Chapter 12 & ANNOUNCEMENT

2738 Words
NATULALA ako sa kaniyang sinabi, hindi ako agad nakagalaw. Pati ang halik niya ay hindi pa masyadong napo-proseso sa isip ko. Bago pa man ako makapagsalita ay dire-diretso siyang pumasok sa condo ko. Wala sa sarili naman akong napasunod ng tingin sa kaniya, hindi ko nga napansin na hinahaplos ko na pala ang labi ko. "Lint*k na buhay 'to, wala na yata akong nagawang tama! Bobo kasi, Kaizer eh! Napakabobo mo!" narinig ko pang sabi niya, bagaman hindi gaanong malinaw 'yon dahil sa kalasingan niya, naiintindihan ko pa rin. Nabalik ako sa katinuan, napalunok ako nang ilang beses dahil pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko at di malaman ang gagawin. Nakita ko na lang ang sarili kong lumalapit sa kaniya. "K-Kaizer, you're drunk, please itulog mo na 'yan, okay?" sabi ko na pilit siyang pinapahinahon. Humiga siya sa mahabang sofa, pinilit niyang pagkasyahin ang sarili niya sa mahabang upuan, habang ako naman ay natataranta at hindi ko alam kung anong gagawin sa kaniya. "Gosh!" "I'm sorry, Arciandra," emosyonal niyang sabi habang ako ay nakatingin sa kaniya at nakapamewang. "I can't be the man that you deserve... I have so much flaws—imperfection... a-at kahit pa siguro ubusin ko ang lahat ng pera ko para lang bumagay ako sa 'yo, imposible 'yon mangyari." "Kaizer, what are you talking about?" I asked him frustratedly. Ano ba'ng pinagsasabi niya? Where is this all coming from? "Sorry ha?" pinilit niya ang sarili niyang bumangon tyaka niya naman kinuha ang kamay ko. "Kaizer, you're drunk, you have to rest, bukas na tayo mag-usap," mahinahon kong sabi sa kaniya. "Inaayos ko naman eh," sabi niya pa, hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. "Lahat ng mali ko noon, inaayos ko—para lang maging karapatdapat ako sa 'yo..." Pagak siyang natawa. Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko, naluluha na rin ako sa di malamang dahilan. "I don't want to ruin your life, Arciandra—" "Kai—" "No, listen to me! Please, kahit ngayon lang," umiiyak niya nang sabi, nakita ko ang pag-agos ng luha niya, at para akong pinipiga dahil doon. "Kahit ngayon lang, may mapagsabihan ako ng nararamdaman ko..." Huminga ako nang malalim nang maramdaman ko ang bigat sa aking dibdib. "Okay," sabi ko habang pinupunasan ko ang sarili kong luha, hindi ko talaga alam kung bakit ako naiiyak, pakiramdam ko ay nasasaktan ako habang nakikita siya ganito. "Alam mo... buong buhay ko... h-hindi ko naranasan 'yang lintek na pagmamahal na 'yan," aniya at pagak na natawa. "Nanay ko nga hindi ako mahal eh." "Kaizer, please tama na muna," pakiusap ko sa kaniya, hindi ko kayang nakikita siyang ganito, hindi ako handa para sa ganito. Masyado akongng nasanay sa Kaizer na pwede ko lang sungitan at sigaw-sigawan tapos nagagawa pa ring tumawa at mang-asar. "Bukas mag-uusap tayo, I promise, I'll listen to you." "Hindi mo ako iiwan?" tanong niya, puno nang pagdududa. "Dito ka lang sa 'kin?" Hindi ko alam kung ano'ng pinanggagalingan ng mga 'to. "Oo," sagot ko habang tumatango, tuloy ang pag-agos ng luha. "Yes, Kaizer, I'll stay... matulog ka muna, I know you're tired." "Don't cry," sabi niya at pilit na inabot ang mukha ko at pinunasan niya pa ang luha ko gamit ang kamay niya. "Okay... I'll rest… wag ka nang umiyak. I don't want to see you cry, Arciandra." Tumango naman ako. Pinanood ko siyang humiga sa sofa ulit ngunit hindi niya binitawan ang kamay ko, hindi man lang nabawasan ang higpit no'n. Napansin kong bumigat ang paghinga niya, unti-unti na siyang nahihimbing. I kneeled down and looked at his innocent face as he sleeps. "Ano ba kasing meron sa 'yo? Bakit naapektuhan ako nang ganito katindi?" Muling bumalik sa isip ko 'yong halik niya sa akin kanina, napahawak ako sa dibdib ko dahil nagkakarera sa bilis ang t***k ng puso ko. "Mahal na rin ba kita, Kaizer?" tanong ko sa kaniya. Napabuntong-hininga ako, saglit na nablangko ang isip habang nakatingin lamang sa kaniya. Nang tuluyan akong mangalay sa posisyon ko ay napagdesisyonan kong tumayo para sana umalis at kumuha ng kumot sa kwarto ngunit sa paggalaw ko ay biglang nagdilat ng mga mata si Kaizer. "Where are you going?" tanong niya, akala ko ay natutulog na siya nang mahimbing. "Upstairs, I'll get you some blanket," sabi ko sa kaniya. "It's cold." "Balik ka ah?" sabi niya. "Oo na," sagot ko, tyaka niya lang binitawan ang kamay ko. I never thought that he's this clingy when drunk, I'm actually surprised, but I can't deny that I find him cute. Para siyang fictional character na obsessed na obsessed sa female lead na ayaw niyang malayo. Kumuha ako ng makapal na kumot mula sa aking cabinet. Inamoy ko pa para masigurong malinis kahit na alam ko naman na bago ito, hindi ko nga matandaan kung nagamit ko na ba 'to. I immediately went downstairs and I saw Kaizer on the couch, sitting and acting like he's looking for something—or someone, halatang di pa nawawala ang epekto ng alak sa kaniya. I wonder how much liquor he drank for him to be in this state. "There you are!" tila nabuhayan na sabi niya nang makita ako. Tumayo pa siya at halos gumewang pa nang maglakad palapit sa 'kin, nagmadali naman akong lumapit para alalayan siya. "Sabi ko sa 'yo, dito ka lang sa 'kin, Arciandra..." "Nagpaalam akong kukuha ng kumot mo," rason ko. "Nah, I can live without a blanket, but I can't live without you!" Napairap ako sa kaniyang sinabi, ngunit di ko napigilang matawa. Naisip niya pa ang banat na 'yon kahit lasing siya? "Sige na," ani ko. "Lay down and I'll tuck you in." "No, you'll sleep with me," pakikipagtalo niya pa. "Ano?! Ayoko!" mabilis kong sabi, iba ang pagkaintindi sa sinabi niya. There's no way in hell that I would surrender myself to him! "What's wrong?" tanong niya pa, inosenteng-inosente. "You'll just sleep next to me with my arm as your pillow, I wanna make sure that you won't leave me!" "Who told you that I'll leave you?" tanong ko, medyo naiirita na, kanina pa siya sabi nang sabi n'yan, hindi ko nga naisip 'yan eh. "Ah basta!" sabi niya at humiga na ulit sa sofa, pinagkasya ang kaniyang sarili tyaka niya ako hinila at iginiya pahiga sa tabi niya. My couch is wide, but with us both lying here? I don't think this is a good idea! Mangangalay lang kaming pareho. "Pasalamat ka lang talaga lasing ka ngayon at worried ako!" sabi ko habang hirap na hirap na inaayos ang kumot para pareho kaming matakpan no'n. "Wag kang malikot, Arciandra," reklamo niya pa. "Inaayos ko ang kumot natin! Gusto mo bang manigas sa lamig?!" iritado kong tanong. Hindi na siya sumagot, sa halip ay naramdaman ko siyang inaalalayan ako para gawing unan ang kaniya braso, at unti-unti kong naramdaman na gumapang ang kaniya isang kamay sa aking tiyan at hinila ako palapit lalo sa kaniya. "Watch your hand, Kai!" singhal ko. "If that will go in a critical area, I will really cut your fingers!" Ngunit hindi tumigil ang kaniyang kamay sa pagkapa kaya naman tinampal ko na. "Kai!" "I like it when you call me Kai, is that my nickname?" parang batang sabi niya pa, ngunit halos magkanda-bulol pa rin dahil nga lasing. Napansin ko naman na nahawakan ng kamay niya ang isa kong kamay, pinagsiklop niya ang mga ito. "I won't touch you there because I respect you, Arciandra," sabi niya pa. "Andaldal mo pala kapag lasing 'no?" puna ko. "I told you to sleep, didn't I? But you keep on talking! Gosh!" Pasalamat ka lang talaga lasing ka! Really, Arciandra?! Is that really it? Or maybe you're liking this too! You're cuddling for godd*mn sake! No! No! No! D*mn! Maybe I'm going crazy, nakikipagtalo na ako sa isip ko! No way! Pinilit ko na lamang ang sarili kong matulog kahit na hindi ako gano'n kakomportable sa pwesto ko, sobrang sikip kasi, isang maling galaw ko dito at babagsak ako sa sahig panigurado. I DIDN'T notice when I fell asleep. I just found out that I fell asleep when I woke up next morning with a huge arms around my waist. Atomatiko akong napahaplos sa braso no'n, at gano'n na lang ang pagtataka ko nang mapansin na hindi 'yon gano'n kakinis—hindi naman ugat, imposible naman ding peklat dahil sa tattoo, malalaki kasi ang iba—parang mga peklat ng normal na sugat. Kaya naman agad akong nagmulat ng mata at tinitigan nang mabuti ang braso, may iilang letra, symbol, at kung ano-ano pa akong nakita, ngunit hindi 'yon ang pinagtuunan ko ng pansin. I can definitely tell that his arm is full of scars. Saan niya nakuha ang mga 'to? Nasa gitna ako ng pag-iisip nang maramdaman kong gumalaw si Kaizer sa likod ko, hindi na ako nagulat na ito ang nakagisingan ko dahil tandang-tanda ko pa ang nangyari kanina. "F*ck! My head hurts so bad!" he groaned. "What happened?" Maingat akong humarap sa kaniya—bad move! Our eyes met, and I could feel his breath because we only had a few inches between us. Akmang tatalikod na ako ulit ngunit pinigilan niya ako nang mabilis. "You want a good morning kiss, Arciandra?" tanong niya pa, nang-aasar. I rolled my eyes. "No, thank you!" "Why are you lying next to me?" tanong niya pa. He seemed clueless of what happened while he was drunk! Ngayon ko lang naramdaman ang matinding pangangalay ng kalahati ng katawan ko. Pasimuno kasi eh! Kaizer is the one to blame. "You can't remember anything?" tanong ko. I saw him crease his forehead like he's trying to remember things. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi na hindi niya naalala ang mga nangyari. Inunahan ko na siya, "Buti di mo naalala—" "Ang alin?" he asked cluelessly. "Na sinabi ko sa 'yo kagabi na mahal na yata kita?" Nanlaki ang mga mata ko. "And when I kissed you, you kissed me back?" "Oh my gosh!" Agad gumapang ang hiya sa buong pagkatao ko. I can't even remember myself responding to his kisses... but with his tone, I can feel that he's very sure. "I remembered most of the happenings, Arciandra," sabi niya at ngumiti. "So, totoo?" diretsahan kong tanong, ngunit agad na nagkaroon ng kakaibang takot sa dibdib ko nang tingnan ko ang mga mata niya ulit. "You think you love me?" Parang gusto ko nang takpan ang tainga ko dahil natatakot ako sa magiging sagot niya—hindi ko alam kung bakit, at kung ano ang mas gugustuhin ko? Iyong ideya na mahal niya ako at kompirmahin niya 'yon ngayon o bawiin niya ang sinabi niya sa 'kin? Bumuntong-hininga siya. "Unfortunately, yes." Nanlaki ang mga mata ko at umawang ang mga labi. I felt insulted with his tone and words. Hinampas ko siya sa braso. "Aray!" "What do you mean, unfortunately?! Wow! Parang lugi ka pa ah!" Tumawa siya sa naging reaksiyon ko at naramdaman kong hinigpitan niya ang yakap sa akin ng isang braso niya. "I didn't mean anything bad," nanunuyong aniya. "What I mean is that—I failed to stop myself from falling in love... kaya mahal na kita." "So? Anong gagawin natin?" tanong ko sa kaniya. "Kailangan ba may gagawin?" Napakunot-noo ako. Wala siyang plano para sa nararamdaman niya? Ano 'yon?! "I'm sorry, naabala pa kita," sabi niya. "I shouldn't have drink too much yesterday." Naguguluhan pa rin ako, kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Isn't he planning to pursue me? I thought he loves me? Ano 'yon? I don't understand why it feels like it's normal for him to fall in love that he doesn't have anything to do with his feelings! Parang wala lang ah?! Matapos niya akong halikan at yakapin kagabi, matapos niyang umakto na para bang hindi niya kayang wala ako—ngayon ay aakto siyang parang wala lang ang lahat?! "What's with that face?" pagpuna niya sa 'kin. "Are you mad at me or something?" "You're stupid!" singhal ko at padabog na bumangon, mabibigat ang hakbang na umakyat sa hagdan. "Arciandra!" "I hate you!" sigaw ko. "What?!" naguguluhang tanong niya. "Anong nagawa ko?" "Nothing!" sigaw ko. Right! Wala siyang ginawa, wala siyang gagawin! Iyon ang nakakairita! "Leave!" "No..." Napansin ko siyang sumunod sa akin paakyat, pumasok ako sa kwarto ko na inis na inis sa kaniya. "Arciandra..." mahinahon niyang sambit, alam kong nasa likuran ko na siya. "What's wrong? Tell me..." "Wala!" sabi ko. "Come on, wag mo akong pinapahula..." "Wala nga! Umalis ka na lang!" iritadong sigaw ko sa kaniya kasabay ng pagharap. "Are you okay?" "Oo! Okay lang ako!" sigaw ko. "Why would I not be okay?" "Why are you crying then?" nag-aalang tanong niya. Gulat naman ako at wala sa sariling napahaplos sa pisngi ko, tyaka ko lang napansin na lumuluha na ako. Tinawid niya ang pagitan namin sa pamamagitan ng ilang hakbang, masuyo niyang hinaplos ang mukha ko. "Mahal mo na rin ba ako?" seryuso ngunit nagpipigil ng emosyong tanong niya. "Sabihin mo sa 'kin…" I tried to look away but he forced me to look at his eyes. "Cian..." Parang kinilabutan ako sa pagsambit niya gamit ang pangalan kong 'yon. "H-Hindi ko alam..." emosyonal kong sabi, tila naguguluhan—kahit ngayon ay alam ko na ang sagot. "Bakit hindi mo alam?" tanong niya... "I was so willing to leave your life—to give you peace, because I don't want to hurt you... Takot akong masaktan kita... takot akong masira ko ang buhay mo... takot ako na baka di nila ako magustuhan para sa 'yo... takot ako na baka hindi ako bumagay sa 'yo..." Lalo akong naiyak nang makita kong tumulo rin ang luha niya, umiiyak na rin siya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko na para bang pati kaluluwa ko ay kinakausap niya. "Pero ngayon... isang sabi mo lang na mahal mo rin ako, Arciandra... ipaglalaban kita," mahinang sabi niya sa 'kin, punong-puno ng emosyon, damang-dama ko ang sinseridad. "I know how hard it is to tame a woman like you—pero handa akong paghirapan lahat, mapasa'kin ka lang..." ANNOUNCEMENT Good day, Aces/Readers! Hindi na dapat ako mag-update dito, pero na-realize ko na you all deserve to be informed sa plan ko for this story, "To Tame Arciandra" and that you all deserve a formal farewell from me for this story (lalo na sa mga hindi susunod sa 'kin sa plans ko, maiintindihan ko din naman kayo) I think may idea naman na kayo dito dahil may author's note naman ako sa chapter 11 kung nabasa niyo po, but still I'll do an announcement. Sa mga hindi pa nakabasa ng pinned post ko sa aking socmed (sss account) I'd like to inform you that this is my last update here in Dreame and Yugto for this story. I have my reasons, and I think it's valid, hopefully maintindihan niyo (nandoon na sa aking post naka-state ang reason ko) I've had a very amazing experience here, and SOBRANG thankful ako sa opportunity at syempre sa inyong lahat na sumuporta sa mga stories ko before especially with the first book of Barista Series na pinagbidahan nila Atty. Shad at Shandi (Searching for My Hero) Pero, hindi natin hawak ang mga sitwasyon, may mga pangyayari na di natin inaasahan na babago ng lahat, kaya minsan kailangan natin mag-adjust para magpatuloy. (char, hugot hahaha) Writing is my job and it needs investment, and this is my only way to support my studies in college. To make this announcement short, I will still CONTINUE this story BUT NOT HERE anymore. If you want to read and be updated sa mga latest chapters ng To Tame Arciandra, FEEL FREE TO MESSAGE ME SA sss, your support will truly be a GREAT HELP for me especially for my studies. Hindi naman po ito sapilitan, sa mga susuporta I'll really appreciate it and I'll be very grateful, sa mga hindi naman, I will understand for whatever reason you have. I'm very sorry if I ever have disappointed you with this announcement, hindi ko naman po 'to gagawin if hindi po talaga kailangan. I hope you all understand, pasensya na kayo, God bless us all and ingat po kayo lagi, I wish everyone happiness, safety and comfort. This serves as my farewell to you for this story here. Hoping to see you sa bagong tahanan nila Ate Cian at Tattoo Boy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD