Chapter 34: Isyu

3489 Words

Naramdaman ko ang ginawa niyang mabagal na pagsunod sa aking mga naging hakbang. “Saan ka ba nanggaling?” tanong ko dito nang hindi lumilingon, bahagya pa akong napilay sa naapakan kong matulis na nakausling bato na hindi napansin, “G-Ginabi ka yatang masyado.” Hindi siya sumagot sa aking katanungan. Halos mapaigtad ako nang mahigpit niya akong hawakan sa aking isang braso. Nilingon ko siya gamit ang aking mga matang puno ng pagtataka. Malalim siyang bumuntong-hininga. “Masusugatan ang iyong mga paa kapag hindi ka naging maingat sa iyong paglalakad, Miura.” Namilog at nanlaki ang aking mga mata nang mabilis niyang hubarin ang kanyang suot na bota. Saglit na binitawan sa may gilid ng daan ang kanyang hawak na puting supot. Hindi na ako nakaimik pa nang maupo siya malapit sa aking paahan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD