Chapter 14: Kaibigan

3438 Words

Hindi na ako muling nakabalik pa sa aking planong pagtulog. Patuloy akong lumuha habang tinatanaw siya mula sa bintana ng kanyang silid. Hindi rin siya umalis sa aking duyan hanggang sa sumapit ang panibagong umaga. Hanggang sa tuluyang sumikat ang araw na pilit kumakawala sa makapal na mga ulap na pilit na sa kanya ay yumayakap. Lumabas sa aking balintataw na kagaya ni Geron ang haring araw na pilit lumalabas sa makapal na ulap. Si Geron ay ang araw, ang sakit naman at ang kalungkutan niya ay ang makapal na ulap na pilit tinatakpan ang kanyang buong katauhan. Hindi niya mapilit ang sarili na makawala dito kagaya ng araw. “Magandang umaga Miura.” masiglang bati sa akin ni Senda pagpasok ko ng aming kusina, sa kanyang naging asta ngayon ay tila ba walang alitang nangyari sa amin kagabi. H

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD