Simula
"CHEERS!"
I smiled and looked at the people around me. This is a dream come true for me. Ang magkaayos ang pamilya ko, maging buo kami na masaya at hindi nagbabangayan.
Sino bang ayaw ng pamilyang nagkakaintindihan? This is our celebration for Kuya Pio's birthday... pero para sa 'kin, hindi lang 'yon ang ipinagdidiwang namin ngayon.
We're celebrating for our family too, sa wakas ay natapos na rin ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng bunso kong kapatid na si Shad at ng Daddy namin. It's been years mula noong huli ko na nakita ang pamilya kong buo, walang namumuong tensiyon at masaya.
Malaki ang ipinagpapasalamat ko na nakilala ng kapatid ko si Shandi, kung hindi dahil sa kaniya, hindi maaayos ang problema ng aming pamilya—utang naming magkakapatid kay Shandi ito—ang maging malaya, maging malaya na gawin ang gusto namin, ang mga bagay na magpapasaya sa 'min.
I never got the courage to pursue my dreams, because my Dad wants me to become a doctor, pati si Kuya Pio... napilitan rin na maging doktor kahit na pagnenegosyo naman talaga ang kaniyang interes. Pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi ko mahal ang trabaho ko, over time, I learned to love my profession.
Tanging ang bunso ko lang na kapatid na si Shad ang nagkaroon ng lakas ng loob na sumuway sa mga magulang namin. Instead of being a doctor, he pursued his dream—to become a Lawyer. Iginapang niya ang pangarap niya na walang nakukuhang suporta sa mga magulang namin, gayunpaman, nagtagumpay siya, he is now Attorney Arphaxad Blake Seeholzer, one of the best lawyer of the country, and the first Seeholzer who became a lawyer. We're family of doctors, I admire his strong will to chase his dreams, bagay na wala kami ni Kuya Pio dahil takot kaming sumuway sa mga magulang namin.
Now, I think all his hardworks are paid off... Tingin ko, siya ang may pinakamahirap na pinagdaanan sa 'ming tatlong magkakapatid—pero ngayon, siya na ang may pinakamasayang buhay, nakilala niya na kasi ang babaeng alam kong mamahalin niya habang buhay... Parang sa mga romance books lang, 'yong taong pinakahinihintay niya.
Ako kaya?
I'm doing good, career, life, family—tingin ko lahat maayos na. Ngayon ay malaya na rin akong gawin ang gusto ko—ang pagbi-bake, pero syempre hindi ko bibitawan ang propesyon na sinumpaan ko, I'll still be a doctor—a baker and a doctor, isn't that amazing?
"Dad, Mom, excuse me, I'll just check on my crew, I'll be right back," I heard Kuya Pio said to our parents.
This Barista Club that he and Shad owned works really well, kahit na noon ay patago niya lang itong mina-manage dahil ayaw niyang malaman ni Dad. This business is very successful, this is making me proud of them.
"Sure, take your time, Son," nakangiting sabi ni Daddy. "Uuwi na rin siguro kami maya-maya."
"Okay, thanks, Dad," sagot naman ni Kuya Pio bago tuluyang umalis.
Agad naman akong tumayo, kanina pa kasi ako naiihi, marami-rami na rin ang nainom ko dahil kaming apat lang ni Kuya Pio, Shad, at Shandi ang uminom ng alak na in-order namin, very health-concious na kasi sina Mommy at Daddy lalo na't may mga edad na rin.
"Where are you going, Arciandra?" narinig kong tanong sa 'kin ni Daddy.
I looked at him then I smiled. "I'll just go to the rest room, Dad, then I'll roam around to check what's on this club."
"Okay, in case you'll get lost, call your brother, and make sure that Pio will not drive under the influence of alcohol, okay?"
"Yes, Dad."
I waved my hand to them, naiwan na silang apat sa table namin, agad naman akong naglakad upang hanapin ang restroom. Medyo matapang rin 'yong alak na ininom namin, nahihilo na ako, pero kaya ko pa naman maglakad nang hindi pasuray-suray.
Matapos ang ilang minutong paghahanap, sa wakas ay nakita ko rin ang restroom para sa mga babae, agad akong pumasok upang gawin ang kailangan kong gawin tyaka ako naghugas ng kamay at agad na lumabas. Nasanay na talaga ako na laging naghuhugas ng kamay matapos ang kahit ano mang gagawin ko.
This isn't my first time being in a club, I'm familiar with the scenes going around, I know the mixed smell of perfumes and liquors, even the music and the vibes.
Hindi naman ako ignorante, ngunit hindi rin ako gano'n kahilig sa clubbing, I don't like party like this, it's messy, loud, but doing this sometimes is a little fun, kaya naman nang makita ko ang bar island, agad akong pumunta doon upang subukan ang mga alak nila.
I've heard that my brothers, Kuya Pio and Shad have liquors they've formulate on their own, gusto kong tikman 'yon. I'm just so happy right now na hindi ko gustong magpaka-killjoy.
The music is loud that my heart is beating with its rhythm. The people in the dance floor are wildly dancing while I'm focused into finding a vacant high-chair for me to sit on.
Nang makaupo ako ay agad ngumiti sa akin ang bartender.
"Good evening, Maam," he greeted happily, but it was obvious that he's tired already and he's been working nonstop.
Marami kasing tao sa club, kaya siguradong wala silang pahinga sa kai-entertain ng mga guests.
"Good evening. Can you give your best drink?" I said to him.
"Sure, Ma'am," he said and started doing some tricks with the bottle, glasses and ice. I was quite entertained with his performance.
Masasabi kong hindi rin talaga basta-bastang mga empleyado lang ang meron itong Barista, my brothers did well in hiring their people, and I'm sure they're getting the right amount of salary that they deserve.
The first glass taste a bit weird, but it's delicious, may kakaibang bango at lasa na parang nakakaadik, gumuhit ang pinaghalong anghang at tamis sa aking lalamunan, ngunit dahil nagustuhan ko, muli akong humingi.
Paulit-ulit akong humingi hanggang sa hindi ko na namalayan na marami na pala ang nainom ko. Tama nga sila, ang alak, habang patagal nang patagal ay pasarap nang pasarap.
"Arciandra?"
Agad akong lumingon sa pamilyar na boses na tumawag sa 'kin. Nakainom man o hindi, at kahit pa umiikot ang paningin ko, agad kong namukhaan ang lalaki, ngunit di ko na maalala ang pangalan niya.
"Yes? Anong kailangan mo?"
"Why are you here alone?" tanong niya habang pinapasadahan ng tingin ang aking kabuohan, sa paraan pa lang ng pagtingin niya, hindi ko na nagustuhan, nakababastos, halatang pisikal lang ang nakikita sa 'kin.
"I'm not alone," matapang kong sagot. "So, can you just leave me? I'm enjoying here, don't ruin it."
"Arciandra, you know that I'm just one call away, kung kailangan mo ng makakasama nandito lang naman ako, I'm always willing to make time for you kahit busy ako na tao dahil marami akong negosyo at ari-arian na inaasikaso."
I rolled my eyes when I heard the sound of pride in his voice. Masyadong mahangin. Sino nga ba ang lalaking 'to? I'm not sure about his name, but I'm sure that he's one of my die-hard suitors.
"Come on, Arciandra. Wag ka na kasing maghanap ng iba, ako na 'to oh! Ako na ang lumalapit sa 'yo, maraming babae ang nagkakandarapa sa 'kin, pero hindi ko sila pinapansin," he kept on bragging. I don't like his air! "Alam ko naman na gusto mo rin ako eh, kaya ka single kasi gusto mong magpakipot nang magpakipot habang hinahabol kita—"
"Shut up!" I cut his sentence. "Pwede ba? Lumayo ka nga! I don't even know you!"
Tumayo ako upang lumayo ngunit lumapit siya sa 'kin at hinawakan ako sa braso. Agad kong binawi ang braso ko at lumayo paatras!
Come on, Arciandra! Think of a way to push this jerk away!
"Tara, sumama ka na sa 'kin, baka kung sinu-sinong lalaki pa ang mag-uwi sa 'yo! Maunahan pa nila ako!"
"Bitawan mo nga ako!"
"Arciandra!"
Mabilis akong naglakad palayo, ngunit nalingunan ko siyang sumusunod sa 'kin. Napalingon-lingon ako sa paligid sa pag-asang mahahanap ko ang kuya ko o kahit sinong kakilala. My heart is beating loudly, lalo na't alam kong marami akong nainom at ano mang oras ay maaaring mawala ako sa tamang huwisyo, umiikot ang paningin ko lalo na dahil sa magugulo at iba't-ibang kulay ng ilaw.
My God! Where the hell are you, Kuya Pio?!
I gasped when my eyes caught a man with a body covered with tattoo, sa katawan pa lang niya, sigurado akong maipagtatanggol niya ako. He's obviously enjoying with his friends, at wala na akong maisip na tama, nakita ko na lang ang sarili kong tumatakbo palapit sa lalaki at agad kong hinila patayo.
"Arciandra!"
"Back-off!" I yelled at my desperate, pervert suitor. "I'm with my boyfriend!" I even pulled the tattood-guy closer.
Napansin ko kung paano natigilan ang lalaking puno ng tattoo sa gulat, gano'n din ang mga kasama niya habang ako naman ay tahimik na nagdadasal na hindi ako mabuko.
"Boyfriend?" sarkastikong ulit ng manliligaw ko habang nang-iinsultong tiningnan niya ang lalaking puno ng tattoo. "I never thought your standard is this low, Cian! Hindi ako naniniwala! I'm not buying your excuse! Tara na! Sumama ka sa 'kin!"
Sapilitan niya akong hinila kaya naman agad akong nagpumiglas.
"Stop it!" Parang nagtayuan ang balahibo ko nang marinig ko ang malalim at gwapong boses na nagmula sa lalaking maraming tattoo. "Hindi mo ba siya narinig? I'm her boyfriend, Dude, back-off!"
I could sigh in relief, kung sino mang anghel ang sumapi sa lalaking 'to upang ipagtanggol ako ay lubos kong pinagpapasalamatan. Ngunit, unti-unti nang dumidilim ang paningin ko dala ng pagod at pagkahilo.
"Hindi ako naniniwala!"
"Bro, kung ayaw mo ng gulo, umalis ka na lang," narinig kong banta ng ibang boses, wala na talaga ako sa tamang wisyo para maki-usyoso pa.
"Bakit? Sino ba siya?! Hindi niyo ba ako nakikilala? I'm Dominic Santiago! Narinig mo ba?! Mayaman ako! At kilala ko si Cian! Hindi siya papatol sa tulad niyang—"
"I'm Hausen Kaizer Bruekner, I hope the name rings a bell, Mr. Santiago—back-off... stop messing with my girl—"
With that I finally collapsed and I couldn't hear anything clearly anymore. The last thing that I've felt is the pair of muscled arms around my body.
"Call... Arphiodex," I mumbled and I'm not sure if I made it clear to him.
"You're now safe, Miss—but you owe me—bigtime."