Chapter 23: Lamat

3691 Words

Nagmamadali akong pumanhik ng hagdan. Habol ang aking hininga dahil pakiramdam ko ay may bagong digmaan kaming kahaharapin pagkatapos ng araw na ito. Kilalang-kilala ko na si Senda mula noon, magagalit siya oras na isauli ko ang pera na ibinigay niya na sa akin. “Saan nanggaling ang perang iyan Rosenda?!” malakas at umaalingawngaw na boses ni Tita Belith ang aking narinig pagpasok ko sa sala, “Bakit may pera kang ganyan ang halaga?!” Wala akong sagot na narinig mula dito. Parang patalim ang kanyang mga mata nang tingnan ako sa mga mata. Namumuo na ang mga luha. “Miura, alam mo ba kung saan galing ang perang ito?!” baling nito sa akin habang iwinawagayway ang sobre ng pera ni Senda. Mariing napalunok ako ng aking sariling laway, nagpalipat-lipat ang aking mga tingin sa kanilang mag-ina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD