Chapter 31: Gusto kita

3330 Words

Mukhang gusto ko na ayaw ko sa ideya niya. May kung anong bumubulong na huwag ito. Bago pa ako sumang-ayon ay hinarap na siya ni Senda na mayroong masamang tingin dito. “Gaga ka ba Eriza?!” malakas na bagsak niya ng makapal na libro sa kanyang lamesa, “Sasama ka pa, tapos ay isasama niyo pa ang walang utang na loob na si Geron? Mahiya ka nga diyan. Manahimik ka sa bahay niyo!” “Senda, ang lakas ng boses mo.” bangon ko ng aking mukha sa lamesa, “Wala tayo sa bahay.” Umirap siya sa akin bago muling naupo. Hindi na muling nagsalita si Eriza, ganundin si Senda na halata mong nakikiramdam sa aking galaw. “Good luck Miura, balitaan mo ako sa lunes ha kung ano ang nangyari sa gala niyo ni Vins?” saad ni Eriza pagkatapos ng aming klase. “Sige.” pagtango ko dito. “Hindi ka pa ba uuwi?” ta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD