Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya, tumingala ako at nakangiting pinagmasdan ang mga dahon ng punong hindi ko kilala ang pangalan na nasa aming uluhan. Walang humpay silang sumasayaw sa saliw ng ihip nang mabining hangin. Nagsimula na ‘ring magsilabasan ang mga bituing nagkukubli sa likod ng kalawakang madilim sa aking paningin. Walang lumabas na buwan upang kaming dalawa ay tanglawan kahit na wala namang mga ulap ang buong himpapawid. “Limang minuto pa Kuya Geron,” nakangiting harap ko sa kanya, “Limang minuto at aalis na tayo dito.” sandal ko sa tulay paharap sa kanya. Sa tindig niyang patagilid sa akin ay agad kong napuna ang mataas niyang ilong. Ang bilugang hugis ng kanyang mukha. Ang mahahaba niyang mga pilik-mata na nakatanim sa gilid ng kanyang malungkot na mga mata. May mamu