I was expecting that he would bring me to one of the most expensive restaurants of the town, just like most of my suitors do, of course to impress me, kaya naman nang ihinto niya ang sasakyan malapit sa isang parang food court ay hindi ko maiwasang mamangha.
"Wow!" I couldn't help but be amazed by how it may look simple but the people there looks happy. "Seriously?"
He looked at me as he turned off the engine of the car. "Gulat ka? Hindi mo 'to in-expect? Maybe you haven't been here, have you?"
I shook my head and laugh a bit thinking that for more than thirty years of living, there are still places which are near but I never had imagined myself visiting.
"Good, mamaya ay pupunta tayo sa restaurant na gusto mo, but for now, I want you to experience this," sabi niya sa 'kin na nagpatulala sa 'kin saglit. Hindi ko tuloy namalayan na bumaba na siya ng sasakyan at napagbuksan na ako ng pinto.
Inilahad niya ang kamay niya para alalayan ako, ngunit tumanggi ako sa kaniyang tulong at humawak na lang sa sasakyan upang makababa nang tuluyan.
Napatingin tuloy ako sa aking suot, pakiramdam ko ay nag-overdressed ako, nakatakong pa. Nakita ko kasi ang mga taong nasa paligid, napakasimple lamang ng mga suot, kami lang yata itong naiiba, lalong-lalo na ako.
"Is this how you take your women into dates?" I curiously asked him as I look around. To be honest, this is my first time meeting a man who brings a woman to a food court.
"Why? Is this a date?" he playfully asked then later on became serious. "I don't usually date women, I f*ck them."
"What the hell?!" reklamo ko agad dahil sa bulgar niyang salita. "Excuse me ah?! Baka nakakalimutan mong babae ako?!"
"Just being honest, Arciandra," sabi niya sa 'kin. "Don't get me wrong, I respect women, I don't f*ck without them wanting it."
"At may respeto ka pa sa lagay na 'yan?" I yelled in disbelief. "Red flag ka talaga sa 'kin! Kayo talagang mga lalaki 'no? Tingin niyo sa 'ming mga babae mga laruan niyo lang. Kaya I swear, hindi talaga ako magpapagamit sa 'yo at sa kahit sinong lalaking mukhang s*x d'yan!"
"You're so loud!" reklamo niya sa 'kin. "Tara na, kumain na tayo, nagugutom na ako."
"Ayoko na, uuwi na ako," nakangusong sabi ko. "Baka pagkatapos nito ay saan mo pa ako dalhin, mahirap na 'no? I'm a very conservative woman!"
"Halika na, dami mo pang sinasabi!"
Bigla niya akong hinila kaya naman halos magkanda-tapilok ako sa pagmamadali. Pumasok kami sa parang entrance, nakita ko pang may mga letrang nakalagay sa entrance, "FOOD BAZAAR" 'yon ang basa ko. May mga tents, mga mesa, open na open ang area at may mga ilaw rin na iba't-ibang kulay, halos pare-parehas lang din naman ang mga pagkain na tinda: sweet corn, barbecue, fries, burger, shake, juice, mga street foods at marami pang iba. May maliit naman na platform sa gitna kung saan may tila isang banda na kumakanta.
"Can you please walk slower?! My feet hurts!" reklamo ko sa kaniya habang pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa kaniyang pagkakahawak.
"Sino ba naman kasing nagsabi na magtakong ka? Kayong mga babae, napakahilig niyong pahirapan ang mga sarili niyo, may simpleng mga sapatos naman d'yan, bakit doon pa kayo sa nahihirapan kayong maglakad?" mahabang sermon niya sa 'kin.
"Shut up, okay? You don't know about my fashion sense! This is beautiful that's why it hurts!" sabi ko sabay irap sa kaniya. "Hindi pa ba tayo uupo?"
"Ano bang gusto mong kainin?" tanong niya sa 'kin tyaka huminto sa paglalakad.
Wala naman akong maisip, dahil hindi ko naman alam kung aling pagkain ang masarap, sa dami ba naman ng pwedeng pagpilian, baka kahit isang buong gabi kami rito ay hindi ko matitikman lahat.
"I'm on a strict diet," I told him.
"Strict diet? Bakit? Model ka ba?" sabi niya. "You should eat."
"Corn na lang ako," mabilis kong sabi sa kaniya sabay ngiwi tyaka ko inilibot ang aking tingin. "Mukhang wala rin naman tayong mauupuan dito."
"Maglakad-lakad na lang tayo habang naghahanap ng pwedeng pwestuhan," sabi niya tyaka lumapit doon sa isang tindahan ng sweet corn. Tyaka ko lang na-realize na mukhang mahirap 'yon kainin, masisira ang lipstick ko kaya naman agad akong tumakbo nang maingat palapit sa kaniya.
"I changed my mind," mabilis kong sabi. "Can we buy something else?"
Napansin ko naman ang mga tingin ng mga tao sa 'kin, mula ulo pa hanggang paa, pero wala akong pakialam sa kanila.
"Ano bang gusto mo?"
"Ahm... fries na lang?"
"Okay," sabi niya sa 'kin at agad naman akong hinawakan sa kamay at hinila ako sa ibang tindahan.
I was just looking at his back the whole time and noticed his manly broad shoulders, I really can't deny that he has a good body built, medyo disturbing lang talaga ang napakaraming tattoo niya, pero kapag natatakpan naman ay ayos lang.
Sa katititig ko sa kaniyang likod ay hindi ko na napansin na huminto na pala siya sa paglalakad kaya naman nabangga ako sa likod niya.
"Ouch!" reklamo ko. "Why did you suddenly stop?!"
"Kasalanan ko bang nandito na tayo sa bilihan ng fries?" mahinahon ngunit sarkastiko niyang tanong, tama naman siyang nasa tapat na kami ng tindahan kaya hindi na ako nakipag-argumento at nagkibit-balikat na lamang kasabay ng pag-irap ko sa kaniya.
"Si Boss Kaizer pala 'to eh."
Nabawasan ang pagmamaldita ko at napuno ng pagtataka nang may makakilala bigla sa kaniya. It looks like they knew each other for a long time as I saw the excitement in the other person's eyes.
Boss Kaizer? Why is he calling him that? And oh, Kaizer? Maganda pala ang pangalan niya. Now, I remember his name.
"Magandang gabi," nakangiting bati niya sa lalaking nakakilala sa kaniya at nakita ko pang nagkamay silang dalawa, but it looks like different kind of handshake. "Kamusta?"
"Maayos naman kami, Boss, ito paunti-unting nagnenegosyo," sagot naman ng lalaki. "Nagbabakasakaling palarin at magaya sa inyo."
Nakita kong mahinang tumawa si... Kaizer... Fine! I'll call him by his name!
"Ituloy niyo lang, it's better this way. Small progress counts," sagot naman ni Kaizer kaya mas lalo akong napakunot-noo... I still have a lot of things to learn about him—wait—hindi ba pagkatapos nito ay hindi na kami magkikita? Why bother trying to know him more? God, Arciandra!
"Oo nga po, Boss, tyaka salamat rin sa inyo, nakapag-aral na rin ang mga kapatid ko, malaking tulong 'yong scholarship na ino-offer ninyo, si Rita magtatapos na nga ng senior highschool eh, with honors pa!"
"That's great, extend my congratulations to her. If she wants to earn during her vacation she can at least have a part-time job, pakitawagan na lang ang sekretarya ko."
"Salamat, Boss, maaasahan po talaga kayo," masayang sabi ng lalaki. "Ito na po pala ang order niyo."
I was stunned the whole time I was listening to their conversation, and I couldn't help but be more curious about him.
Sino ba talaga siya?
Mas lalo lamang akong nahiwagaan nang mapansin kong sa pagdaan namin ay may ngumingiti sa kaniya at tumatango, ang iba nga'y tumatawag pa sa kaniya, hindi ko ito napansin kanina, ngunit ngayon ay halos lahat ng tumawag sa kaniya'y nililingon ko.
They're all smiling widely as if they've seen a famous person who have done something really nice to them.
Kaya naman nang medyo makalayo kami sa Food Bazaar ay agad ko siyang nilapitan.
"How did they know you?" I asked him. "You seemed close to them."
Hinintay ko ang sagot niya ngunit hindi ko 'yon narinig, sa halip ay ibinigay niya sa 'kin ang fries na binili niya.
"Matuto ka ring ngumiti man lang sa iba, nasusupladahan sila sa 'yo," sabi niya sa 'kin.
I dramatically touched my chest. "Ah, I'm bothered!" I sarcastically said and rolled my eyes.
Nagpatuloy kami sa paglalakad, hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta nasa tabi lamang kami ng kalsada.
"Alam mo, kung iisipin ko lang nang iisipin ang tingin sa 'kin ng mga tao, hindi ako magiging komportable, hindi ako magiging masaya," puno ng katotohanang sabi ko. "I don't have to please them, who are they anyway? If they don't like me because I look suplada, then who cares? I know myself better and I don't have to waste my time explaining myself to them. As if I'll stop breathing because of their hate."
Napansin kong natigilan siyang maglakad sandali at tumitig sa 'kin saglit habang ako naman ay kumakain ng fries na binili niya: in fairness, masarap ang cheese flavor.
"You're really different," mahinang sabi niya sabay ngiti nang matipid.
"What?" I asked as if I didn't hear him clearly.
"Wala," sabi niya at mahinang natawa tyaka ako hinila na naman.
"Aray! Ano ba? Kanina ka pa ah?! Can you please be more considerate naman? I'm struggling with my godd*mn shoes!"
"Hubarin mo," simpleng sabi niya na para bang kay dali ng sinasabi niya.
"No way!" maarte kong sabi. "Paglalakarin mo ako nang nakapaa lang? Are you serious? I spend money for my pedicure and foot massage for your information! Baka magkasugat pa ako!"
"Ang arte," puna niya sa 'kin. Nagulat ako nang pumunta siya sa gilid at tinanggal niya ang kaniyang sapatos, naka-medyas na lamang siya at ibinigay niya ang sneakers niya sa 'kin.
"Anong gagawin ko d'yan?" supladang tanong ko.
"Pakuluan mo," seryusong sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
God! This guy!
"Syempre, ano bang ginagawa sa sapatos? Hindi ba sinusuot?"
"No, I won't wear that one, that's too big. Tyaka anong isusuot mo?"
"Magpa-paa ako," sabi niya na ikinalaglag ng panga ko. I even looked at the road, and it's not really that smooth. Is he serious?
"You'll get hurt," sabi ko sa kaniya.
"Kaysa naman mahirapan ka d'yan sa sapatos mo," sabi niya na ikinatigil ko nang saglit. I stared at him for a while as his words tried to sink in my system.
This guy is giving me his shoes so that I can walk more comfortable, and he's willing to walk barefooted for me?
"Don't worry, sanay na ako," sabi niya sa 'kin. "Tyaka sa malapit lang naman tayo uupo, d'yan lang sa tabi ng dagat, mahangin kasi do'n."
Hindi pa rin ako nakagalaw, kasi hindi ko inaasahan na may lalaking magiging ganito sa 'kin.
"Halika na," sabi niya at siya na mismo ang naghila sa 'kin palapit sa kaniya, iniluhod niya pa ang kaniyang isang tuhod upang tulungan akong matanggal ang sapatos ko at maisuot ang sapatos niya.
To my surprise, his shoes felt so relieving for my feet, sobrang gaan at malambot sa paa kahit medyo maluwag dahil mas malaki ang size ng paa niya kumpara sa 'kin.
"Better?" tanong niya sa 'kin nang makatayo siya namg tuluyan.
Tumikhim ako at naiilang na tumango. "T-Thank you."
Maybe I judged him too harshly, nahihiya tuloy akong tingnan siya... Still, hindi ko pa rin siya kilala, I shouldn't trust him that fast, he's still a stranger to me, and oh, I should remind myself that this is the first and the last time that we will be together.
Nagsimula kaming muli na maglakad patungo kung saan. Tinanggal niya ang medyas niya at naka-paa lang talaga siya habang naglalakad habang bitbit niya ang sapatos ko, ako naman ang humawak ng fries niya.
"Madalas ka ba mag-ganito?" tanong ko sa kaniya.
"What do you mean?" tanong niya naman.
"Mag-ganito, maglakad-lakad sa gabi," sabi ko naman sa kaniya.
I heard him chuckle and looked at me. "Medyo, this is my way of relaxing."
And I don't even know that.
"Hindi ka ba madalas mag-bar?" tanong ko sa kaniya. "You look like a drunkard—s-sorry..."
Mahina na naman siyang natawa. "Your mouth has no filter, you're very blunt—I like it."
"Ayaw ko lang mag-sugarcoat, I do that a lot in my job to make my patients and their family feel better," I honestly shared. "I-I'm a doctor, by the way, in case hindi mo alam, that's the reason why I was in the hospital earlier."
"Hmm, now I know," sabi niya sa 'kin. "Well, you look like a model... but being a doctor suits you more."
Inirapan ko siya sa kaniyang sinabi, ngunit hindi ko rin maiwasang mapangiti.
"Ikaw? Bukod sa pagsunod sa 'kin, ano'ng trabaho mo?"
Tinawanan niya ako sa aking tanong. "You're so full of yourself, Doctor Arciandra. I'm not following you, okay?"
"Deny ka pa," sabi ko sa kaniya tyaka mahinang natawa. "Pero seryuso, anong trabaho mo? Kung hindi ka s*nd*kato—"
"S*nd*kato? Grabe ka naman!" tila nasasaktang sabi niya ngunit tumawa rin naman kaya nahawa ako. "I'm... a businessman... and a jeweler."
"Jeweler?" gulat kong tanong sa kaniya. "Hoy, seryuso ka?"
Tiningnan ko pa siya mula ulo hanggang paa, hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. "Mas bagay sa 'yong tattoo artist!"
"Well, I was a tattoo artist," nakangising sabi niya. "I was the one who made most of my tattoos."
Napangiwi ako sa kaniyang sinabi, parang naramdaman ko ang mga karayom na tumusok sa mismong mga balat ko habang iniisip 'yon.
"Hindi ba masakit 'yon?" tanong ko sa kaniya. "Isang karayom nga lang masakit na eh."
"I got used to it," nakangiting sabi niya ngunit hindi man lang umabot sa mata, kahit pa tanging streetlights lang ang nagbibigay liwanag sa daan, nakita ko pa rin kung gaano kalungkot ang mga mata niya—angganda nga ng mga mata sobrang lungkot naman.
Muli kaming natahimik dalawa, kinain ko na lamang ang fries ko nang may mapagkaabalahan naman ako. Hanggang sa wakas ay nakarating kami sa tabi ng dagat, may bench naman kaya doon na kami naupo.
Napangiti ako nang marinig ko ang mga hampas ng alon, maamoy ko ang dagat, at maramdaman ko ang malakas na hangin.
"Siguro ngayon ka lang nakaranas nito 'no?" sabi niya bigla, at hindi ko napansin na nakatingin na pala siya sa 'kin.
Nahihiya akong tumango. "I never thought that peace can be felt here."
"Maybe, you didn't expect that of all places, I would bring you to a food bazaar to eat," sabi niya at mahinang natawa. "And you probably never imagined seeing yourself sitting next to me while enjoying this moment right now..."
Hindi ako nakasagot, sa halip ay pinakiramdaman ko ang sarili ko at inisip ang mga sinabi niya. Hindi na ako makaimik nang mapagtanto kong tama siya.
"This is your first time, right?" he calmly asked.
Dahan-dahan akong tumango tyaka ako tumingin sa kaniya kung saan nagtagpo ang mga tinginan namin. Umangat ang gilid ng labi niya, parang nagpipigil ng ngiti, ngunit bago ko pa man makita ang ngiti niya ang nag-iwas siya ng tingin agad at sa dagat na itinuon ang atensiyon niya.
"That's it," mahinang dagdag niya kaya nanatili akong nakatingin sa kaniya kahit hindi siya nakatingin sa 'kin, sumilay ang ngiti sa labi niya bago niya ako tiningnan muli tyaka nagsalita, "I wanna be your first in everything, Arciandra..."