Pamartsa ko na siyang iniwan. Pagdating sa loob ng aking kwarto ay agad na bumuhos ang aking kanina pa pinipigilang luha. Padapa akong bumagsak sa aking kama habang mahina at impit nang umiiyak. Hindi ko na kaya ang nararamdamang sakit. Hindi na kayang pigilan ang aking mga luha. Hindi ko na kayang mapagpanggap na maayos pa rin ako ngayon. “Bakit mo ako sinasaktan nang ganito, Kuya Geron?” malat ang boses na tanong ko sa kawalan sa pagitan ng aking mga luha, “Bakit?” Nang mga sumunod pang araw ay ganun kami nang ganun. Kay Senda na siya umaangkas at sumasabay kumain ng tanghalian. Nagagawa niyang ngumiti kay Senda pero kapag sa akin ay ipinagkakait niya na. Lalo pang lumaki ang distansiyang nakapagitan sa amin. Unti-unti siyang lumalayo sa akin, pinapalamon niya at pinapakapal ang pader