geron na tupiin ang kanilang mga damit. Panay ang aming kwentuhan tungkol sa mga nangyari. Saglit kaming tumigil sa kalagitnaan noon nang makaramdam kami pareho ng gutom. “Balikan nalang matin mamaya,” mungkahi ko habang patungo kami ng kusinang dalawa. Sumalo kami kina Tita Belith sa pagkain ng hapunan at pagkatapos ay muli namin iyong itinuloy, naiwan sila sa kusinang kumakain pa. Hindi nagtagal ay dinala na namin ang mga ito sa aking silid dahil matutulog na sina Tita Belith sa kanilang magulo at medyo marumi pang kwarto. Malapit na rin kaming matapos. “Pagkatapos niyong tupiin ang mga iyan ay pakilagay nalang sa labas ng aming pintuan.” humihikab na paalala ni Tita Belith, “Huwag na kayong maingay dahil magpapahinga na kami.” “Sige po Tita Beli