Buong klase namin ay lutang ang isipan ko. Bukod sa mga sinabi ni Eriza sa umpisa ng aming klase ay nahihiya at napipilitan rin ako sa pagsasabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang aking tamang magiging rason dito. Sabihin ko ba sa kanya na naiwan ko ang baon naming dalawa ni Geron na pagkain at pera? O ‘di kaya ay hindi ako nagising ng maaga kaya hindi ako nakapagluto ng babaunin namin? Mariin kong ipinilig ang aking ulo at huminga nang malalim. Ayoko namang magsinungaling. Magmula nang maging magkaibigan kami ay hindi ko pa iyon naranasang gawin sa kanya. At hindi ko rin naranasang kulangin ng pera sa aking bulsa, ngayon lang talaga ito nangyari. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na inaapi ako nila Tita Belith, hindi ko rin pwedeng sabihin sa kanya na wala akong natatan