Chapter 3

2132 Words
I rolled my eyes when I noticed that we're already near the Seeholzer Medical Hospital. Tiningnan ko ang lalaking nagmamaneho at gano'n na lang ang gulat ko nang mapansing nakatitig pala siya sa 'kin. Agad ko siyang pinagtaasan ng kilay ngunit nainis lang ako nang ngitian niya ako. "What?" mataray kong tanong sa kaniya. "What?" he asked me back with a playful smile on his lips. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Baka gusto mong bumaba na?" sabi niya sa 'kin. "Or maybe you want me to open the door for you, your highness?" "What?!" pasinghal kong sabi. "Hindi ba sabi ko wag kang bababa?" "Yeah, that was clear to me," sabi niya sa 'kin. "Kanina pa tayo dito, pero mukhang wala kang balak buksan ang pinto ng kotse para makababa ka. Parang naiisip ko tuloy na ayaw mo nang umalis at gusto mo na lang akong makasama." Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi at napaawang ang aking labi. "How dare you?!" I said in disbelief. "Aalis na ako ngayon din! I was just waiting for you to stop the car!" "I already stopped the car, Arciandra." "Shut up!" I said and immediately took my things then opened the car. Nagmadali rin akong bumaba, sinamaan ko pa siya ng tingin, ngunit tila hindi man lang siya natinag. "Wala man lang bang thank you d'yan, Arciandra?" "Thank you!" mabilis kong sabi sa kaniya at akmang isasarado na ang pinto ng sasakyan ngunit pinigilan niya ako agad. "Hey! You owe me lunch!" Inirapan ko na lang siya at pabagsak na isinara ang pinto ng kotse bago ako nagmadaling pumunta na sa hospital. Kaya naman pala ako pinagmadali, talagang emergency dahil may pasyente akong manganganak na at ako talaga ang ni-request na magpaanak sa kaniya. Hindi na ako nag-atubili, agad akong kumilos nang mabilis at nag-asikaso sa tamang proseso para masimulan na ang pagpapaanak. It was a stressful process but I finally had the breath of relief after the baby is delivered successfully. "It's a healthy baby girl!" I announced with a bright smile trying to hold the baby that is crying really loud. "Doc!" the father of the baby called when the patient suddenly lose her consciousness. I smiled. "Don't worry, it's normal." Ibinigay ko na sa nurse ang baby upang malinisan na. Ilang sandali pa'y nagising na ang ina ng baby at ibinigay naman namin ang anak nila. Hindi ito ang unang beses na magpaanak ako, ngunit tila walang nabago sa reaksiyon ng mga magulang sa unang beses nilang paghawak sa kanilang anak. I couldn't help but look at myself... Kailan ko kaya mararanasang manganak? Kailan ko mararanasang magbuntis? Magkaroon ng asawa? Sariling pamilya? Hindi naman siguro ito maiiwasan, I'm already on my thirties, parang nakababahala tuloy na maging isang matandang dalaga ako. Syempre naman, kahit na masyado akong pihikan at mailap sa mga lalaki, pangarap ko rin namang magkaroon ng sariling pamilya—syempre kasama ang isang lalaking alam kong mamahalin ako panghabang-buhay—isang mabuting asawa, at isang mabuting ama sa mga magiging anak ko. Nang matapos ang duty ko ay tyaka ko lang naalalang gutom nga pala ako at hindi ako nakakakain kanina. Ito rin ang isa sa mahirap sa trabaho ko, sa dami ng ginagawa at sa sobrang pagod, nakakalimutan ko nang kumain. Bigla kong naalala ang kuya ko, kaya naman agad akong lumabas ng aking opisina upang mapuntahan siya. "Kuya!" I called him when I entered his office, he looks exhausted while he's in front of his laptop. He glanced at me with tired eyes. "It's Dr. Seeholzer for you," he strictly said trying to be professional. Inirapan ko naman siya at umupo ako sa visitor's chair. "Kumain ka na?" "Hindi pa," sagot niya sa 'kin habang nasa laptop pa rin ang tingin. "I have a lot of things to do, why?" "Let's eat?" nakangusong sabi ko sa kaniya. "I'm so hungry, Kuya. Please, samahan mo ako." He sighed then looked at me again. I pouted even more. He shook his head. "Hindi ako gutom, Cian," he coldly said. "Ano bang gusto mong kainin?" "Lulutuan mo ako?" parang batang tanong ko sa kaniya. "Asa," he said and rolled his eyes. "I'm so busy, can't you see?" "Pero gutom ako." I heard him sighed loudly. "You really have to get yourself a boyfriend so that you'll have someone to annoy when your hungry or bored." "Arte mo!" nakangusong sabi ko. "Gutom lang naman ako." "Whatever," he said, but he took his phone anyway and gave it to me. "Here, order your food and deliver it here. Kapag gutom, kumain, hindi 'yong nangungulit ka pa sa 'kin!" "You're paying?" nakangising tanong ko kahit alam ko na ang sagot. May pera naman ako, pero mas masarap kapag libre ng kuya ko. "Go on," walang pakialam niyang sabi kaya naman tuwang-tuwa ako. Well, on the second thought... bakit pa ako mangangailangan ng boyfriend? Kung mga kapatid ko pa lang tinatrato na akong prinsesa. "I love you, Kuya!" masigla kong sabi at tumayo pa tyaka ko siya niyakap at hinalikan pa ang pisngi upang mainis siya. "Hmm. Whatever, Arciandra," iritadong sabi niya sa 'kin. "By the way, expect a new luxury bag this week, I already ordered one for you." Nanlaki ang mga mata ko. "What? Really?! Why?" "Because you deserve it, sige na!" tila iritado niya pang sabi. "Lumayo ka na sa 'kin, may tinatrabaho ako, bakit ba hindi si Arphaxad ang guluhin mo?!" "He's busy with his cases and his girl, alangan naman manggulo pa 'ko do'n?! I have to let your brother happy, minsan na nga lang maging masaya 'yon, guguluhin ko pa?" "Hmm, made sense," sagot niya na sinabayan pa ng pagbuntong-hininga. "How about you?" Napanganga ako sa kaniyang tanong at napakunot-noo pagkalaunan. His eyes remained on his laptop. "What do you mean how about me?" I sarcastically asked while pointing at myself. "When are you going to get a man that you'll spend the rest of your life with? Or a boyfriend at least? When are you planning to start your own family? You're almost on your mid 30's, Cian." Saglit akong natigilan sa kaniyang sinabi, napaisip rin saglit, ngunit maski ako ay walang sagot sa mga tanong niyang 'yon. I don't know if there's someone out there who is perfectly made for me, the man of my dreams, habang tumatagal nga'y lalong nababawasan ang pag-asa ko na makatagpo ng lalaking alam kong gusto ko, 'yong pangarap ko. I don't want to enter a relationship para lamang mawakasan ang single life ko, relationship is a serious matter, lalong-lalo na ang pagpapakasal. I just forced a smile, took a deep breath and shrugged. "How about you, Kuya? When are you planning to settle down?" Tiningnan ko siya nang maigi, napansin ko rin na natigilan siya saglit, nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. "I'm not planning to settle down anymore," he said without any sense of emotion on his face then forced a smile as he look at me. "This is my life, serving people, I'm happy, Arciandra." "Are you, really?" I seriously asked. "Pinipilit mo lang ang buhay mo na maging masaya sa trabahong 'to, hindi naman ito ang pangarap mo." "Reality is cruel, Cian." He sighed. "We don't get everything that we want even how much we try for it... so, we just have to be happy on what we have." Dahan-dahan siyang nagbaba ng tingin muli sa kaniyang laptop. Alam kong hindi naman ang trabaho ang tinutukoy niya, alam kong may tinatago siya. "So, okay lang sa 'yo kahit wala kang asawa at anak? Na tumanda kang malungkot?" Natigilan siyang muli saglit, pati nga ako ay napaisip rin ng sagot sa tanong ko. Kung ayos lang ba sa 'kin na tumanda akong mag-isa, malungkot, walang anak, walang sariling pamilya... Hindi naman siguro 'yon mangyayari, hindi ba? Marami rin namang mga couple na nagtatagpo lang during their 30's and they have a happy married life. "Hindi ka makasagot 'no?" panghahamon ko sabay mahinang tawa. "Gusto mo rin magkaroon ng pamilya, Kuya, magkaroon ng sariling anak, gaya ng mga batang ginagamot mo, 'di ba?" "Ayos lang sa 'kin," sagot niya agad. "Kung hindi nga lang ako pinag-doctor, malamang nasa kumbento ako." Inirapan ko siya sa kaniyang sagot at inismiran, "Kumbento ka d'yan, di ka nga nagsisimba, masusunog ka do'n," nakangusong sambit ko. "I'm just kidding," he said with a short laugh. "Anyway, I have to talk to dad so you'll have more time for your baking. I'm sure that you want to enjoy all the baking equipments that dad bought. I've heard that dad hired new doctors, so maybe we can give it a try." "Talaga, Kuya?" masayang sambit ko sa magandang balita na aking narinig. Sa totoo lang, matagal na akong nanghi-hingi ng bakasyon sa Daddy ko, kaso lang hindi ako pinapayagan, sabi nila wala dawng bakasyon ang mga doctor dahil oras-oras ay may nangangailangan ng serbisyo namin. "Yeah, so you'll stop disturbing me as well," he harshly said. "You have to enjoy your vacation, fulfill your dreams. Ngayon pa lang, magsimula ka nang magplano... tyaka malay mo, makahanap ka na ng boyfriend mo, matanda ka na." "Mas matanda ka pa rin!" laban ko sabay irap, ngunit muli rin akong lumapit sa kaniya at niyakap ko siya nang mahigpit. "Thank you, Kuya!" "Yeah, stop hugging me!" "Arte mo!" pabirong asik ko sabay layo sa kaniya. "Hindi ko na kayo malambing ni Shad, nagbago na kayo porque mga propesyonal na!" "Whatever, Arciandra!" Tuluyan akong nag-order ng pagkain naming dalawa ni Kuya Pio, at nang dumating na ang pagkain ay agad kaming nagsabay, napilit ko rin siyang kumain kahit na ilang beses siyang tumanggi sa simula. It was already too late for me to remember my order from the restaurant, gabi na nang maisip ko 'yon at pauwi na ako, pero kahit gano'n, naisipan ko pa rin dumaan sa restaurant para makakain ng haponan bago umuwi sa bahay. Mabuti na lang at may damit pa ako sa opisina kaya naman nakaligo ako bago tuluyan lumabas. Ngunit ang pagkunot-noo ko ay agad tumindi nang pagkalabas ko ng hospital ay biglang bumusina ang kotse sa harapan ko. Nang matitigan ko ang mamahaling sasakyan, agad ko itong nakilala, at hindi nga ako nagkamali nang maibaba ang bintana no'n at nakita ko ang lalaking puno ng tattoo. Sino nga ba ang lalaking 'to? I don't even know his name, but it seemed like he knows me. Well, it looks like he's stalking me, kaya paanong hindi niya ako makikilala? I sighed and rolled my eyes then walked towards the car. "Ano bang ginagawa mo dito?" iritadong tanong ko sa kaniya. "I waited for you," he said. "I'm concerned that you don't have a ride to your home, so I'm offering to give you one. Tara, ihahatid na kita." "What?!" I asked in disbelief. "Are you for real?! Tingin mo ba hindi ko kayang magbayad ng service? May driver rin kami, one call away lang, hindi mo 'to kailangang gawin." "Come on, Arciandra, I'm just being nice—" "Nanliligaw ka ba?" diretsahan kong tanong. Kilalang-kilala ko na ang mga estilo ng mga lalaki eh, nakailang manliligaw na ako, and I swear, hindi ako madadaan sa ganitong pahatid-hatid at pasundo-sundo. "Well, if you are, I'm sorry to burst your bubble, wala kang chance sa 'kin. You're not even my type!" "Ouch!" he dramatically said while caressing his chest. "Well, you're not my type too, Arciandra, hindi ako nanliligaw—" "Oh, hindi naman pala, bakit ka sunod nang sunod?!" singhal ko. "Tigilan mo 'ko ha? Wala akong panahon sa 'yo! Kung ikaw marami kang oras para sayangin sa mga walang kwentang bagay, pwes ako, wala!" "I'm not wasting my time when I'm spending it for you, Arciandra," he said on a serious tone that made me stun. "One dinner... Have dinner with me, I swear, titigilan kita pagkatapos." Natigilan ako saglit at napabuntong-hininga sa iritasyon, pilit kong pinakalma ang sarili ko. Wala rin naman akong nakikitang masama kung pagbibigyan ko siya, to make it fair, he has saved my ass twice already, maybe that's enough reason for me to trust him... at para na rin tigilan niya na ako. "Fine!" pagpayag ko. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya at saglit akong napatitig do'n... Kung ano'ng ikinasama ng itsura niya dahil sa mga tattoo niya, gano'n naman kainosenste ang mukha niya kapag nakangiti. "Pero ngayon lang ah?! Pagkatapos nito, titigilan mo na ako! Bayad ko na 'to sa utang kong lunch." "Sure, Arciandra," he replied and was about to get off the car pero pinigilan ko siya. "Ako na! I can handle," sabi ko tyaka agad nang sumakay ng sasakyan. Just one dinner, and this guy will finally stop pestering me, yes, I can surely do that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD