Chapter 28: Bisikleta

3404 Words

Tanghali nang ikatlong araw ng panibagong taon nang aksidenteng makakuha si Geron ng mga malalaking bunga ng bayabas, sa gilid at labas na bahagi ng aming bakuran. Natatakpan ito ng mga baging kaya hindi kapansin-pansin. “Kumakain ka ba ng mga prutas na ganyan Kuya Geron?” natatawang tanong ko sa kanya habang nakapameywang ako at naiiling sa kanyang itsura na pawis na pawis ang buong mukha. “Hinog na ba? Baka bubot pa iyan.” Kakatapos ko pa lang magsampay ng mga kurtinang nilabhan na ipinatanggal sa akin ni Tita Belith. Itinawag niya ito sa akin kagabi at sinabing hapon ngayong araw ang kanilang pag-uwing dalawa ni Senda. Ibinilin niya rin sa akin na tanggalin na ang mga dekorasyon na kanyang ipinalagay sa loob ng aming bahay. Bagay na kahit tutulan ko at i-reklamo ay wala rin namang pup

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD