I IMMEDIATELY booked a ride as soon as I went out of the unit. Nasa condominium pala ako. Napakalaki ng buong lugar kaya muntik pa akong maligaw sa kahahanap ng pwede kong babaan, mabuti na lang nakita ko rin kalaunan ang elevator.
Tamang-tama naman na pagkalabas ko ng building ay dumating ang driver ng nai-book kong sasakyan. Agad akong sumakay at nagpahatid sa pinakamalapit na boutique na alam ko dahil kailangan kong bumili ng bagong damit. Hindi ako kailanman magiging komportable sa damit kong 'to, ngayon pa nga lang ay nangangati na ako.
"Wait right here," I said to the driver and immediately run towards the entrance of the boutique.
"Good morning, Miss Cian!" bati sa 'kin agad ng sales lady. Kilala na ako dito dahil kaibigan ko ang may-ari, at madalas rin ako ditong bumili. Aside from the quality of clothes, sinusuportahan ko rin ang negosyo ng kaibigan ko.
"Good morning, nand'yan ba ang amo mo?" I asked the sales lady.
"Arciandra!" As if on cue, my friend Andrea came out from her small office.
"Hey, Andrea!" I said and walk towards her, she was about to hug me but I refused. "Sorry, I smell bad, I have to buy some clothes and take a quick shower."
"Oh! Where have you been? Anong nangyari sa 'yo?" she asked then look at me from head to toe. Malamang nagtataka siya sa itsura ko. "Mukhang hindi ka galing sa hospital, hindi ka naman din gano'n kadalas mag-party."
I rolled my eyes. "Basta, it's a long story. Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay nang ganito o pumunta sa trabaho."
"Okay, kumain ka na ba?" tanong niya.
"Hindi pa," nakasimangot kong sabi.
"Fine! I know your style, ako na ang pipili ng susuotin mo, pumasok ka na doon sa bathroom, magpapa-deliver na rin ako ng pagkain para sabay na tayo. God, Arciandra! Ngayon lang kita nakita na ganiyan kadungis!"
"Wait, babayaran ko na lang muna 'yong driver, naghihintay sa labas eh, sabi ko kasi saglit lang ako."
"Ako na ang bahala," sabi ni Andrea. "Sige na, baka magka-allergy ka pa sa itsura mo, sa arte mong 'yan, paniguradong mahihimatay ka sa itsura mo ngayon kapag di ka pa nakapaglinis ng katawan."
Pabiro akong napairap. Andrea knows me well, we've been friends since my teenage days. We share both interests in fashion, and we're both fans of Vida, my favorite author, parehas kaming mahilig magbasa, at parehas kaming single ni Andrea sa kadahilanang parehas rin kami ng tipo ng lalaki at wala pang lalaking nakakaabot ng standard namin.
I swear, I will never settle for less just so I can have someone in my life, it's either I'll wait for my ideal man or I'll be single forever.
I immediately went inside the bathroom, mabuti na lang meron ding ganito dito sa boutique ni Andrea, minsan kasi hindi na siya umuuwi sa bahay nila, kaya naman parang bahay na rin niya itong boutique niya. Sa loob ng office niya ay may kama, kusina at banyo na.
Ilang sandali nga ay kumatok na si Andrea sa banyo upang sabihin sa 'kin na nakahanda na ang mga damit ko, kaya naman paglabas ko ay nagbihis na ako agad. Andrea really knows the clothes that I want.
"Finally!" I sighed in relief when I finally saw myself in front of the mirror looking fine again, malayong-malayo kanina na para bang inabandona ng kung sino.
"You look good as always," Andrea said to me. "Kumain na tayo, sigurado akong gutom na gutom ka na."
"Hay naku! Buti na lang talaga nandito ka, kung hindi ay baka nag-book na naman ako ng hotel para lang makaligo at makapagbihis."
Mahinang natawa si Andrea. "Sinabi ko naman kasi sa 'yo na bumili ka na ng condo mo, it's a good investment and it'll be convenient for you. Tingnan mo ang mga kapatid mo, may sari-sarili nang mga bahay, besides pwede ka pa rin namang umuwi sa bahay ng parents mo kahit may condo ka na. It's not as if they'll kick you out just because you already have your own condo."
"Ewan, pag-iisipan ko," sabi ko sa kaniya. "Pakiramdam ko kasi malulungkot lang ako sa condo na ako lang mag-isa."
"Edi bumili ka ng aso para may kasama ka do'n, o di kaya ay maghanap ka ng makakasama, boyfriend gano'n."
"Wala akong boyfriend," nakasimangot kong sabi. "Wala tayong boyfriend pareho."
Natahimik siya nang bahagya tyaka mahinang natawa. "Oo nga pala. Tingnan mo nga naman 'no? Kung sino 'yong pinipilahan ng mga manliligaw simula pa no'ng highschool, siya pang walang asawa hanggang ngayon."
"Eh sa wala pang lalaking karapatdapat eh," I honestly said.
"Iyong mga batchmates natin nakatatlong anak na yata, pero tayo kahit boyfriend man lang, wala," natatawang sabi niya. "Alam mo, kailangan mo na talaga akong ireto doon sa mga kapatid mo, para naman makapag-asawa na ako."
"Asa ka," natatawang sabi ko. "Kahit pa hubaran kita sa harap ng mga 'yon, hindi 'yon maaakit sa 'yo. Si Shad may girlfriend na, si Kuya naman mukhang nalilibang pa sa pagdo-doktor niya."
"Eh baka naman bakla 'yang kuya mo," biro niya sa 'kin.
Napangiwi ako. "Hindi rin siguro... nagtitino lang talaga 'yon sa pagdo-doktor, kahit naman hindi niya 'yon pangarap, I'm sure he learned to love his job just like me. He sacrificed a lot for his degree, kaya ayaw niya rin sigurong magkamali."
Hindi ko man alam ang buong istorya sa buhay ng kuya ko dahil hindi naman siya pala-kwento, alam kong malaki ang naging kapalit ng pagdo-doktor niya. Maybe that's also the reason why he's so dedicated in his job as a doctor—to make that sacrifice worth it.
We're carrying pain silently—hindi namin pinapahalata, pero nasasaktan din kami. Shad is surely in the process of healing, nakikita ko nang masaya ang nakababatang kapatid ko—sana dumating ang panahon na maging gano'n din kasaya ang kuya ko... Sana ako rin...
Siguro naman, ngayon na maayos na ang pamilya namin ay susunod na rin ang lahat sa pagiging maayos.
Matapos naming kumain ni Andrea ay nagpaalam na ako dahil kailangan ko nang bumalik sa hospital, may duty kasi ako ngayon. Marami akong aasikasuhin sa hospital, marami akong pasyente. Isa pa, titingnan ko rin kung pumasok ba si Kuya at kung kumain ba siya sa tamang oras, sa sobrang workaholic kasi no'n, hindi na kumakain nang maayos.
Ito na ang routine ko araw-araw. Pumapasok nang maaga, umuuwi sa hapon o gabi, natutulog, ngunit hindi rin gano'n kahaba dahil may mga emergency sa hospital na kailangan ako. Minsan nga ay may mga pagkakataon na kahihiga ko lang sa kama ko ay nakakatanggap na naman ako ng emergency call galing sa hospital.
Hindi madali ang buhay ng isang doktor. Tila parte na sa buhay namin ang magpuyat. Araw-araw naming nagagamit ang utak namin at katawan. Araw-araw ay kailangan naming makiharap sa mga taong umiiyak, nagwawala, nagmamakaawa, galit, kabado, at kahit anong emosyon pa. Hindi lamang mga kasamahan sa trabaho ang pinapakisamahan namin kundi pati na pasyente at pamilya ng pasyente. Bawal magkamali, magpadala sa emosyon at magpadalos-dalos, isang maliit na pagkakamali lang ay maaaring malaki na ang kapalit.
I learned to love my job—but most of the time—I would ask myself... Ano kaya ang naging buhay ko kung sinunod ko ang gusto ko?
Iyong pakiramdam na masaya naman ako, pero pakiramdam ko may kulang pa rin sa buhay ko, pero hindi ko rin alam kung ano... iyon ang nararamdaman ko.
"Doc, magla-lunch ka na ba?" tanong sa 'kin ni Doctor Benitez, isang cardiologist na nagtatrabaho dito sa hospital ng mga magulang ko. He's been a good collegue to me.
"Yes, Doc," I answered him formally with a smile, medyo matanda siya nang kaunti sa kuya ko pero hindi naman nagkakalayo ang mga edad namin.
"Sabay na tayo," he said gently. "Maybe we can have a formal lunch to a good restaurant, hindi ka ba toxic ngayon?"
I smiled and shook my head. "I'm sorry, Doc. I'll be having a lunch with my friend."
Sa totoo lang, wala naman kaming usapan ni Andrea, ayoko lang talagang sumabay kay Doc Benitez. Ayaw kong nadidikit ang pangalan ko sa kaniya, hindi naiiwasan ang mga tuksuan, ayaw ko lang na mailang sa kaniya lalo na't nasa iisang workplace lang kami.
"Gano'n ba?" he still smiled at me. "Enjoy your lunch then."
"Salamat."
Agad akong bumalik sa aking opisina. Bilang anak ng may-ari ng hospital, itong opisina ko ang naging isa sa mga perks ko. My parents made sure that I'll be comfortable here that's why my office is larger than usual.
Agad na akong naglinis ng katawan at nagpalit ng damit upang makapunta na ako sa paborito kong restaurant. Mabuti na lang hindi toxic ngayon, I have free time that's why I can dine in a good restaurant, sana lang ay walang tatawag sa 'kin mamaya for some emergency, this is just a quick me-time.
After I made sure that I'm looking fine, agad akong lumabas ng hospital. Pumara na lamang ako ng taxi upang magpahatid sa restaurant na gusto ko.
"Good day, Doctor Seeholzer," bati sa 'kin agad ng crew. Sa ilang ulit kong pagpunta dito ay nakilala na ako ng mga crew, maganda rin ang serbisyo nila sa mga costumers at isa 'yon sa dahilan kung bakit gustong-gusto ko ang restaurant na 'to.
"Dito na lang po kayo, Doc," sabi sa 'kin ng crew at pinaghila niya ako ng upuan sa isang table for two.
"Salamat," nakangiting sabi ko. Iniabot niya naman sa 'kin ang menu.
"Babalikan ko na lang po kayo, Doc, para kunin ang orders niyo," sabi naman niya. Tumango naman ako bilang tugon.
I started looking at the menu as I was deciding what to eat. I'm craving for some salad right now, and I want to eat some protein too. Kunot-noo akong pumipili nang pwede kong i-order nang biglang may gumambala sa katahimikan ko.
"Excuse me, Miss? Would you mind if I'll share a table with you?"
I was stunned when I heard that familiar, deep, manly voice. I sighed and slowly looked up at him, and I was right.
The guy with tattoos!
"Oh! Arciandra!" he acted surprised, but I can tell it was scripted. "I didn't know it's you."
I rolled my eyes and I immediately got annoyed. He really is not the type of person that I will like—kahit as a friend or acquaintance.
I looked around and noticed there were plenty of vacant tables.
"May mga tables naman na bakante, bakit hindi ka do'n?" mataray kong sabi sa kaniya.
"I hate eating alone, so I wanna dine with someone."
"Oh really?" I smirked and looked around and saw a woman alone in a table who was staring at the guy. I think she's interested, great!
I stood up and walked towards the direction where the girl is.
"Hi," I smiled in the most friendly way. The girl then smiled too.
"Hello," she answered.
"May kasama ka ba?" tanong ko sa kaniya.
Mabilis siyang umiling bilang sagot habang nakangiti, and I was like partying inside as soon as I realized her answer.
"Would you mind sharing your table with that guy?" I pointed at the guy with tattoos—I don't know his name, and I have no plans of knowing him.
"Sure!" Nakita ko pa ang pagningning ng mga mata niya at ang kilig niya. Really? Ito na ba ang standard ng mga babae ngayon? Bad boy looks?
"Thanks," sabi ko tyaka ako bumalik sa table ko at binalingan ang lalaki. "Doon ka oh! Share daw kayo ng table."
He looked at where I was pointing. Akala ko ay aangal siya ngunit ngumiti lamang siya at tumango.
"Bakit hindi na lang ikaw ang kasabay ko?" tanong niya pa.
"Ayaw ko kasing makisabay sa mga di ko kilala," sabi ko sa kaniya. "Go! Enjoy your lunch."
Nakita ko siyang mahinang natawa at napailing-iling pa.
"You're so cunning, Arciandra... iba ka talaga," pahina nang pahinang sabi niya bago naglakad papunta sa table no'ng babaeng nilapitan ko.
I continued checking the menu, but I was distracted with the feeling that someone is looking at me. Ngunit kapag tumitingin naman ako sa paligid ay wala naman. I sighed and just acted unbothered.
Nang bumalik ang crew ay nag-order na ako. Nasa gitna ako ng paghihintay ng order ko nang makatanggap ako ng tawag mula sa hospital, emergency. Kaya naman wala akong choice kundi ang umalis ng restaurant, sinabihan ko na lang ang crew na ipapakuha ko na lang ang order ko, binayaran ko na lang din tyaka nagmadaling lumabas.
I waited for a taxi para makabalik na sa hospital ngunit sa kamalasmalasang pagkakataon ay wala akong mapara, tirik na tirik pa ang araw, siguro dapat ay mag-book na lang ako ng ride.
"Are you waiting for a ride?"
Bigla na namang sumulpot ang lalaking puno ng mga tattoo. Iyong totoo... pinaglihi ba siya sa kabute?
"Hindi," masungit kong tanggi. "Akala ko gusto mong kumain?"
"I changed my mind," he said with a small smile. "Gusto ko na lang magmaneho ng sasakyan."
"Okay, go, drive your car, wala namang pumipigil sa 'yo," sabi ko sabay irap.
"Hmm. Wanna ride?"
I rolled my eyes. "Lumang style na 'yang ginagawa mo, okay? Alam ko na ang patutunguhan nito, magsisimula ka sa pahatid-hatid, dito nagsisimula ang panliligaw niyong mga lalaki 'di ba?"
Mahina siyang natawa sa sinabi ko. "I'm just trying to be nice, kaysa naman matuyo ka dito sa kahihintay ng masasakyan, napakainit oh!"
"Marami namang taxi d'yan," naiirita kong sabi.
"Okay, whatever you say," aniya at tumayo pa sa tabi ko kasabay ng pagkibit-balikat niya.
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Siya itong nagsasabi na mainit, pero sinamahan niya akong mabilad dito, ano bang klaseng utak meron ang lalaking 'to?
"What do you think you're doing?"
"Waiting," he answered.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Are you stalking me?!"
"Asa," natatawang sambit niya pa. "I'm just being nice."
"Whatever!"
"Come on, Arciandra, wala kang mapapara na taxi kung tatayo ka lang dito at maghihintay kung kailan may hihinto," sabi niya pa. "Ihahatid na kita, saan ba ang punta mo?"
"Sa hospital, may emergency ako," naiinis kong sabi, naiinip na sa paghihintay, tumatakbo ang oras.
"Tara," he said and I saw him clicking the key of a car, at nakita kong umilaw ang isang mamahaling sasakyan na kulay itim sa likuran namin.
"Ayoko nga!"
"Akala ko ba emergency? Ikaw lang ang may emergency na nga, may pride pa."
"Shut up!"
"Come on, Arciandra... ako na ang nag-o-offer oh."
I closed my eyes tightly and then I looked at him sharply, nakangiti lamang siya sa 'kin, napakakulit!
"Fine!" Wala na akong ibang choice. "Pero wag na wag kang bababa ah? You'll just drop me off!"
"Sure, Arciandra."
I sighed and rolled my eyes, bakit ba iba ang dating ng pangalan ko kapag siya na ang sumasambit?
Ngayon lang 'to, ngayon lang talaga, kailangan ko lang bumalik agad sa hospital, pero pagkatapos nito, iiwasan ko talaga ang lalaking 'to. He's not good for me, alam ko 'yon, kaya habang maaga pa, dapat ay umiwas na ako.