"PLEASE, Kuya, samahan mo na ako!" pangungulit ko sa kapatid ko. Ilang ulit ko na 'tong pangungumbinsi sa kaniya pero walang nagbabago sa sagot niya.
"Cian, I'm busy right now, okay?" aniya sa kabilang linya. "May mga pasyente akong inaasikaso. If I were you, I'll call Shad, baka may oras 'yon."
"I don't wanna bother him, okay?" pamimilit ko. "He's too busy, nababaliw na 'yon sa pag-manage ng oras niya para mabigyan si Shandi ng time, makikihati pa ba ako?"
"Hmm, you're so considerate now," sarkastikong sabi niya pa sa kabilang linya. "Good! Why don't you go there alone? Or maybe call your friends?"
"Friends? Sinong friends?" tanong ko sa kaniya. "I don't have friends, Kuya! Si Andrea nasa ibang bansa, yayayain ba kita kung meron?"
"No, I'm really sorry, Cian, but I really can't, okay?"
Napabuntong-hininga ako. "Kawawa naman ako—"
"Nah, that won't work on me, Arciandra," pigil niya sa sasabihin ko.
Napairap ako. That phrase always work on them—ngayon ay nabago na pala? Gosh! I can't believe this.
"Bibigyan kita ng cake?" patanong kong sabi sa kaniya, pilit siyang kinukumbinsi.
"Still, no," matigas niyang sagot. "Mamamatay ka ba kung hindi ka makakapunta sa book signing event na 'yan? You can just buy signed books, bawat event na lang ng writer na 'yan ay pinupuntahan mo, nakita mo naman na siya, bakit kailangan mo pang pumunta do'n?"
"To see her again!" bulalas ko. "You don't understand, okay? She's my idol, I like her so much, especially her books, I wanna see her, have a picture with her, say hi at least—"
"Alright! Enough, Cian, it's still a no, I can't take a day off because I'm busy," strikto niyang sagot. "Kahit pa masamahan kita, baka hindi pa tayo nakararating sa venue, kailangan ko na naman bumalik dito."
Napabuntong-hininga ako, nabigo nang tuluyan. "Fine."
"I'm sorry, I'll make it up to you, okay?" nanunuyong sabi niya. "Oh, maybe Dr. Benitez is free—"
"No, thanks," mabilis kong tanggi at pinatayan na siya ng tawag. Pabagsak akong naupo sa sofa, ngayon hindi ko alam ang gagawin.
Hindi pa naman ako tumanggap ng orders para sa araw na 'to dahil no'ng nalaman kong may book signing event si Vida ay pinaghandaan ko na talaga. I've been waiting for this day to come, and now I'm filled with disappointment.
"Arciandra?"
Napalingon ako sa pinto ng aking condo nang may biglang pumasok doon, nakasimangot pa rin ako na parang bata na hindi binigyan ng candy.
It's been months since I moved here in my condo, so far wala naman akong naging problema. I'm living a comfortable life, and I'm so happy na unti-unti nang natutupad ang pangarap kong maging kilalang baker.
Unti-unti nang dumarami ang orders ko. I have a social media page and I've earned thousands of followers in just a span of two months since I made it active.
Hindi rin naman naging problema sa akin ang bagong trabaho ko sa hospital, my secretary got it covered for me kaya hindi na ako nagpupunta doon.
"Umagang-umaga nakasimangot ka," sabi ni Tattoo Boy, tila napansin salubong kong kilay at mahabang nguso.
Nakita ko siyang binuksan ang fridge ko, at wala siyang hiya na kumuha ng cake ko doon, nag-slice, bawas naman na 'yon, sobra sa na-bake ko kahapon, walang frosting, siya lang ang kumukuha n'yan since kahapon na para bang siya na ang may-ari.
Ewan ko ba sa lalaking 'to, araw-araw na lang nandito sa condo ko, kung hindi lang siya umaalis dito sa gabi kapag oras na ng pagtulog ay iisipin ko nang dito na siya nakatira.
Hindi na lang din ako nagrereklamo, siguro nga, nasanay na ako sa presensya niya. Hindi naman siya gaanong nakapiperwisyo: may tagahugas ako ng mga baking equipments, may tagawalis, taga-drive—wait! Speaking of taga-drive!
"Kaizer?" tawag ko sa kaniya, mabilis akong bumangon at nakita ko naman siyang natigilan sa pagnguya ng kinakain niya habang hinihintay niya akong makalapit sa kaniya.
"Did I do anything wrong?" tila takot niyang tanong.
"Ha?" naguguluhan ko rin usal. "Bakit mo nasabi?"
"You're calling me by my name—that's new," sabi niya.
Napailing ako, hindi na lang pinansin ang sinabi niya. "May gagawin ka ba ngayon?"
Napakunot-noo siya, saglit na nag-isip tyaka umiling.
"Good, samahan mo ako," sabi ko agad.
"Idi-date mo ako, Arciandra?" panunukso niya na naman.
"Hindi!" agad kong bara. "May pupuntahan tayo."
"Kiss muna," pang-aasar niya tyaka ngumuso pa, nasanay na rin ako sa mga ganitong biro niya.
"Eh kung ipalunok ko sa 'yo 'yang buong cake?" pananakot ko.
"Okay lang," natatawa niyang sabi. "Masarap naman eh, tyaka nahalikan pa kita."
Inirapan ko siya tyaka ako kumuha ng platito at nag-slice rin ng cake upang makakain.
"Sige na, isa lang," kunwari pilit niya pa habang tatawa-tawa.
"Ewan ko sa 'yo," masungit na sabi ko. "Why would I even kiss you, we're just friends."
Nakita ko siyang napatingin sa akin tyaka nag-iwas nang tingin nang tingnan ko, kumain na lamang siya ng cake, ako naman ay hindi na lang pinansin ang biglaang pananahimik niya.
"Samahan mo ako ah?" sabi ko matapos kong maubos ang cake.
"May gagawin pala ako," malamig na sabi niya tyaka niya inilagay sa lababo ang plato na ginamit niya tyaka ibinalik ang natirang cake sa ref.
Napakunot-noo naman ako sa biglang pagbabago ng mood niya, pinanood ko siyang maghugas ng mga pinagkainan namin.
"Hey, what's wrong with you?" naguguluhang tanong ko. Nilapitan ko pa siya at bahagyang hinawakan ang kaniyang braso.
"Wala," sabi niya at tipid na ngumiti. "Sige, busy pala ako ngayon, Arciandra. Aalis na 'ko, salamat sa cake."
Napakunot-noo ako lalo, napatulala na lamang ako sa lalim ng iniisip, pilit kong binabalik ang pangyayari kanina, tinitingnan kung may nasabi ba akong mali para bigla siyang maging gano'n.
Is he nuts? What's with the sudden attitude?
Hindi ko na siya napigilan nang wala siyang lingon-lingon na umalis ng aking condo, naiwan naman akong tulala.
"Anong nangyari do'n?" naguguluhan kong tanong sa sarili ko. "Crazy!"
Napairap na lamang ako sa ere at bumalik na lamang sa sala, nawala na ako sa mood na pumunta pa sa booksigning event ni Vida, bukod sa walang kasama, nasa iba na ang atensiyon ko.
Hindi pa man ako nangangalay sa aking posisyon at pwesto ay narinig kong may nag-doorbell na naman, agad na si Tattoo Boy ang pumasok sa isip ko kaya sobrang bilis kong pumunta sa pinto.
I swear, gagantihan ko ang attitude niya!
I opened the door immediately and was about to throw a sharp look to the man outside, but I was stunned when I realized that it's not Tattoo Boy—si Shad, ang kapatid ko.
"What are you doing here?" I asked right away.
Napakunot-noo naman siya at tiningnan ako na parang nagtataka.
"Kuya Pio called me, he said that you need someone to accompany you to a book signing event," sabi niya pa. "Why do you look disappointed? Expecting someone else?"
"Hindi 'no?!" masungit kong sabi at padabog na bumalik sa sala. "I don't wanna go there anymore, I've changed my mind!"
"That's new," sabi pa ng kapatid ko tyaka naman imbes sumunod sa sala, doon na siya sa kusina ko nagpunta, sa tapat mismo ng fridge ko. "Do you have cake here?"
Isa pa 'tong cake lang yata ang dahilan kaya pumunta rito eh.
"Nand'yan, ubusin mo, wag ka nang magtira kahit kunti!" sabi ko pa. Tingnan lang natin kung may makain pa 'yong isa kapag bumalik dito.
"What's wrong with you?" naguguluhang tanong ng kapatid ko. "If you're lashing out like that because of the book signing event, I've canceled my schedule for today just so I can be with you—so stop acting like a spoiled brat, Ate, hindi bagay sa 'yo."
"You guys are annoying!" singhal ko habang nakakibit-balikat.
"What? What did I do?" hindi makapaniwalang tanong pa ng kapatid ko. "Come on, Arciandra!"
"Wag mo nga akong tawagin n'yan!" singhal ko na naman.
"Whatever!" sabi ni Shad at nagpatuloy na sa pagkain ng cake. Hindi na lamang ako umimik, hinayaan ko na lamang siyang gawin ang gusto niya sa kusina hanggang sa narinig ko siyang naghugas tyaka ko siya nakitang lumapit sa 'kin.
"So, are we going now?" tanong niya. "You'll be late, isang oras ka pa naman kung maligo."
"Hindi nga ako aalis, Arphaxad!" naiinis kong sabi.
"Why?" tanong niya. "I will really call Kuya Pio now if you'll continue with your drama."
"Ayoko na nga kasing pumunta, Shad," mas mahinahon ko nang sabi. "I don't wanna go there anymore, not when I'm in a bad mood. I don't want to meet Vida when I'm being like this!"
"Are you on your period?" tanong niya pa.
"What? No!"
"Then why are you acting strange? That's not you!"
Hindi ako nagsalita, narinig ko namang bumuntong-hininga ang kapatid ko. Tingin ko pati siya ay na-bad trip na rin. Ayaw ko naman talagang magsungit, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mabaliw sa kaiisip kung ano ang nagawa kong mali para mag-attitude 'yong Kaizer na 'yon! Baliw ba siya?!
"Ano, Ate? If we're not going, I'll be leaving now," sabi ni Arphaxad, tila naiinip na. "I'll just spend my day with Shandi."
"Go!" sabi ko.
"You're so difficult to understand," sabi pa ng kapatid ko. "Naaawa ako sa magiging boyfriend mo."
"Shut up!" singhal ko. "Sige na! Umalis ka na, just say hi to Shandi for me, tell her that I miss her."
"Whatever!"
Inirapan ko siya at nakita ko nga siyang umalis ng condo ko. Naiwan naman ako sa sala nang mag-isa habang paulit-ulit kong iniisip si Tattoo Boy. I don't understand why I'm feeling anxious right now just because of his sudden change, sino ba siya? Ano ba siya sa buhay ko?
Sa sobrang inis ko ay napagdesisyonan ko na lamang na maligo at mag-ayos para mag-shopping—I want to relax today.
Nagmadali na akong maghanda. Pumili na ako ng masusuot, pinili kong mag-dress at magsuot ng high-heeled shoes, inayos ko rin ang buhok ko at naglagay na rin ng manipis na makeup. Hindi na ito bago sa akin, ganito talaga ako kapag umaalis, I love it when I look presentable, nakakadagdag ng confidence.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, hindi naman ako overdressed sa tingin ko, simple nga lang ito. Imbes na magpaka-stress ako dito sa condo—I'll just go shopping, I think I deserve this anyway after weeks of working hard for my dream and passion.
Hindi ko na rin kasi maalala kung kailan 'yong huling shopping ko. I immediately called our family driver, I was lucky enough because our driver is free, nagsama na rin siya ng isang bodyguard dahil sabi ko nga ay magsa-shopping ako at wala akong kasama, my dad always make sure that I'm comfortable whenever I go shopping, kaya sinisigurado niyang may kasama ako para magbitbit ng mga gamit ko—yes, I know, everyone will think again that I'm the most pampered Seeholzer.
"Kuya, kumain na po muna tayo bago mag-ikot-ikot," sabi ko sa driver at sa bodyguard.
"Sige po, Maam."
One thing that my parents taught us as we grow up is that to treat our drivers, maids and other house helpers as our family, they get to eat what we eat especially when we go out and they're with us. Kaya naman kasama ko sila sa pagpasok ko sa restaurant, 'yon nga lang ay bumukod sila sa akin ng table, hinayaan ko naman silang mag-order ng gusto nila.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa pag-iikot sa mall, sanay na rin siguro sila sa akin kaya alam na nila kung ano ang gagawin habang abala ako sa pamimili. They just waited for me in the waiting area of each boutique.
Marami akong napamili lalo na't may mga bagong items akong nakita, sa tagal ko ba namang hindi nakapag-shopping. From clothes to accessories, from makeup to perfumes, sinigurado kong meron akong mabibili.
Thank God, shopping is always an effective way for me to relax my mind—I enjoyed shopping a lot.
Kaya naman, hindi na ako nagulat nang halos magsara na ang mall nang makalabas kami. Hindi rin ako nagpahatid agad sa condo, dumaan muna kami sa isang restaurant para kumain.
It's almost eleven when I arrived at my unit. Nagpasalamat ako agad sa bodyguard at driver, syempre binigyan ko rin sila ng pera, bilang pasasalamat, hindi sana nila tatanggapin pero ipinilit ko, hindi naman bawal 'yon, in fact my parents encourage us to give more maliban sa sweldo nila of course.
Naiwan na ako nang mag-isa sa aking condo. Sa dami ng napamili ko, halos wala na akong mapaglagyan sa sala. I'm planning to make that one room upstairs as my walk-in closet, I really need one to fit all my stuffs.
Dinala ko na ang mga napamili ko sa taas, sa isang kwarto, bukas ko na lang ito aayusin. Nakailang balik rin ako bago ko 'yon nadala lahat sa kwarto. Agad naman akong naligo nang makapagpahinga at ginawa ang night routine ko.
I'm already in my pajamas when I decided to go downstairs to make some milk so I can finally sleep, it's a long day and I'm so tired. Bago pa man ako makapag-isip ng kung ano-ano ay gusto ko nang makatulog na.
I was enjoying my milk, and it's already midnight when I checked the time. That's why I was stunned when I heard a bell from my door.
Napakunot-noo ako.
Sino namang bibisita sa akin nang ganitong oras?
Hindi naman ako kinakabahan at hindi ko iniisip na may masamang tao sa labas dahil tiwala ako sa security ng building. Kaya naman binuksan ko na agad ang pinto dahil walang tigil na sa pag-iingay ang doorbell na para bang nagmamadali 'yong tao sa labas.
"What's wrong—oh my gosh!"
I was surprised when I saw Kaizer in a not-so-good state. Agad kong naamoy ang alak sa kaniya, at sa itsura niya pa lang, alam kong lasing na siya.
"Kaizer! Anong nangyari sa 'yo?!"
Imbes na sumagot siya, gano'n na lang ang gulat ko nang bigla niya akong hinila palapit sa kaniya—sa gulat ko ay hindi ako agad nakagalaw nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko.
I tasted the alcohol in his mouth, and even though he's drunk, I felt the gentleness of his kiss.
Gulat pa rin ako nang humiwalay siya sa 'kin, he looked at me with his sleepy and tired eyes.
"I don't want us to be just friends, Arciandra," miserableng sabi niya. "I-I want us to be more than that—k-kaso lang... h-hindi pwede... hindi ako babagay sa 'yo… kahit m-mahal na yata kita..."