Dumaan ang araw ng Pasko na malakas ang buhos ng ulan. May mangilan-ngilang bisita si Senda na nagmula lang sa aming paaralan. Mga kaklase namin na naging kaibigan na nito. Ganundin si Tita Belith na kanya raw mga amiga at naging kaibigan na. Naghanda sila ng ilang mga putahe ng ulam at mga kakanin na pagkain. At ang nakakaaliw pa doon ay hindi nila kami pinagdamutan na dalawa ni Kuya Geron. Siguro ay dahil sa taunang okasyon. “Kumusta kayo diyan ng iyong Kuya Geron?” si Mama na nasa kabilang linya, “Ano ang mga handang niluto ng iyong Tita Belith, anak?” “Ayos lang po kami dito Mama,” tugon ko na binuhat ang telepono at humakbang palabas, patungo sa aming likod ng bahay. “Ilang putahe po ng ulam tapos mga kakanin na po.” “Talaga?” “Opo Mama.” Nakangiti akong naupo na sa aking duyan