Chapter 13 & Announcement

2792 Words
"H-HINDI ko talaga alam," umiiling na sabi ko, naguguluhan sa lahat. "I'm sorry, Kaizer—I can't tell if I'm in love, I don't know what exactly should I feel to conclude that I'm in love." Ano bang dapat kong maramdaman para masabi kong mahal ko na talaga siya? Ayokong magbitaw ng salita habang hindi pa ako sigurado. Naramdaman kong tinutuyo niya pa rin ang luha ko, seryuso pa rin siyang nakatingin sa 'kin, tila pilit niyang inuunawa ang lahat kahit na napakalabo naman talaga. Sa totoo lang, may nararamdaman naman ako eh, pero tama ba ako sa pag-intindi ng nararamdaman ko? What if I'm wrong? I will surely hurt him. Does he deserve that? Tingin ko hindi, that'll be so unfair for him! "Do you want me to leave?" tanong niya ulit sa 'kin matapos niyang huminga nang malalim, pilit nililinaw ang lahat. "H-Hindi," emosyonal kong sagot. "Dito ka lang... I got used to your presence—hindi ko alam kung mahal din kita, pero gusto kitang makasama palagi. I know it's too much to ask you to stay… p-pero pwede bang… p-pwede bang wag kang umalis? Wag kang lumayo?" "Really?" Mabilis kong pinunasan ang luha ko. I don't want to be selfish for making him stay without an assurance that our feelings are mutual… pero paano kung mahal ko nga siya? "I-I need more time, Kai," I said hoping that he'll understand. "I-I don't know what's with you but you're affecting my whole sense so much... I wanna know you more, I wanna be with you—" Hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin dahil niyakap niya na ako nang mahigpit, niyakap ko rin siya pabalik. "Okay, that's enough for me," sabi niya at mahinang natawa. "Let's not pressure ourselves, let's take this slow, okay? Let's be gentle." Napakunot-noo sa let's be gentle niya, iba na naman ang naisip ko kaya nawala bigla ang kadramahan ko. Sa mga librong nababasa ko, 'yan ang pinaka-common na scam ng mga lalaki—of course iba naman ang ibig niyang sabihin—sadyang madumi ng utak mo, Arciandra! "Let's be gentle, Arciandra… I'll be gentle with you," pahina nang pahina na sabi niya na ikinatuyo ng lalamunan ko, para akong sinilaban lalo na nang may ibang pumasok sa isip ko. "Kai…" "Just kidding," aniya tyaka humagikhik. Sa inis ko ay sinuntok ko ang kaniyang dibdib, hindi niya naman ininda dahil nagtuloy ang tawa niya. "I hate you!" nakanguso kong sabi. "Wag ka nang magalit," nanunuyong sabi niya habang pinipigilan ang tawa. "Liligawan na lang kita kasi pinilit mo ako." Naiinis ko siyang tinulak at bumulalas siya ng tawa, ngayon ay mas malakas na kompara sa kanina. Ang lalaking 'to talaga, madalas nakaka-bwesit! "Bumaba ka na nga do'n!" pasinghal kunyaring sabi ko. "This is my bedroom, my private space! Bakit ka nga pumasok dito?" "Galit ka eh," rason niya pa. "Malay ko kung may gusto kang gawin kasama ako, pwede naman 'yon, Arciandra, handa naman ako." Inirapan ko siya. "Calm your manhood down, Mr. Bruekner! I never planned on surrendering myself to you this early!" "Later then," pilyong biro niya. "Hindi ko naman sinabing ngayon agad, pwede rin namang mamayang gabi." "Ewan ko sa 'yo!" singhal ko. "Sige na, bumaba ka na do'n, maliligo ako. Maligo ka na rin, you smell gross!" "I smell like your future, Arciandra." "Whatever! Labas!" Hindi ko alam kung lumabas ba siya ng kwarto ko, basta ako ay dumiretso na sa banyo upang makaligo dahil pakiramdam ko'y nanlalagkit ako dahil sa pawis at luha. I did everything that I need to do especially my morning routine, paglabas ko ng banyo ay wala naman na si Tattoo Boy kaya naman pinagpatuloy ko na ang pag-a-apply ng kung anu-ano sa mukha ko at balat. When I felt content with my appearance, that's when I decided to go down and I saw Kaizer immediately in my kitchen, mukhang nakaligo na rin siya. Napatingin ako ulit sa braso niya at naalala ko ang mga pinaniniwalaan kong peklat doon. "Let's eat. You took much time getting ready, medyo malamig na ang mga pagkain na pinahatid ko dito mula sa baba," sabi niya sa 'kin. May maliit na restaurant kasi sa baba na exclusive para sa mga nakatira dito, doon kami bumibili kapag sobrang busy ko sa mga orders at nagutom kami. The only thing is that, the food there is limited, parang paulit-ulit lang ang mga putahe na isini-serve nila kaya minsan din ay bumibili kami sa labas. Ang counter na ginawa naming mesa. I have a small dining table but it's full of my stuff that I use for baking, especially the cake toppers that I've ordered online. "Don't you have hangover?" tanong ko sa kaniya. "Nawala na," sagot niya sa 'kin. Inalalayan niya naman akong maupo sa highchair bago siya umupo sa highchair niya. Parang walang nangyari, normal pa rin ang kilos niya, walang nagbago. He even served me the food, nilagyan niya ako ng pagkain sa plato ko, ngunit hindi ko napigilan na tingnan ulit ang braso niya, muli ko na namang bumagabag sa isip ko ang mga napansin ko kanina. "I don't wanna be nosy... but I noticed your arm," sabi ko, hindi na napigilan ang sarili. "Parang... m-may mga peklat?" Nakita ko siyang natigilan, napatingin rin siya sa kaniyang braso at ilang sandali pa ay hinaplos niya 'yon. "Bakit ka may mga ganiyan?" tanong ko sa kaniya. He pouted his lower lip as he checked his arm using his hand then he shook his head and looked at me. "Wala 'to... mga nakuha ko lang sa pagkapasaway." Tiningnan ko ang mukha niya, sinuri kung nagsasabi ba siya ng totoo. "Let's eat?" pagyaya niya, halatang umiiwas sa usapan. I've met a lot of people, and I think I know some signs when someone is lying. Arphaxad, my brother, is good at this, and I think I have a little skill as well. "Sabi nila, lahat ng tattoo sa katawan, meaningful," malumanay na sabi ko sa kaniya, pilit binubuksan ang kwento, nagbabakasakaling may masabi siya sa 'kin. "Andami mong tattoo, lahat ba 'yan may meaning?" Tiningnan niya naman ako, pansin ko ang pagdadalawang-isip niya na sumagot. "Yeah," sagot niya at itinuon na ang atensiyon sa pagkain. I waited for him to talk more, to explain even one or two of his tattoos, pero hindi 'yon nangyari, kumain lang siya nang kumain, hindi man lang ako nagawang tingnan. Naramdaman ko na ayaw niyang magkwento, parang hindi siya komportable sa mga tanong ko, kaya naman hindi ko na lang muna ipinilit. Kumain na lang kaming dalawa nang tahimik. "What are your plans for today?" tanong niya sa 'kin. "Magbi-bake," sagot ko. "Andami ko kayang orders, tatlong wedding cakes, puro pa mga fondant, then maraming-maraming cupcakes, bukas agad idi-deliver kaya dapat magawa ko na ang base today pati na ang mga details." "You're improving," komento niya, tila agad nakalimutan ang mga tanong ko tungkol sa mga peklat niya. "Looks like your customers are liking your cakes." "Sarap kasi," pabirong sabi ko pa, bagaman nasa isip ko pa rin ang mga tanong ko tungkol sa kaniya. "A-As long as I provide good service, good product and… fair cost, babalik talaga ang customers." "Right," sang-ayon niya pa. "You're doing great. Good thing you know that." "It's a good advice from a good friend," kwento ko na ang tinutukoy ay si Andrea. "Sabi niya, kahit kunti lang ang tubo, basta marami at bumabalik-balik ang customers, okay na 'yon. Sa totoo lang, libangan ko lang din naman talaga 'to, I don't wanna brag, but money is not a problem for me. I'm even planning to donate my profit to a charity, pero hindi muna sa ngayon, palaguin ko muna." "Hmm, I see," sabi niya pa habang tuloy-tuloy ang pagkain niya na para bang sarap na sarap siya sa pagkain. Napabuntong-hininga ako. "Alam mo, sana talaga makapagtayo ako ng sarili kong brand ng mga cakes at pastries... coffee shop, kahit maliit lang muna... sana makakuha ako ng magandang pwesto." "It'll happen," sagot niya sa 'kin. "Slow progress counts, remember that. "I think you should also improve the packaging of your products," dagdag niya. Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. "Bakit? Hindi ba maganda?" tanong ko. "Okay lang naman," sagot niya. "But I think we need to add something to promote your brand, put some stickers or logo of your branding on the cake board or box... just simple things that'll be displayed para ma-inform ang mga tao kung saan galing 'yong cake, malay mo, sa mga guests sa mga okasyon may magkagusto sa cake mo, so they'll search for you and inquire." Napaawang ang labi ko. "Just like in a private hospitals," dagdag niya pa, giving me a more relatable example. "Hindi ba halos lahat ng mga gamit doon may tatak ng pangalan ng hospital lalo na 'yong mga ibinibigay na talaga nila sa mga pasyente, from thermometer, personal hygiene kits and others? Sa hotels rin ay gano'n... one of the purpose of that is to promote their brands, libreng advertisement." Hindi ko napigilang humanga sa mga sinabi niya. Negosyante nga siya, hindi na lang ako nagsalita, wala akong masabi. "Magpagawa tayo ng sarili mong logo, 'yon ang gawin nating sticker mo," dagdag niya pa. Ngumiti naman ako bilang pagsang-ayon. Naging instant helper ko na talaga siya dito sa pangarap ko: kung hindi siya tagabuhat ng mga pinamili ko, driver naman siya, kasama ko sa paghahatid ng mga orders, ngayon naman ay adviser ko sa negosyo. Dati-rati ay hinusgahan ko pa siyang masamang tao dahil lang punong-puno siya ng tattoo at sa bar kami unang nagkita kung saan umiinom siya, hindi nga talaga nahuhusgahan ang tao sa pisikal lang. First impression don't last, dahil may mga taong di nahahalata 'yong galing at abilidad sa itsura—katulad niya. Who would've thought that behind his arrogant physical appearance is a very amazing man? "You're looking at me as if you're so in love with me, Arciandra," biglang basag niya sa malalim kong pag-iisip na hindi ko rin napansin. "I'm flattered." "Whatever," sabi ko kasabay ng pag-irap dahil wala na rin akong masabi. Matapos namin kumain ng agahan ay agad na akong nag-asikaso para sa mga gagawin kong cake. "Kai, kulang pala ako ng ingredients, pwede mo ba ako bilhan?" pakisuyo ko sa kaniya. "Bayaran kitang pang-gas—" "What do you think of me? Your driver?" sarkastikong tanong niya, nasa sala ko lang naman siya nanonood ng TV. "Here's the list of the ingredients that I need," sabi ko na hindi na pinansin ang sarkasmo niya. "And here's the money, bawasan mo na ng pang-gas." Ngumiwi siya sa sinabi ko, hindi na nagreklamo, kinuha na ang pera at 'yong listahan at agad nang umalis. Ang totoo ay hindi ko pa naman talaga kailangan ang mga ingredients na 'yon, sinadya ko lang talaga siyang utusan para umalis siya at maisagawa ko ang plano ko. Matagal ko na rin itong pinagplanuhan, lalo na no'ng maalala ko na sinabi niyang hindi siya sigurado kung kailan ang birthday niya, ibig sabihin, sa pagkakaintindi ko ay hindi siya nagsi-celebrate ng birthday. Nakikita ko rin kasi siyang tumitingin sa mga birthday cakes na ginagawa ko, at nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya, naaawa ako sa tuwing iniisip kong hindi siya nagsi-celebrate ng birthday, dahil para sa 'kin isa 'yon sa pinaka-espesyal na araw para sa isang tao. Hindi naman gano'n kabongga ang plano ko, simpleng surprise lang para mapasaya siya, bilang pasasalamat na rin sa mga tulong niya sa 'kin, hindi ko kasi alam kung makaka-survive ba ako sa maliit kong negosyo kung wala siya. I immediately wrote the simple "Happy Birthday, Kai!" in a cursive form on the cake. I just made a final touch for it and it's now ready. Inilagay ko na sa counter, nilagyan ko lang ng kandila para sisindihan na lang. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang ini-order kong pizza, halos mahimatay pa nga ako sa kaba dahil akala ko ay siya na. I worked double time, I couldn't imagine that I can move this fast. Sa taranta ko nga ay hindi na ako makapag-isip nang tama kung nasaan na 'yong binili kong pan-design no'ng nakaraan. I bought some letters that says Happy Birthday the last time we went to the grocery store, kaya inilagay ko na rin sa gilid ng counter ko nang sa wakas ay makita ko, sinigurado kong makikita niya talaga pagkapasok niya, hindi ko na rin napantay sa sobrang pagmamadali dahil limitado lang ang oras, tapos mas nakakadagdag pa ng pressure na pagbukas ng pinto ay makikita niya agad ang kusina ko. "Arciandra?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong bumukas ang pinto, kasabay ng pagtawag niya sa 'kin. Nakita ko siyang isinasara ang pinto, parang hindi niya pa nakikita ang surprise ko. Kaya naman pagharap niya ay nakita ko agad ang reaksiyon sa mukha niya, nanlalaki ang mga mata niya at bahagyang nakaawang ang labi, hindi rin siya nakahakbang agad. "Happy Birthday!" I said trying my best to sound jolly. Sinindihan ko ang kandila ng cake tyaka ako lumapit sa kaniya nang dahan-dahan. I started singing the common birthday song too hanggang sa tuluyan akong makalapit sa kaniya. Napansin ko agad ang pamumula ng mukha niya. "I don't know your favorite flavor, but I hope you'll like this cake, nakita ko naman na nagustuhan mo ang chocolate eh. Happy birthday ulit!" Hindi pa rin siya nakapagsalita, hindi nga nakagalaw, nakatingin lang siya sa 'kin at sa cake habang pansin ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata niya. "Bakit di ka makaimik d'yan? You didn't like it?" tanong ko habang natatawa. Mabilis siyang umiling. "No," sagot niya, nagpipigil ng emosyon. "I just... I just don't know what to feel right now..." Seeing him being this soft, I couldn't help but let my heart melt for him. Parang hinahaplos ang puso ko, alam kong masaya siya. "Bakit?" I still managed to ask. He laughed softly as he tried to dry his tears. "I... I don't celebrate birthdays, Arciandra... because I hate birthdays... and I don't like remembering my birthday." Ibig sabihin… Alam niya kung kailan talaga ang birthday niya? Pero ayaw niya lang alalahanin? Bahagya akong natigilan, parang may pumitas sa puso ko, ngunit nangibabaw ang mga tanong sa isip ko tungkol sa kaniya. "Why?" Bakit? Anong nangyari? "Because... I never had a happy one... even once in this lifetime... a-and I thought that... maybe birthdays are..." Pagak siyang natawa at tiningnan ako paulit-ulit ang pagtulo ng luha niya. "Are only for those people who are loved… and I think… no one ever loved me truly—not even once, kasi kung meron man… h-hindi sana ako mag-isa, Arciandra." Parang piniga ang puso ko sa kaniyang sinabi, naluha rin ako pero pinilit kong ngumiti para sa kaniya para pasayahin siya. He started sobbing like a kid, tuloy ang pag-iyak niya sa harapan ko, at pati ako ay nahawa na, pero pinilit kong tatagan ang emosyon ko. "Blow mo na ang candle mo," sabi ko habang pinipigilan ang sarili kong umiyak, pinilit ngumiti, kahit sobrang nasasaktan na para sa kaniya. "Don't forget to make a wish." Ngumiti naman siya at huminga nang malalim, pinunasan ang luha niya bago niya hinipan ang kandila, tinitigan niya pa ang cake, tila binasa ang nakalagay do'n. "So, it's really for me..." aniya na hindi pa rin makapaniwala. "Oo nga," sabi ko, natatawa na habang tinutuyo ko rin ang luha ko ngayon na siya na ang may hawak ng cake. He looked at me with his grateful eyes, he smiled and I was shocked when he suddenly hugged me. "Thank you..." bulong niya sa 'kin. "I will never forget this day, Baby..." ANNOUNCEMENT Sa lahat ng mga naghihintay na matapos ang To Tame Arciandra, I'm happy and proud to say that To Tame Arciandra (Arciandra and Kaizer's Story) is now COMPLETED? The Exclusive Group is still OPEN for those who are interested to JOIN and read the FULL story of TO TAME ARCIANDRA. Feel free to message us (HeartlessJace Writes and HeartlessJace) if you have any questions about the membership. I am very thankful sa lahat ng sumuporta sa story ng #KaiCian, To Tame Arciandra, palagi akong nagpapasalamat sa inyo dahil bukod sa napapasaya niyo ako, naipagpapatuloy ko rin po ang pag-aaral ko sa college. To everyone who are already members of To Tame Arciandra Exclusive Group, maraming-maraming salamat po talaga. At sa lahat na mga sasali pa lamang, HIHINTAYIN namin kayo sa ating Exclusive Group. Muli, maraming-maraming salamat po! -HeartlessJace P.S. Ito na po ang pinakahuling update nito dito. Maraming-maraming salamat po sa suporta ninyo, I just posted this to serve as an announcement to those who asked for information about this. Salamat<3

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD