Chapter 35: Lihim

3571 Words

Hapon ng sabado nang magpahinga ako sa ilalim ng dalawang puno sa aming likod-bahay. Naupo ako sa aking duyan habang nakapikit ang aking mga mata. Matagal-tagal na rin nang huli ako ditong tumambay. Kakatapos ko lang bungkalin ang gilid ng puno ng sampalok na aming itinanim ni Geron. Sinindihan ko rin ang tambak ng mga tuyong dahon na tinuyo ng ilang araw na tag-init. Ang usok nito ay paulit-ulit na yumayakap sa mga dahon ng dalawang puno na unti-unting namumulaklak. “May mga bulaklak na kayo,” sambit kong malawak na ngumiti habang nakatingala dito, pinapanood ko ang maliit na mga bubuyog na lumilipad paikot sa mga bulaklak ng dalawang nasabing puno. “Malapit na ang mga bunga.” Napawi ang aking mga ngiti nang matanaw ko si Geron na nakatayo sa may pintuan ng aming kusina. Wala ito sa sar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD