Maaliwalas ang panahon ng umagang iyon, walang mga ulap na pakalat-kalat sa malawak at asul na langit. Ang mainit na sinag ng magandang araw ay walang pag-aalinlangang tumatama sa kabuohan ng aking mukha. Ang bawat sinag nito ay patuloy na lumalagpas sa siwang ng mga dahon, sanga, siit at pagitan ng mga puno na aming nadadaanang dalawa. “Kuya Geron, ang ganda ng ating panahon ngayon.” ngiti kong agad na bumaling sa kanya, nasa gilid ko siya at kasabay na nagtitipa ng bisikleta ni Senda. “Walang mga ulap na humaharang sa araw na sumisikat.” Hindi siya nagsalita ngunit binigyan niya ako ng isang ngiti na alam ko naman itong totoo. “Dumaan muna tayo ng restaurant, wala na naman tayong dalang baon ngayon.” nguso ko sa kanya, hindi na maitago pa ang inis sa mata. “May babayaran akong utang