Chapter 8

2312 Words
THE next weeks after I bought the condominium unit were busy for me. Minadali ko na kasi ang pagpapaayos ng condo. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap ng interior designer dahil meron naman ang kompanyang may-ari ng building. They're all in one package actually, all I have to do is to negotiate and pay. Lahat ng gusto ko ay naisagawa sa loob lang ng tatlong linggo. I'm very thankful to my parents and to my brothers because they were all supportive to me, hindi nila ako pinabayaan, tinulungan nila ako sa mga kailangan kong gawin lalong-lalo na sa paglilipat ng mga gamit ko. In less than a month, agad kong napa-blessing-an ang condo unit ko at nakalipat ako agad. Now, as I look around, hindi ko akalaing ganito kaganda ang kinahinatnan. The kitchen area looks bigger now kahit may mga gamit na, at alam kong komportableng-komportable na ako sa pagbi-bake nito. Kailangan ko lang kompletuhin ang mga kailangan ko pang ingredients. I have to start living independently, walang katulong dito. Kailangan ko nang gawin ang mga bagay nang ako lang gaya ng paglilinis, pagluluto, paglalaba at kung ano pang mga gawaing bahay. To my surprise, I felt relieved, pakiramdam ko ay ngayon lang ako nahiwalay sa mga magulang ko, pero hindi ako kinakabahan—I'm actually excited... gusto kong subukan kung kakayanin ko. Kauupo ko lamang ng aking sofa nang bigla ay may kumatok sa aking pinto kaya naman tumayo ako upang tingnan kung sino, baka kasi importante. "Good morning, I heard that I have a new neighbor—" "Kaizer?!" gulat kong sambit, nanlalaki ang mga mata, hindi ko inaasahan na makita ko siya dito. "What the hell are you doing here? Sinusundan mo ba ako?!" "What?! Arciandra, what do you mean?" gulat niya ring sabi. "Anong ginagawa mo dito?" "Anong sinasabi mo d'yan?" mataray kong tanong. "Malamang nandito ako kasi condo ko 'to!" "What?" hindi makapaniwalang sabi niya. "So, we're neighbors?" Napakunot-noo ako at napasilip sa labas, agad kong nakita ang pinto sa tapat ng pinto ko, so siya pala ang may-ari ng condo unit na 'yan? Strange, kasi sa ilang beses kong pagbalik-balik dito sa condo no'ng inaayos ko pa 'to, kahit isang beses ay hindi ko napansin na may tao d'yan, akala ko nga wala talagang nakatira eh. "You're stalking me!" agad kong paratang sa kaniya. Angkapal naman ng mukha niyang magpakita sa 'kin? Halos isang buwan ko rin siyang hindi nakita, hindi ko alam kung saang lupalop siya ng mundo pumunta, basta hanggang ngayon hindi pa naisasauli ang sapatos ko. "Of course not!" tanggi niya pa. "You're so full of yourself, Arciandra, I don't even know that you're my neighbor." "Eh bakit ka pumunta dito sa condo ko? That's your condo, Dude!" Tinuro ko pa ang kaniyang pinto. "Alam mo ikaw, napaghahalataan na talaga, may gusto ka talaga sa 'kin 'no? Kasi sunod ka nang sunod eh." "Wow!" sarkastikong sambit niya at mahina pang natawa sabay iwas ng tingin. "Why would I even like you?" "Nang-iinsulto ka ba?" nanghahamon kong sabi. "I'm not!" Tumawa siya nang mahina. "Is this how you treat your visitor? Hindi mo man lang ako papapasukin?" "Bawal ang lalaki dito!" masungit kong sabi. "Umalis ka na nga, you're ruining my peace!" "Bakit bawal ang lalaki? Dahil may boyfriend ka na? Sinagot mo na ba 'yong manliligaw mong doktor?" "What?!" Naguguluhan kong tanong. Napaisip ako kung sino ang kaniyang tinutukoy, hanggang sa pumasok sa isip ko ang ginawa ni Dr. Benitez no'ng nakaraan. "Don't deny it, Arciandra, I saw him giving a bouquet of flowers to you, hindi ba panliligaw 'yon? And you gave him your yes, right?" Inirapan ko siya, he's so quick to conclude things. "Bakit? Nakita mo bang tinanggap ko 'yong bulaklak?" napipikon kong tanong sa kaniya. "Hindi ko siya sinagot, okay? Hindi ko nga pinayagan manligaw! Bago ka magparatang d'yan ng kung ano-ano, make sure that the information you know are right!" "So, hindi mo siya boyfriend?" tanong niya, at bigla ay ngumiti siya sa 'kin, 'yong ngiti na para bang napakasaya niya. "You're still single?" "Oo!" sagot ko, tyaka napakunot-noo. "Wait! Why are you asking me such things? Ano ba kita?" "Wala," sagot na pinipilit itago ang ngiti. "Imbitahin mo na ako sa condo mo, it's so rude that you can't even welcome me—" "Because you're not welcome here!" prangka ko pa. "I'll invite myself then," sabi niya at diri-diretsong pumasok sa condo ko ang walang hiya. "Gosh! Kaizer! Ano ba?!" naiirita kong sambit. "Labas! Get out!" Pero hindi siya nakinig, hindi ko alam kung ano bang sumapi sa lalaking 'to at talagang damang-dama niya ang condo ko na para bang siya pa ang may-ari. Umupo siya sa aking sofa kung saan ako nakapwesto kanina, at nang makita niya ang remote ng TV ko ay agad niya 'yong dinampot na parang siya ang may-ari. "I like your couch, very comfy," sabi niya pa. Ngumiwi ako at sarkastikong natawa sabay irap. "Halata nga." "What movies do you have here?" he asked again pero hindi na ako sumagot. "I like your place, I think this will be my comfort zone." Napabuntong-hininga ako. Mukhang hindi yata matutupad 'yong sinasabi kong privacy at peace. Kung alam ko lang na kapitbahay ko pala ang lalaking 'to, di ko na sana binili ang unit na 'to. First day na first day ko, binulabog niya agad! Nakakainis! "Don't you have work to do?" tanong ko at pabagsak na naupo. Sobrang kulit niya! "I'm done," sagot niya sa 'kin. "I was in Europe for almost a month." Umangat ang kilay ko at napagtanto na kaya siguro hindi ko siya nakita ng halos isang buwan, wala naman pala siya dito. "Bakit ka pa umuwi dito sa Pilipinas?" masungit kong tanong sa kaniya. "Why are you asking?" natatawang tanong niya. "Bawal ba?" "Yes! It's bawal, I don't want to see your face! Akala ko ba malinaw sa usapan natin na titigilan mo ako? Mas lalo ka yatang kumulit ah!" "Pagmamay-ari mo ba ang Pilipinas?" tanong niya sa 'kin. "Akala ko ba gusto mong mabawi 'yong sapatos mo?" "Oh yes! My shoes!" sigaw ko. "Nasaan na? Ibalik mo na 'yon sa 'kin para pwede nang hindi mo ako kausapin!" "Sorry," nang-aasar niya pang sambit. "The car isn't here, nasa malayo." Pinaningkitan ko siya ng mga mata tyaka ko siya tinuro. "Ayus-ayosin mo ang buhay mo ah! Baka tattoo-an kita gamit ang syringe kapag ako ang napikon sa 'yo!" "Calm down, Arciandra. Why are you so mad at me?" "Dahil hindi kita type! Naiinis ako sa 'yo!" singhal ko. "Angpangit mo sa mata!" "Ouch!" madrama niyang reklamo. "You don't have to like me, Arciandra—hindi mo ako kailangang gustuhin agad." "Talagang hindi kita magugustuhan!" singhal ko ulit. "Kaizer, please! Tigilan mo ako, okay? I don't have time for you! I'm a busy person, so please!" "Ako, I have a lot of time," he insisted. "You can do whatever you want there, I'll be here, I'll watch you 'cause I have time." Napatampal na lang ako sa noo ko sa inis. "Bahala ka na nga d'yan!" Padabog akong tumayo at pumunta sa kusina upang tingnan kung may mga ingredients ba akong magagamit para mag-bake. I want to calm down because that man is making me crazy. Ngunit nainis lamang ako nang makitang wala pa pala akong harina, wala ring mga measuring cups, nandoon pa sa bahay, hindi ko pa nadala dito. Iyong mga malilit na gamit ay hindi ko na muna kasi dinala. Napabuntong-hininga ako at padabog pa rin na umakyat sa taas upang kumuha ng bag. Kanina lang ay sobrang ganda ng mood ko. I felt like I was in paradise, now, this man full of tattoo ruined it. "I'll leave," masungit kong sambit. "Saan ka pupunta?" "May bibilhin lang." "Ipagda-drive kita," mabilis niyang sabi at mabilis pa sa alas kwatro na lumapit sa 'kin. I rolled my eyes again when I noticed him being in front of me that quick. God! Please take me to a place na hindi alam ng lalaking 'to! He's so annoying! "Ano bang bibilhin mo?" tanong niya. "Groceries," sagot ko na lang, isasabay ko na rin kasi ang mga kailangan kong mga pagkain dito sa condo, hindi ko kasi nabili lahat. "Tamang-tama, ako na magbubuhat." "Talaga?" tanong ko. "Yeah," sagot niya at nauna pang lumabas. "Hintayin mo ako, kukuha lang ako ng susi ng sasakyan." I smirked while watching him leave. Nakaisip ako ng kalokohan. Gusto mo palang magbuhat ah, tingnan natin kung hindi ka sumuko. Kung hindi ka mapaalis ng kasungitan at kamalditahan ko, siguro naman aalis ka na kapag pinahirapan kita! Humanda ka! Lumabas ako ng aking condo at sinigurado ko na naka-lock 'yon, tama naman pagkatapos ko ay lumabas rin si Tattoo boy—yes, mas bagay sa kaniya 'yon, ayoko siyang tawagin ng Kaizer, baka isipin niya pang close kami—hell no! "Let's go," sabi niya pa. Sabay na kaming naglakad papuntang elevator at tyaka sumakay doon. "Hey," tawag ko sa kaniya. "Para hindi halata na magkasama tayo, you go first, okay? Then susunod ako." "What?" Tumawa siya sa sinabi ko. "Are you really keeping me as your dirty little secret, Arciandra?" "Mahirap na 'no? I hate issues," sabi ko sa kaniya. "A lot of people knows me, baka isipin pang boyfriend kita—" "At masaktan ang iba mong manliligaw?" "Hell no! Pakialam ko sa mararamdaman nila?" masungit kong tanong. "Basta! I don't want any issues. You're not my boyfriend." "So, kapag boyfriend mo na ako, pwede na tayong makitang magkasama?" "Of course!" sagot ko agad nang hindi man lang nag-iisip. "Oh, really? When are you planning to court me, Arciandra?" he playfully asked and chuckled. "Tell me, para maihanda ko na ang matamis kong oo." "I envy such thick face," sarkastikong sabi ko sabay irap sa kaniya. Sumakto naman na bumukas na ang elevator dahil nakarating na kami sa floor. Gaya ng instruction ko, nauna nga siyang lumabas, ako naman ay hinintay muna siya sa labas ng building, palingon-lingon pa ako bago sumunod para masiguradong walang nakatingin. Ewan ko ba, kahit wala naman akong ginagawang masama at wala naman kaming malisya ng tattoo boy na 'to, pakiramdam ko ay nakokonsensya ako. I'm so concious when it comes to him—yes, only with him... nababaliw na yata ako. Nakita ko ang isang sasakyan na kulay itim na nag-signal, still a luxury car, kaya naman agad na akong lumapit doon. I opened the door for myself at agad nang sumakay. "A different car again, tell me, ilan ba ang sasakyan mo?" tanong ko sa kaniya. "I don't know," seryusong sagot niya habang minamaneobra niya ang sasakyan para makaalis kami sa parking area. "All I know is that, this isn't my best ride." "Hmm," tatango-tangong sabi ko. "I don't know much about cars, but I know when it's a luxury or not, mga kapatid ko kasi, nahilig rin sa mga sasakyan." "I see," sagot niya. "So, hindi mo alam kung alin ang pinakamagandang sasakyan na nasakyan mo?" "Hindi," mabilis kong sagot sa kaniya. "Basta lang umandar at makarating ako sa gusto kong puntahan, that's it." "Hmm, you'll surely know which ride is the best once you experience riding me, Arciandra." Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang tiningnan. "Ang bastos mo!" reklamo ko. "Manyak ka! Umasa ka naman na may mangyayari sa 'tin? Hello?! I have preserved my virginity for more than thirty years, hindi ko 'to isusuko nang basta lalo na sa lalaking di ko gaanong kilala!" Tumawa siya, 'yong nakaiinsulto na tono. "Hindi rin kita gagalawin... unless you'll beg for it." "Yuck!" sabi ko at umaktong parang nasusuko. "Thank you very much for everything, pero magkasukuan na lahat, hindi ko 'to isusuko sa 'yo 'no? This is for my husband only!" "Okay," sagot niya at ngumiti. "I respect that, I respect you." "Good," sabi ko at nagkibit-balikat. "Mabuti nang malinaw." Nakarating kami sa mall, agad kaming dumiretso sa kung saan ko mabibili lahat ng kailangan ko, kahit hindi ko naman talaga gano'n ka kailangan, basta alam kong mabigat ay kinukuha ko para mahirapan si Tattoo Boy, eh total nag-volunteer naman siya, tingnan natin kung hindi pa siya sumuko. "D*mn! Do you really need all of this?" reklamo niya nang punong-puno na siya ng mga gamit, baking pans, mixing bowls, iba-iba ang sizes no'n at kung ano-ano pa. "Yes," sagot ko nang may malaking ngiti, 'yong nang-aasar. "Do you think I'll get it if I don't need it?" "Kakasya pa ba 'to sa condo mo?" "Well..." Napaisip ako saglit, oo nga pala, limited lang ang space ng condo ko, nakalimutan ko pa 'yon dahil sa maitim kong plano. "May condo ka naman, doon ko na lang itatambak habang di ko pa kailangan." "Wow, Arciandra!" sarkastikong sabi niya. "Balak mo pang gawing stockroom ang condo ko." Nginitian ko lang siya tyaka nagpatuloy na sa pagbili, hanggang sa napunta kami sa mga ingredients at pinagkukuha ko na lahat ng mga kailangan ko. "I deserve a cake after this," narinig kong sabi niya, nagpatulong na nga kami sa mga empleyado ng mall para madala namin sa labas ang lahat ng mga napamili namin, dahil maliit ang sasakyan ni Tattoo Boy, hindi kasya ang lahat, kaya naman ang taga-mall na raw ang magdi-deliver, 'yong mga groceries lang ang dinala namin. "Bakit? Birthday mo ba?" tanong ko sa kaniya matapos kong makasakay sa kaniyang sasakyan. "Kapag birthday mo na, tyaka kita gagawan ng cake. Kailan ba ang birthday mo?" Bigla siyang natahimik kaya nang matapos kong ikabit ang seatbelt ko ay tiningnan ko siya. "Hey! I'm asking you!" Umiling siya at naiilang natawa. "K-Kailangan pa bang mag-birthday para magkaroon ng cake?" Napakunot-noo ako. "Hindi naman... pero syempre mas magandang sa birthday mo may cake, para special... Bakit?" Tumawa siyang muli tyaka nag-iwas ng tingin. "Hindi... Hindi ko kasi alam—H-Hindi ako sigurado kung... kung kailan talaga ang birthday ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD