SA buong byahe ay naging tahimik kami ni Tattoo Boy, tila tutok na tutok siya sa pagmamaneho, hindi ko rin nagawang umimik dahil iniisip ko ang mga sinabi niya.
First, his childhood dream, and now he isn't sure about his birthdate? Ano bang klaseng buhay ang meron siya noon? Hindi ko mapigilan ang mag-isip.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na napansin na nakarating na pala kami sa labas ng building. Nabalik na lang ako sa reyalidad nang mapansin ko siyang tinatanggal ang kaniyang seatbelt at kinukuha ang mga groceries na napamili namin.
Mabilis rin akong nagtanggal ng seatbelt at bumaba ng sasakyan upang habulin si Tattoo Boy.
"Hey! Can you walk slower?" reklamo ko sa kaniya, kahit kasi hindi mataas ang takong ng sapatos ko ay nagkanadatapilok pa rin ako sa pagmamadali upang maabutan siya.
"Akala ko ba ayaw mong makita tayo ng mga tao nang magkasama?" tanong niya sa 'kin bago pinindot ang button ng elevator.
Pati nga 'yon ay nawala sa isip ko, pero para saan pa ba 'yon? Eh kumota na kami kanina sa mall.
I am not comfortable with the atmosphere around him now, hindi ako sanay na ganito siya katahimik, kaya naman umintriga ang pagiging makulit ko.
Sabay kaming pumasok ng elevator, bitbit niya pa rin ang mga groceries. Dire-diretso na ang walang kibuan namin hanggang sa makarating kami sa aming palapag, ngunit panay ang lingon ko sa kaniya, pero nananatiling blangko ang kaniyang mukha sa emosyon.
"Fine!" sambit ko bago kami pumasok ng aking condo, pakiramdam ko kasi ay mabigat ang dibdib ko na ganito siya. "I'm sorry."
Natigilan siya at tiningnan ako.
"Sorry?" tanong niya sa 'kin.
Napabuntong-hininga ako, nilunok ko ang pride ko kahit wala naman akong naaalalang may nagawa akong masama sa kaniya—well, maliban doon sa pinagbuhat ko siya kanina.
"I'm sorry if I did anything wrong, or I've said anything bad to you," I sincerely said. "Kung ano man 'yon, hindi ko sinasadya.
Nag-iwas siya ng tingin tyaka natawa nang mahina. "Marunong ka rin palang mag-sorry, that's new, Arciandra."
"Of course, I know how to say sorry," sagot ko sa kaniya.
"Pero hindi mo kailangan humingi ng tawad sa 'kin," sabi niya. "Wala ka namang kasalanan... may iniisip lang ako."
"Ano'ng iniisip mo?" tanong ko sa kaniya. "Mind sharing your thoughts?"
Umiling siya at tiningnan ang pinto ng aking condo, dali-dali ko namang binuksan 'yon gamit ang aking cardkey at sabay na kaming pumasok. Inilapag niya ang mga groceries ko bar counter sa kusina.
"Nagugutom ka na ba?" tanong ko sa kaniya. "Y-You can have lunch here if... if you want. Magluluto ako."
"Marunong ka bang magluto?" tanong niya at mahinang natawa, bagaman pabiro 'yon ay hindi umabot sa mata ang kaniyang tawa.
I'm starting to overthink about his thoughts, at maski ako ay hindi ko naiintindihan kung bakit parang sobrang apektado ko sa kaniya.
"Of course!" nagmamalaking sagot ko. "Ano bang gusto mong pagkain? Lulutuin ko para sa 'yo."
Nakita kong sumilay nang paunti-unti ang kaniyang ngiti.
"Seriously?" tanong niya. "Ngayon lang yata ako makakaranas ng gano'n."
Pasalamat ka lang talaga, medyo guilty ako, Tattoo Boy.
"Ano nga ang gusto mong kainin?" tanong ko ulit. "I'll check if we have the ingredients."
"Pakbet," sagot niya na ikinabigla ko.
Honestly, akala ko ay magdi-demand siya ng mga pang-world class na dish, gusto kong matawa na gano'n lang kasimpleng pagkain ang gusto niya.
"Sigurado ka?" natatawang tanong ko. "Kailan ka ba huling nakakain ng pakbet at parang sabik na sabik ka?"
"Matagal na," sagot niya pa. "Iyong pinakamasarap na pakbet na natikman ko..."
Tiningnan ko siya ngunit nag-iwas siya ng tingin at hindi na tinuloy ang kaniyang gustong sabihin. Ewan ko ba, kahit hindi siya magsalita, tuwing nakikita ko ang mga mata niya, parang andaming sakit na itinatago do'n, as cliché as it may sound, but I can feel that he's hiding his pain for a long time now, at pinipilit niyang itago 'yon for some reason.
"It's okay," sabi ko at nginitian ko siya. "Kung hindi ka pa komportableng sabihin sa 'kin, okay lang, you can keep it... but... I think I can listen naman if you want to share something—I won't judge, I promise."
Kahit naman maldita ako at maarte, may puso pa rin naman ako.
Tumango lang siya tyaka lumapit sa 'kin, hinila niya ang isang high chair at naupo siya doon.
"I'll help you with the ingredients."
Natulala ako sa kaniyang sinabi, tyaka ko lang naalala na nagpapaluto nga pala siya ng pakbet.
"Oo nga pala," mahinang sabi ko. "Mukhang wala tayong ingredients para doon, s-sorry, hindi kasi ako gano'n kadalas magluto ng mga gano'n na pagkain."
Akala ko ay madidismaya siya, ngunit ngumiti lang siya sa 'kin nang tipid.
"Kahit ano na lang," sabi niya. "Your best dish... just cook whatever you want to cook, I'll eat it, I'm not picky."
"Okay," sabi ko sa kaniya. "But don't worry, I'll cook you some pakbet soon kapag may complete ingredients na."
"Ikaw ang bahala," sabi niya sa 'kin.
"For now, adobo na lang muna," sabi ko sa kaniya.
"Okay, that'll do, matagal na rin 'yong huling kain ko ng adobo."
Nagsimula na akong maghanda ng mga ingredients, I'm confident about this dish because this is the first dish that I've mastered, siguro kaming lahat na magkakapatid naman yata ay sa adobo nagsimula.
"Napansin ko ang mga gamit na binili ko kanina," biglang sabi niya matapos ang medyo mahabang katahimikan. "Are you into baking?"
"Yeah," sagot ko sa kaniya at ngumiti. "It's my dream to become a successful pastry chef, unfortunately, my father had a different dream for us—so I ended up being a doctor."
"So, you're pursuing it now?" tanong niya sa 'kin. "You finally got the courage to be a pastry chef."
Tumango ako, "I got my Dad's approval."
Nakita ko siyang napatango-tango. Pakiramdam ko, ngayon lang yata naging magaan ang usapan namin, hindi ko siya sinisinghalan, hindi ako naiirita sa kaniya, everything feels natural. Patuloy pa rin ako sa paghihiwa ng mga rekados ng lulutuin ko.
"Teka lang, magsasaing pa pala ako," sabi ko nang maalalang wala pa pala kaming kanin.
Hindi lamang siya nagsalita, pinanood niya lang ako.
"Ikaw ba?" Bigla rin akong napaisip. "Gusto mo ba talagang maging businessman at maging jeweler?"
Mahina siyang natawa sa tanong ko.
"Noong una? Hindi ko alam," sagot niya sa 'kin. "Basta ang alam ko lang, gusto kong umasenso, guminhawa ang buhay kahit papaano. I don't know how, but... I became good in this field, in this industry, so maybe this is my call."
"Masaya ka ba?" tanong ko sa kaniya.
Napalabi naman siya at napatango ngunit tila nag-aalangan.
"Ang mahalaga naman ay wala na ako sa kinalalagyan ko noon," sagot niya. "I've survived the challenges of life, hindi na mahalaga sa 'kin kung masaya ba ako, basta ang alam ko lang, mas maginhawa na ang buhay ko ngayon kaysa noon."
Saglit akong napatingin sa kaniya bago ako muling bumalik sa paghihiwa ng karne ng manok. Parang ibang tao ang kausap ko ngayon, masyadong seryuso, ngunit namamangha ako.
"Siguro... I've learned to love what I have right now," dagdag niya na ramdam ko ang katotohanan at sinseridad. I understand what he meant because I was in that point of life too.
"Nasaan pala ang pamilya mo?" tanong ko sa kaniya. "Nasa abroad ba?"
Matagal siyang nakasagot sa aking tanong, ngunit nang magsalita siya ay hindi ko napigilan ang sarili kong mapatitig sa kaniya.
"I... I have myself as my family."
Napaawang ang labi ko nang bahagya, ngayon ay medyo naiintindihan ko na—ulila ba siya?
"How old were you?" tanong ko sa kaniya na ang tinutukoy ay kung kailan nawala ang kaniyang mga magulang.
"I don't know," sagot niya at mahinang natawa. "Let's talk about other things, shall we?"
"I'm sorry," sambit ko. Hindi ko alam bakit ako nagso-sorry, basta pakiramdam ko ay dapat ko lang 'yon sabihin. Nakakaramdam ako ng awa sa kaniya, ngunit hindi ko naman alam ang buong kwento ng buhay niya.
As time goes by, I admit that my curiosity about him grows bigger and deeper. I want to know him more, I felt that learning about his life would make a difference in my life as well.
Pakiramdam ko kasi ay malaki ang pagkakaiba naming dalawa, at gusto kong malaman kung ano-ano ang mga 'yon.
I've been living a luxurious life, now, because of him, I realized that life isn't just all about what I've experienced—that there's something else... I wanna know how life was on other people's perspective—gaya ng sa kaniya.
For the first time, I've looked at him in a different way—hindi na 'yong lalaking lasinggero, bisyoso, mukhang sindikato, masamang tao—hindi na siya 'yon. Pakiramdam ko ay may mas malalim siyang pinaghuhugutan, may mas magandang salita na mailalarawan sa kaniya maliban sa mga salitang nabanggit ko.
Siguro, hindi naman masamang maging magkaibigan kami? May girl-boy friendship naman yata na nagwo-work? Maybe I should give him a chance, maybe I was wrong with my judgement, mukhang mabuti naman siyang tao—kahit kailan ay hindi ako napahamak sa kaniya.
Nang mailuto ko na ang adobo ay tama naman na naluto na rin ang kanin kaya agad na kaming nagsalo.
"Okay lang ba ang lasa?" tanong ko sa kaniya nang makita kong matikman niya ang niluto ko.
"Yeah," sagot niya at agad na kumuha muli ng adobo. "Taste good, di ko akalain na marunong ka pala magluto."
"Minaliit mo yata kakayahan ko eh," sabi ko sa kaniya.
"I wonder if you also have the most delicious pakbet," sabi niya.
"Are you challenging me?" tanong ko, kunwari nanghahamon.
"Are you challenged?" tanong niya.
Nagkatinginan kaming dalawa, parehong naningkit ang mga mata.
"Baka ikaw ang hindi marunong magluto," pasiring kong sabi.
Nag-iwas siya ng tingin.
"Sabi ko na eh," sabi ko na napapalakpak pa tyaka ako tumawa. "You can't cook to survive!"
"Of course I can!" mabilis niyang kontra. "Ipagluto pa kita."
"Sige nga!"
"Next time," sabi niya at mabilis nang binalik ang atensiyon sa pagkain na para bang may iniiwasan.
"Sige, ipagluto mo ako ng breakfast," sabi ko sa kaniya. "Breakfast ah, simple lang 'yon, baka naman di mo pa kayang gawin."
Nag-angat siya sa 'kin ng tingin.
"Sure," sagot niya. "I can do that."
Pinaningkitan ko siyang muli ngunit sa pagkain na siya naka-focus. Parang ganadong-ganado ang pagkain niya dahilan para hindi ko namalayan na naparami na rin pala ang kain ko, naubos ang kanin na niluto ko nang hindi man lang namin napansin.
"Oh my gosh!" Napahawak ako sa aking t'yan, nakita ko rin siyang bahagyang lumiyad habang umiinom ng tubig.
"Sarap!" komento niya. "Ngayon lang yata ako nabusog nang ganito."
Tiningnan ko ang lalagyan ng kanin, simot na simot na 'yon.
"I can't believe I've eaten a lot," sabi ko sa kaniya. "You ruined my diet!"
"Diet?" patanong niyang sambit tyaka ako tiningnan mula taas hanggang baba. "Wala ka na ngang kalaman-laman eh. Kapag ako ang kasama mo, kakain tayo nang kakain, bawal ang diet."
"Duh!" maarte kong sabi. "I cooked, you wash the dishes."
"Sure, walang problema," sagot niya at agad na niligpit ang pinagkainan naming dalawa, pinanood ko lamang siyang ekspertong kumikilos na para bang may-ari siya ng kusina ko.
Mukhang sanay siya sa ginagawa, hindi ko man lang siya nakitaan ng pagkailang sa gawain.
"Mukhang sanay na sanay ka sa paghuhugas ng pinggan ah," puna ko.
"Don't you know that I'm a professional dish washer when I was a teen?" pabirong sabi niya, parehas kaming natawa. "Isa 'to sa mga naging trabaho ko no'n."
"You were a working student?" tanong ko sa kaniya.
"Ano'ng working student?" natatawang tanong niya. "Ito ang trabaho ko noon para mabuhay ang sarili ko."
"I thought you were a tattoo artist?" tanong ko.
"Tattoo artist, tindiro ng isda, tubig, fishball, balut, mani, dishwasher, janitor—kung anu-ano pa," sagot niya sa 'kin na hindi ko na naman napigilan ang sarili kong mapatingin sa kaniya, nakatalikod siya sa 'kin.
"Your life must be really hard for you," mahina kong sambit.
Wala pang isang araw kami dito, pero unti-unti ko na talagang napapatunayan na mabuti naman pala siyang tao, at unti-unti ay wala na akong inhibasyon na kasama siya, nagiging komportable ako na para bang matagal na kaming nagkakasama at normal na lang itong araw na 'to.
"Hindi porque mahirap, susukuan na agad," makahulugang sabi niya matapos lumingon sa 'kin. "I don't give up that easy, Arciandra... when I think it's worth it, I'll fight for it..."
"How do you know it's worth it?" nanghahamong tanong ko.
Tiningnan niya ako sa mata, tila sinigurado niyang sa paraan niya ng pagtingin ay hindi ko magagawang umiwas.
"I just know you're worth it..."