Chapter 3

2521 Words
Malawak ang aking ngiti nang makita ang isang lalaking halos ka-edad lang ni Mama na nasa harapang pintuan ng aming tahanan. Nangingislap ang mga mata ni Mama habang nakatingin sa ito sa kanya at nang yakapin siya nito. Maliit akong ngumiti nang magaang halikan siya nito sa kanyang namumulang pisngi. Masakit para sa akin dahil alam kong napalitan niya na sa puso ni Mama ang aking tunay na ama. Ngunit hindi ko iyon ipinakita sa kanila lalo pa nang nakangiti itong lumingon sa may aking banda. “You must be Miura.” lalo pa siyang ngumiti kasabay ng paglahad ng kanyang dalawang kamay sa aking harapan, “I am Alfred.” “Hello po.” nahihiya subalit maligaya kong tanggap sa dalawang kamay niya, “My name is..Miurasel Batongca.” Ilang beses pa siyang paulit-ulit na tumango sa akin. Nakita ko kung paano kumislap sa labis na saya ang kanyang mga matang banyaga. “Your name is as beautiful as your face.” bitaw niya sa aking isang palad, “You are gorgeous." “Thank you po.” namumula ang mukhang usal ko sa kanya, ngayon pa lang may pumuri sa akin nang ganito. “Si Papa..I mean my father gave it to me..my name?” alam kong mali ang ingles ko, hindi naman din ako matalinong tao. Mahina siyang tumawa kasabay ni Mama, wala akong karapatang magalit na tumatawa sila. “It's okay hija, half filipino ako at purong filipina naman ang aking namayapang asawa.” Bahagya akong natigilan at naburo ang aking mga mata sa kanyang mukha nang banggitin niya ang pumanaw niyang asawa sa harapan mismo ng aking ina. Mabilis nagpalipat-lipat ang aking paningin sa kanilang dalawa ni Mama. Gumuhit sa aking mata ang agarang pagka-irita dito. Hindi niya na dapat pa iyong banggitin, si Mama nga hindi nagsalita ng mga bagay na tungkol kay Papa. Agad din iyong nawala ng tingnan ako ni Mama sa aking mata. “O? Talaga po ba?” mabilis na peke kong masayang reaksyon sa kanyang sinabi, “Pasensiya na po sa Ingles ko, talagang hindi po ako matalino sa subject na--” “Walang problema doon hija,” pagputol niya sa aking mga sasabihin pa, “You can learn and discover from us some additional English words that we use in everyday life.” Nakangiti akong tumango sa kanya kahit na ang naiintindihan ko lang doon ay you at life. “Kung ganun, marami pong salamat.” Matangkad siya at maputi ang kanyang balat. Ang kanyang mga mata ay kulay asul na kawangis ng langit. Sa itsura niyang ganito, sinong mag-aakala na kalahati siyang Pilipino? Pati nga ako ay napaniwala niyang isa siyang banyaga na nabingwit ni Mama sa kung saan. “Alfred tuloy ka,” ani Mama pagkaraan ng ilang sandali, kinuha niya dito ang handle ng hilang maleta, “Siya nga pala Alfred, nasaan ang iyong nag-iisang anak?” Nakangiti pa rin itong lumingon sa amin. “Aah, si Geron?” tanong nito na bahagyang mahinang tumawa pa, “Nasa kabila pa ng patag na ito ang aking anak, pinagmamasdan niya pa ang buong paligid at sa tingin ko ay gusto niya na agad ang lugar na ito.” “Ako na po ang susundo sa kanya Mama!” agad na presenta ko habang nakangiting nakataas ang aking isang kamay, “Please?” Gulantang nila akong tiningnang dalawa. Agad na sinamantala ko ang mga minutong iyon. Nagmamadali akong lumabas ng aming pintuan bago niya pa ako pigilan. Nakangiti akong naupo sa hamba ng hagdan at agad na isinuot ang aking paboritong suoting bota. “Sigurado ka ba diyan Miura?” habol na tanong sa akin ni Mama, “Umaambon-ambon.” Tumayo ako at nakangiti sa kanyang lumingon. Paulit-ulit akong tumango, susundin ko na siya. “Opo Mama, hindi na po ako makapaghintay na makita at makilala ang aking bagong kapatid.” “O sige, magdala ka ng ekstrang bota para sa kanya.” paalala niyang naiiling habang itinuturo sa akin ang botang nasa gilid din ng hagdan, “Huwag mong kalimutan ang payong, umaambon pa naman sa ngayon.” “Opo Mama!” tango ko sabay pulot ng botang ipapasuot ko sa kanya. “Salamat nga pala Miura,” wika ng dayuhang ama ng aking susunduin, “Ang buti mong tao.” Muli akong namula sa muli niyang papuri. “Wala pong anuman iyon..Tito Papa.” ngiti ko bago mabilis na tumalikod sa kanilang dalawa. Hindi ko siya kayang tawaging Papa, hindi ko pwedeng palitan noon ang aking tunay na ama. “Masyadong masaya ang batang iyan ngayon dahil sa kanyang magiging bagong pamilya.” narinig kong kwento dito ni Mama, “Tingnan mo hindi na siya makapaghintay pa na makita ang anak mo.” mahina siyang tumawa, “Sana ay ganundin iyon sa parte ng anak mo Alfred.” Tuluyan na akong lumayo sa kanila. Hindi ko na narinig pa ang naging tugon nito kay Mama. Ngayon palang ay dapat na masanay na rin ako sa magiging tawag ko sa kanila. Sa kay Geron ay Brother o Bro ang aking itatawag at hindi sa lang sa kanyang pangalan. Dapat ay mayroong paggalang ako sa kanya bilang aking magiging nakakatandang kapatid simula sa araw na ito. “Miura, iyong payong!” narinig kong malakas na sigaw ni Mama, “Lumalakas ang ambon!” Mabilis akong humarap sa kanilang dalawa at kumaway at malawak na nakangiti. “Hindi po iyan lalakas Mama, mahina lang!” “Hay naku, ikaw talagang bata ka!” Malakas akong humalakhak sa naging asta niyang bigla sa akin. Nameywang pa ito habang nasa taas na bahagi ng hagdan at iritableng itinuro pa ako ng kanyang daliri. “Kapag ikaw ay nagkasakit, tingnan mo!” “Hindi po iyan, malakas po ako!” tugon ko sa pasigaw na paraan, “Kaibigan ko po ang ulan!” Narinig ko na malakas silang tumawa habang tinatanaw ako sa aking paghakbang. Ilang sandali pa ay tuluyang tumalikod na ako sa kanila at tinahak ang malawak na parang upang puntahan ang aking bagong kapatid. Bago tuluyang makarating sa aming bahay ay kailangan akong tumawid sa parang na patungo sa kalsada, pwede ‘ring gumamit ng bike kung mayroon ka nito. Ngunit sa ganitong pagkakataon ay mas gugustuhin ko pang maglakad nalang keysa sumakay ng bisikleta. “Ano kayang itsura niya?” agad kong tanong sa kawalan na bahagyang nangingiti, “Kamukha niya rin kaya ang kanyang ama? Siguro nga.” mahina akong napahagikhik nang dahil doon. Nasa kalahati palang ako ng malawak na parang nang bigla akong matigilan sa paghakbang. May matangkad na bulto ng lalaki doong nakatayo hindi sa akin kalayuan at nakatingin sa malawak at maputik na parang. Nakasuot siya ng kulay itim na pantalon at itim rin na jacket, nakapamulsa ang kanyang isang kamay. Medyo mahaba at malago ang kanyang buhok. Mula sa malayo ay hindi ito maaninaw. “Ayan ka na pala!” sambit kong muli sa sarili. Hindi nawala ang aking maliit na ngiti habang pinagmamasdan siyang hangaan ang lugar na aking kinalakihan. Bumaba ang aking paningin sa sapatos na hawak ng kaliwa niyang kamay. Humantong ang aking mga mata sa mga paa niyang nakahubad at sa malagkit na putik ay nakatapak. Mabilis na napalis ang aking ngiti. “Sandali!” malakas na sigaw ko sabay karipas ng takbo palapit sa kinaroroonan niya, “Wait! You...” habol ang hiningang turo ko sa kanya, hindi ko alam ang aking dapat na sabihin dito. “You should wait me...bago ka pa naghubad ng suot mong sapatos! Bakit pati ang medyas?” Hindi niya ako pinag-ukulan ng pansin, ni hindi tinapunan man lang kahit na saglit na tingin. “Kuya---I mean brother.” kinakabahang ngiti ko na pilit inaagaw ang kanyang atensyon na nasa malawak na parang pa rin, “Brother?” kinublit ko na siya, pero hindi niya pa rin ako pinansin. Umubo-ubo pa ako ng mahina, pilit na muling kinukuha ang kanyang nasa malayong atensyon. Wala pa rin iyong epekto. Tinanggal ko ang aking isang kamay na nasa bulsa ng aking suot na jacket. Maingat ko iyong inihawak sa kanyang isang braso. Doon niya palang ako napansin at nagawang tingnan. “Brother...” sambit ko na may malawak na ngiti sa kanya, “Hi...” kaway ko pa ng aking kamay. Napawi ang aking mga ngiti at halos matumba ako sa aking kinatatayuan nang aking makita ang mga mata niyang matalim na nakatingin. Nakatitig ito sa akin na walang kakurap-kurap. Gumapang ang kakaibang takot sa aking likod. Malakas na kumalabog ang aking puso sa loob ng aking dibdib. Galit siya? Ayaw niya sa akin? Mariin kong itinikom ang aking bibig, nag-iwas na ako sa kanya ng tingin. Umatras pa ako ng mga tatlong hakbang palayo sa kanyang pwesto. Hindi pwede na magalit siya sa akin. Hindi pwede na hindi kami magkasundong dalawa. Ilang sandali pa ay agad akong nakaipon ng tapang at lakas ng loob. Malawak pa rin akong ngumiti umaasang masusuklian. “Brother...” muli kong lapit sa kanya at kaway sa harapan niya pero hindi niya pa rin iyon sinuklian na taliwas sa aking inaasahan, “My name is Miurasel but you can call me Miura.” hindi pa rin siya natinag muling naburo ang paningin niya sa aking kinakabang mukha, “You are now my new brother,” turo ko sa kanyang sarili, “And now I am your little sister.” turo ko naman sa aking sarili, “We...” agad kong ibinaba ang botang dala at binuklat ang aking dalang diksyunaryo na nakalagay sa bulsa. Shit! Ano ang ingles sa magkapatid? “Iyon...” ngiti ko na abot-abot ang kaba. “We are now siblings!” maligaya kong wika na ibinulsa na ang aklat na dala sa aking suot na jacket at muling binuhat ang ibinabang bota, “Let's go bro?” muli ay ngiti ko sa kanyang harapan, “Bro, let's go!” kasabay ng pakita ko sa kanya ng aking botang dala-dala, “You need to wear this.” Hindi niya pa rin ako pinansin, subalit binawi niya na sa akin ang matalim na mga tingin. Humakbang siya palayo, at bago ako lagpasan ay binangga niya ako sa aking isang balikat. Mabilis akong napakurap-kurap, hindi dahil sa nasaktan ako kung hindi dahil sa labis na gulat. Ayaw niya yata talaga sa aking presensiya. Hindi bale, gusto ko naman siya! ”Kuya sandali lang!” sigaw kong mabilis siyang sinundan, “Teka lang bro, hintayin mo ako!” Malalaki ang kanyang naging mga hakbang sa maputik na parang, kung kaya't hindi ko siya magawang abutan. Bumakas ang kanyang mga paa sa maputik na daan. Malayo rin ang pagitan at agwat ng kanyang mga bakas sa panot naming kapatagan. Bahagya akong natigilan nang mapansin ang hugis ng kanyang mga bakas sa lupa. Agad na sumagi sa aking isipan ang mga bakas noon ni Papa. Napangiwi ako nang panandaliang nagkaroon ng bahagyang kirot sa kaibuturan ng aking puso habang titig na titig ako sa mga ito. “Kuya, ang mga bakas mo ngayon ay kawangis noon ng mga bakas ni Papa sa maputik at basa ‘ring lupa. Magkasing-laki na kayo nito.” Marahan kong kinagat ang aking pang-ibabang labi. Agad na nagkaroon ng nakabarang bikig sa aking lalamunan. Muli ko siyang sinulyapan na malayo-layo na sa aking kinaroroon. Agad akong binalot ng labis na kalungkutan ngayon. “Papa, miss mo na rin ba ako?” nguso kong saglit na tumingala sa umaambong kalangitan. “Miss na miss na rin po kita, sobra-sobra po.” Malalim akong humugot ng aking hininga at marahas iyong ibinuga. Marahan kong pinalo ang aking dibdib na unti-unting bumibigat. Kumurap-kurap ako upang pigilan ang mga luhang nagbabadya sa aking mga mata ay kumawala. Ayoko ngayong umiyak at lumuha. “Kuya!” malakas kong muling sigaw upang pagtakpan ang aking gumagaralgal na tinig. Walang pag-aalinlangan kong inapakan ang mga bakas niyang iniwan sa maputik na lupa. Kaunti lang ang laki nito mula sa aking mga paa. Ang ibang mga bakas niya ay nahihirapan akong apakan nang dahil malalayo ang agwat, ngunit kaya ko naman kung aking gugustuhin. “Ang sarap naman sa pakiramdam,” wala sa sariling sambit ko, “Sa aking pakiramdam ay kasama ko talaga si Papa sa mga oras na ito.” Nararamdaman ko sa bakas niya ang presensiya ng aking yumaong ama. “Kuya!” sigaw kong muli na tinangay lang ng malamig na ihip ng hangin, “Can you hear me?” Hindi pa rin niya ako pinansin, ni kahit saglit na paglingon sa akin ay hindi niya ginawa. Maliit akong ngumiti habang nakatitig sa malayo niya ng likod. Gusto ko na siya, gusto ko siyang maging kapatid at maging isa kaming pamilya. “Brother, hintayin mo ako!” sigaw kong muli habang masayang humahakbang sa bakas. What's meant to be will always find its way. “Wait for me, brother!” Magkakasundo rin kami, naniniwala ako na isang araw ay magiging magkapatid din kami. “Uminom muna kayo ng mainit na salabat.” hain ni Mama sa amin ng tatlong tasa nito. “Makakatulong iyan upang maibsan nang bahagya ang lamig na inyong nararamdaman.” Nakangiti kong dinampot ang tasa ng aking tsa-a, naging paborito ko ito simula noon pa. “Brother drink this one,” nakangiti kong lapit sa kanyang harapan ng isang tasa para sa kanya. “It was hot and delious. It’s called ginger tea.” Tiningnan niya lang ako sandali na para akong isang bagay na walang kinang at buhay sa kanyang harapan. Pinagmasdan ko ang mga paa niyang may kaunti pang bakas ng putik, sigurado akong giniginaw na ang mga iyon. Lalo pa at tuluyan nang bumuhos ang isang panibagong malakas ulan sa labas ng bahay. “Oh? Malakas na naman ang ulan.” Narinig ko ang mahinang pag-ubo na ginawa ni Tito Papa. Hindi ko alam kung para sa akin iyon o sadyang nauubo lang siya ngayon dito. Saglit ko siyang sinulyapan, muli itong mahinang umubo bago muling nagsalita. “Miura, sadyang mahiyain lang itong si Geron.” aniya na binalingan ang anak, “Ngunit sa paglipas ng mga araw na magkasama kayong dalawa ay alam kong magiging ayos din kayo.” “Tama po kayo Tito Papa, siguro po ay nahihiya pa siya sa akin.” pag sang-ayon ko sa sinabi niya, “Gagalingan ko pong mag-aral ng wikang ingles para makausap ko siya nang madalas.” Nakita kong bahagya silang nagkatawanang dalawa ni Mama. Sigurado akong magiging masaya kaming bago at buong pamilya, simula sa araw na naging kasal na silang dalawa. “Napakabuti mong bata Miurasel,” saglit pa ay harap sa akin ni Tito Papa, “Umaasa akong isang araw ay maging kagaya ka ni Geron na naiintindihan ang lahat ng mga bagay.” “Huwag mo siyang madaliin Alfred,” naiiling na saway sa kanya ni Mama, namumula na ang magkabilang pisngi nito. “Darating din tayo sa araw na iyon nang hindi rin natin inaasahan.” “Kung sabagay, tama ka nga diyan Melinda.” pag sang-ayon dito ni Tito Papa na prenting nakaupo sa kanyang tabi, “Hintayin nalang natin ang araw na iyon na kusang dumating.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD