Chapter 22: Premyo

3805 Words

Nang mga sumunod na araw at buwan ay naging maayos na nang bahagya ang pagtrato sa amin ni Tita Belith at Senda. Hindi niya na rin ako madalas na sigawan kahit pa inuutusan pa rin. Hindi na rin palaging sinusumbatan ng kung anu-ano ang aking kapatid. Hindi ko mawala sa aking sarili na umasa na tuluyan nang maayos ang nabuong hidwaan sa aming mga pagitan nang dahil sa labis na kasakiman. Hindi na rin kami madalas na minamata ni Senda. Sa paaralan ay madalas niya na kaming kausapin, saabayang kumain at ngitian. Hindi man namin maibalik ang relasyon namin na kagaya noong dati na parang magkapatid, ang mahalaga ay may bahagyang pagbabago dito. Minsan ay binibigyan din kami ni Tita Belith ng pagkain kapag ito ay sobra-sobra sa kanila. Bagay na aking labis ikinatuwa nang bahagya. Pagod na rin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD