Chapter 10

2207 Words
"ANO?" tanong ko sa kaniya nang nakakunot-noo. "Just kidding," bawi niya sa kaniyang sinabi. "Bumabanat lang, tinitingnan kung tatalab." Inirapan ko siya. "Tigil-tigilan mo 'yang kagaganyan mo ah, di nakatutuwa." "Why? Are you falling, Arciandra?" nang-aasar niyang tanong habang may nakalolokong ngisi. I just rolled my eyes and turned my back. I decided to go to the living room and watch a movie. Hindi ko pa kasi alam kung kailan idi-deliver 'yong mga gamit na napamili ko kanina, pero angsabi naman ay within this day. "I'm done," narinig kong sabi ni Tattoo Boy matapos ang ilang sandali. Nakita ko naman siya na lumapit sa 'kin at akmang uupo na sa tabi ko ngunit agad ko siyang sinita. "Oh, stay away from me, doon ka!" sabi ko sabay turo sa isang sofa. "I want to stay here," sabi niya sa 'kin at ipinagpilitan ang sarili niyang maupo sa tabi ko. Tinulak ko naman siya habang iginigiit niya ang sarili sa 'kin, nagpalakasan na kaming dalawa, wala na sa telebisyon ang mga atensiyon dahil nasa isa't-isa na. "Kaizer!" singhal ko nang maubos ang lakas ko. "Doon ka sabi!" "Bakit ba ayaw mo akong katabi? The last time I checked myself, wala naman akong nakahahawang sakit," reklamo niya sa 'kin. "Basta, ayoko, doon ka!" iritado kong sabi. Ngumisi siya tyaka tumayo at kinuha ang isa kong throw pillow. "Sus, kunwari ka pa. Aminin mo na lang na hindi mapirmi ang t***k ng puso mo kapag katabi mo ako." Tumawa siya matapos sabihin 'yon, talagang nang-aasar. Inirapan ko naman siya. "Dream on, Tattoo Boy! Mag-dr*ga ka pa!" "I'm not a dr*g addict," giit niya at naupo na sa kabilang sofa habang yakap niya ang unan na kinuha niya. "You're so judgmental, I'm hurt, Arciandra." "Arte mo," nakanguso kong sabi. Nagkatinginan kami at parehas kaming natawang dalawa kahit wala namang nakakatawa. Tumayo siyang muli at iginiit niya naman ang sarili sa 'kin, hindi naman ako nagpatalo hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili kong nakikipagbatuhan at nakikipaghampasan ng unan sa kaniya habang pareho kaming tumatawa. WEEKS have passed at walang araw na hindi nagpunta sa condo ko si Tattoo Boy para makigulo. Noong una ay panay ang reklamo ko, ngunit nang magtagal ay nasanay na rin ako sa panggugulo niya sa 'kin. Medyo nakaka-benefit rin naman ako dahil hindi ako nababaliw sa sobrang katahimikan sa condo ko, at kapag may kailangan akong bilhin o puntahan sa labas ay may nagda-drive para sa akin. Of course, a day won't pass without us arguing, I have my own principles and attitude, he has his own too, at pareho kaming hindi nagpapatalo, though I always win, hindi ako papayag na hindi. Sabado ng umaga kaya naman maaga akong nagising, may orders na kasi ako, may dati naman na kasi akong customers noong pasekreto pa lang akong nagbi-bake, ngayon ay sila lang din ang nag-o-order sa akin. I have to prepare early, that's why I immediately went to the bathroom and started taking a bath. Hindi naman gano'n ka-gara ang aking kwarto dito sa condo, tama lang para masabing akin nga ang kwartong 'to, hindi gano'n kaarte, hindi kagaya ng kwarto ko doon sa bahay, pero alam kong kapag tumagal ay magiging kasing-arte ko na rin ang kwartong 'to. I love customizing things, kaya nga gusto ko ang paggawa ng cake eh. Matapos kong magbihis ay agad akong bumaba para pumunta ng kusina ngunit nasa hagdanan pa lang ako ay natigilan na ako nang makita ko si Tattoo Boy—at ang kitchen ko. "Oh my Gosh!" I gasped in surprise. Nagmadali akong bumaba ng hagdan at agad na lumapit. "What the hell are you doing?" hindi makapaniwala kong tanong. Nanlaki ang mga mata ko habang nakaawang ang mga labi ko, hindi ko alam kung anong una kong sasabihin nang makita ko kung gaano kakalat ang aking kusina na kagabi lang ay nilinis ko. "D*mn, Kaizer! Kalilinis ko lang kagabi! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" "I'll clean these up," sabi niya habang tutok na tutok sa niluluto niyang—itlog? I'm not sure kung ano ang niluluto niya. Napatingin ako sa plato na nasa counter katabi ng stove, may mga itlog doon na iba-iba ang kulay, may sobrang itim, may dark brown, may brown, may golden brown. "Saglit lang, matatapos na 'to," sabi niya sa 'kin habang tila hirap na hirap siyang hanguin ang itlog na nasa kawali. Napabuntong-hininga ako. "There, looks better," sabi niya at napapunas pa ng pawis niya sa noo. Kumuha siya ng isang plato at nilagay doon ang pinakahindi sunog na itlog tyaka siya kumuha ng sliced bread at inilagay rin sa plato. "Ano 'yan?" nakangiwing tanong ko. Nahihiya siyang ngumiti, tila pagod na pagod siya sa kaniyang ginawa, may iilang butil pa ng pawis sa kaniyang leeg at mukha. "Sabi ko sa 'yo lulutuan kita ng agahan," sabi niya tyaka napakamot ng kaniyang ulo. "Sorry, alam kong last week pa 'yon, ngayon ko lang nagawa—medyo... medyo hindi kasi ako marunong eh, pero pwede naman na 'yan 'di ba?" Ang mainit kong ulo dahil sa kalat na nagawa niya sa kusina ko ay bigla na lamang natunaw, tiningnan ko ang mga niluto niyang itlog na may iba-ibang kulay—imbes na mainis, tila lumambot ako sa isiping kahit hindi siya marunong ay sinubukan niya pa rin. "Ikaw na kasi lagi ang nagluluto—akala ko kaya ko, pasensya na." "It's okay," sabi ko matapos bumuntong-hininga at ngumiti. "Let's eat?" "Maglilinis muna ako," sabi niya, tila nahihiya talaga siya sa nagawa niya. "A-Ano—maybe we can order something else for breakfast? Magpapa-deliver na lang ako, mapait 'yan sigurado." "Hindi na," sabi ko sa kaniya. "Pinaghirapan mo 'to, kaya kakaainin ko." Natigilan siya sa aking sinabi, tiningnan niya lang ako nang ilang sandali, tyaka siya ngumiti sa 'kin. "Tara na, kumain na tayo, mamaya na tayo maglinis," sabi ko sa kaniya. Wala na siyang nagawa kundi gawin ang sinabi ko. Kumuha ako ng kanin tyaka inilagay sa counter, kumuha naman siya ng isa pang plato at dalawang kutsara. Hinila namin pareho ang mga highchair at pareho kaming naupo. Tiningnan ko naman ang niluto niya at agad nang kumuha nang kaunti upang tikman 'yon. Halos mapapikit ako nang gumuhit sa lalamunan ko ang alat ng pagkain na isinubo ko ngunit pinilit kong lunukin 'yon dahil nakita ko siyang nakatingin sa 'kin. A little sacrifice won't hurt me, but if I'll complain here, it'll hurt him, nag-effort pa naman siya, 'yon na lang ang iisipin ko. Maliban sa pamilya ko at mga kasama namin sa bahay, wala pang kahit isang sumubok na lutuan ako—siya pa lang—na hindi niya naman talaga kailangan gawin. Nakita ko siyang umalis sa highchair at pumunta sa ref, kumuha siya ng juice at baso tyaka siya nagsalin at ibinigay sa 'kin. "Taste bad, right?" nakokonsensya niyang sambit matapos kong inumin ang juice. "Okay naman," pagsisinungaling ko. "Bawasan mo lang ng kaunting asin sa susunod, tapos hinaan mo rin nang bahagya ang apoy." Tumango siya at tipid na ngumiti. "Sorry, hindi talaga ako marunong magluto—hindi ko halos naranasang magluto sa buong buhay ko..." saglit niyang pagkwento. "Pero natututunan naman siguro 'yan, mag-aaral ako para malutuan kita." Inabot ko ang kaniyang kamay upang awatin siya sa pagsasalita at para kahit papaano ay mawala ang nararamdaman niyang guilt. Napansin ko naman siyang natigilan at napatingin sa kamay niyang hinawakan ko, nag-angat siya ng tingin sa 'kin at dahan-dahang umawang ang labi niya. "Thank you," sabi ko, inunahan ko na siyang magsalita. "It's the effort that counts, I appreciate it... a lot." Ngumiti naman siya at mahinang natawa. "May babae pa palang nakaka-appreciate ng ganito kasimpleng effort," tila namamanghang sabi niya. Napakunot-noo naman ako, napailing at hindi na lamang pinansin ang kaniyang sinabi, umalis na ako sa highchair. "Lulutuan na lang kita ng ibang ulam," sabi ko. "Ano bang gusto mo? Pwede kang manood para magkaroon ka ng idea kung ano ang gagawin." "Sige," sabi niya. "Kahit anong alam mo, I'm not picky." Iyon na nga ang ginawa namin, naghanda ako ng agahan, simpleng sunny sideup egg lang tyaka tocino at bacon, then nag-sangag naman ako ng kanin na hinaluan ko ng dinurog na skinless longganisa, tyaka sabay na kaming nag-agahan habang nagkukwentuhan kaming dalawa tungkol sa kung paano niya ako nilutuan. Pagkatapos ay naglinis naman kami at pinanood niya akong mag-bake ng cake at cupcakes para sa order ko. "Wala ka ba talagang trabaho?" tanong ko sa kaniya habang hinahalo ko ang mga ingredients ng gagawin kong cake, iisa lang naman ang recipe ng choco moist cake at cupcakes ko eh. "Wala," sabi niya sa 'kin. "I just work online to monitor the sales and transaction of my businesses, work from home kumbaga, I'm more on investments. I can also make jewelries inside my house so I don't have to go to an office or whatsoever." Napatango-tango ako sa kaniyang sinabi. "Sarap ng buhay mo ngayon 'no?" pabirong sabi ko. "Hawak mo oras mo kung kailan mo gusto magtrabaho... you're living in luxury, and at the same time you're enjoying your life." "Nakuha ko lang ang bunga ng mga pinaghirapan ko noon," sabi niya. "Well, at least, you're now in the point of your life na stable ka na," sabi ko. "Pwede ka nang magbuo ng sarili mong pamilya, mag-asawa, mag-anak." Natahimik siya sa aking sinabi kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kaniya tyaka ko siya nginitian nang makita ko siyang nakatingin sa 'kin. "Ikaw? Aren't you stable now?" tanong niya. "Sa edad mo rin ngayon at sa estado ng buhay mo, pwede ka na ring mag-asawa at mag-anak, why are you still single?" Natigilan ako, kapag ito na talaga ang usapan ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip. Napabuntong-hininga ako bago sumagot. "Sino naman ang pakakasalan ko?" "Your boyfriend?" patanong niyang sabi. "I mean, wala ka bang naging boyfriend sa buong buhay mo?" "Wala," mabilis kong sagot tyaka natawa. "I have a very high standard when it comes to men—I want a man who will love me just like how those fictional men love their heroine in the books—parang 'yong daddy ko lang na mahal na mahal ang mommy ko." Mahina siyang natawa. "Ikaw? Bakit hindi ka pa nag-aasawa?" tanong ko sa kaniya. "Mukhang mas matanda ka yata sa 'kin ng ilang taon ah. Hindi ka pa ready? Gusto mo munang i-enjoy ang buhay-binata mo?" Umiling siya at mahinang natawa. "I just don't know what really love is," sagot niya. "Dati, akala ko 'yon na—pero hindi... Ayoko na lang magmadali, para hindi na magkamali." "That's deep," pabiro kong sabi at sabay kaming natawa. "Bakit? Nagkaroon ka na ba ng karelasyon?" Natahimik siya kaya naman huminto akong muli sa aking ginagawa. I looked at him as I waited for his answer. "Yeah," mahina niyang sagot. "And I thought it was love—because I never really know what love is for my whole life..." "What happened?" tanong ko. Naramdaman kong bumigat ang tensiyon sa paligid habang unti-unting naging seryuso ang usapan namin. This is a new side of him that I never met for those days that I'm with him, now I wanna listen to know more. Nag-iwas siya ng tingin. "I gave her everything that I can give, thinking that's what I should do to show my love—but we ended up... parting ways—she just love my money, not me." Napaawang ang labi ko habang tinitingnan ko siya, nakita kong nagtagis ang panga niya. I felt bad for him. "I'm sorry," mahina kong sambit. "It's okay," sabi niya at tumawa. "I realized later on that I don't really love her—I just loved the idea of someone caring for me... I've moved on and now I'm trying to fix the mess and go on with my life, okay na ako... though at first it was hard to accept, but life must go on. Lesson learned na lang sa pagkakamali." While I was looking and listening at him, I realized how much he talks with so much sense. In fairness, he's the only guy that could last a long conversation like this without trying to flirt on me—well, wala naman kasi siyang gusto sa 'kin... Most of men na nakausap ko noon, puro buhay nila ang kinu-kwento sa kung saan sila ang bidang-bida, na kung paniniwalaan mo ang kwento nila ay para silang mga perpektong tao na hindi kailanman nabigo at nagkamali. "Hey, why are you looking at me like that?" tanong niya, tila nilalabanan ang hiya. "H-Huh?" nanlaki ang mga mata ko nang bahagya, hindi ko napansin na tinititigan ko na pala siya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko, hindi ko alam ang isasagot. "Baka naman nagkakagusto ka na sa 'kin, Arciandra," biglang panunukso niya, binasag ang seryusong usapan kanina. "Sige lang, sasagutin naman kita kung manliligaw ka." Inirapan ko siya. "A-Angkapal talaga ng mukha mo!" Tumawa siya sa sinabi ko. "Pahingi ako ng ginagawa mo ah? I'll take it as an effort from a suitor, Arciandra." I just rolled my eyes and took a deep breath, nairita na naman ako sa kaniya—gano'n kabilis! Hindi ko na talaga alam kung ano'ng meron sa lalaking 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD