"D'YAN na lang sa tapat ng gate ng subdivision," I told him as soon as the gate became visible to my eyes.
"Are you sure?" he asked in a concerned way. "Hindi ba malayo ang bahay niyo?"
"I can manage," I insisted. "I'll just call our driver to pick me up. My parents shouldn't see you, baka isipin pa nilang I'm dating someone."
"So, I'm a dirty little secret now," mapaglarong sabi niya. "We're not dating, bakit ka naman matatakot sa parents mo? Bawal ka pa bang mag-boyfriend, Arciandra?"
"No!" mabilis kong sabi. "I just don't want my parents to conclude things, alright?"
"Why? Because I'm not the kind of person that you can be proud of?" walang emosyong tanong niya. "Dahil hindi ako desenteng tingnan?"
"No," mabilis kong sabi. Hindi naman kasi 'yon, ayoko lang talagang ma-issue, kahit naman sinong lalaking naghahatid sa 'kin dito ay hindi ko hinahayaang ihatid ako sa mismong tapat ng bahay namin, but why would I explain anyway? "Can you just drop me off?"
"Okay," walang nagawang sabi niya tyaka inihinto na ang sasakyan. "Thank you for the time and the chance, Arciandra... I hope you enjoyed this night with me."
Nilingon ko pa siya saglit, tyaka ko lang naalala na ito nga pala ang una at huling pagkakataon na magkasama kaming dalawa ayon sa napagkasunduan namin. Hindi ko nagawang bumaba muna, somehow, I felt the urged to do something especially when I remembered our conversation earlier in the restaurant.
Hindi ko na napansin ang sarili kong bigla na lang siyang niyakap nang mahigpit. Napansin kong bigla siyang nanigas sa kaniyang kinauupuan, ngunit naramdaman ko rin ang braso niyang niyakap ako pabalik.
Hinaplos ko ang kaniyang likod, it felt so natural, pakiramdam ko ay kailangan niya ng comfort lalo na sa lungkot at sakit na naramdaman ko kanina sa kaniya no'ng nagkukwento siya tungkol sa pangarap niya noong bata pa siya.
"I'm sure that he's proud of you," I said in a soft voice trying to comfort him and making him feel and know that he have done his best. "You've grown so much and you're now successful, your inner child is so happy."
"Thank you," bulong niya sa 'kin. "Thank you for the time, Arciandra."
Kumalas ako ng yakap at naupong muli sa aking upuan, ngumiti ako sa kaniya, pakiramdam ko'y gusto ko pa siyang mas makilala, there's something in him that I'm interested with, but we have to stick with our deal, hindi niya na ako guguluhin. I guess that's fine? People just come and go.
"Salamat rin," I said with a smile. "Aalis na ako—"
"We'll still see each other, right?" pahabol niyang tanong.
Natigilan naman ako at tiningnan ko siya. "Akala ko ba last na 'to? You said you'll stop bugging me after the dinner."
Natigilan naman siya at ilang sandali pa ay pilit na ngumiti bago sumagot, "Right..."
"I have to go, ingat ka... and salamat."
"Take care too," sagot niya naman sa 'kin.
Tuluyan akong bumaba sa sasakyan, I waved my hand, kahit ngayon lang ay hindi muna ako magsusungit, total last na rin naman. Naglakad ako papasok ng gate, nilingon kong muli ang kaniyang sasakyan na ngayon ay nakaandar nang muli ang makina. I don't know why I feel a sudden discomfort inside me, I felt like something is missing especially when I saw his car started moving away.
Wala na akong nagawa nang tuluyan nang makaalis ang kaniyang sasakyan, bumuntong-hininga na lamang ako.
Come on, Arciandra, collect yourself up! You should be on your right mind!
I was about to call our family driver para magpasundo na dito sa gate pero nakatanggap ako ng tawag kay Andrea, kaya naman agad ko nang sinagot.
"Hello?"
"Hey, Arciandra!" puno ng energy agad na sabi niya, mukhang masayang-masaya at excited na excited ang kaniyang tono. "Girl! Guess what?! I have a very good news for you!"
Napakunot-noo naman ako sa kaniyang sinabi, hindi pa man ako nakakapagtanong ay agad na siyang nagsalita ulit.
"Nahanapan na kita ng condo! It's perfect! Medyo malapit lang sa workplace mo, malapit lang sa mall, accessible rin ang iilang magagandang restaurant at salon. Nang malaman ko ang tungkol dito naisip agad kita!"
"H-Ha?" I was in shock. "Wait, hindi ko naalalang nagpahanap ako sa 'yo ng condo... sabi ko ay pag-iisipan ko muna kung bibili ba ako, kasi baka useless lang din dahil hindi rin naman matitirahan."
"Kaya nga, hinanapan na kita para mabuo na ang isip mo," tuwang-tuwa niya pang sabi, rinig ko pa nga ang palakpak niya sa kabilang linya. "Oh my God, Arciandra, for sure magugustuhan mo ito, tahimik, secured! Basta! Kailan ka ba free? Puntahan na natin baka maunahan ka pa."
"Teka lang," naguguluhang sabi ko, pilit na pinagsi-sink-in sa isip ko ang mga impormasyong sinabi niya.
"I'll take that as a yes, Girl," aniya pa, paladesisyon rin talaga ang kaibigan kong 'to. "Susunduin kita d'yan sa bahay niyo tomorrow? Nasa bahay niyo ba ang kapatid mo? Or kahit sa hospital na lang, pupuntahan kita!"
"Ewan ko sa 'yo, Andrea," sabi ko at natawa na lamang dahil wala na rin namang magagawa. "I'll text you kung kailan ako pwede, alam mo naman busy ako sa hospital."
"Sure, Girl, ako na magsusundo sa 'yo d'yan sa bahay niyo, or pwede rin isama mo na lang ang kuya mo," biro niya pa sa kabilang linya sabay bungisngis na para bang kinikilig.
"Wala ka nang aasahan sa kuya ko, nakatali na sa hospital ang puso no'n," masungit kunyaring sabi ko sabay tawa.
Matapos ang ilang palitan ng kakulitan ay binaba ko na ang tawag. Saglit akong nag-isip. Tingin ko hindi rin naman siguro masama 'yong suhestiyon niyang kumuha ako ng sarili kong condo, good investment rin naman 'yon. Tyaka malay ko baka swertehin at payagan si Kuya Pio ni Daddy na bigyan ako ng break, edi doon na lang ako sa condo tatambay at magbi-bake.
Well, titingnan ko pa lang naman kung magugustuhan ko ang condo na sinasabi ni Andrea.
Agad ko nang tinawagan ang driver namin at nagpasundo na.
Nadatnan ko naman ang bahay namin na sobrang tahimik, malamang ay tulog na ang mga magulang ko, hindi na nila kami hinihintay na makauwi dahil madalas naman ay tuloy-tuloy na ang shift namin at every other day na kami nakauuwi. Mas maluwag nga lang ang schedule ko ngayon kahit papaano, may perks ako dahil mga magulang ko ang may-ari ng hospital, pero syempre nagri-reflect din 'yon sa sweldo ko.
Si Kuya Pio ay hindi naman gano'n kadalas umuwi dito sa bahay dahil may sarili naman na siyang condo, 'yon nga lang mag-isa lang din siya doon kaya umuuwi pa rin siya dito kapag maluwag-luwag ang oras niya.
Simula noong umalis ang bunso naming kapatid na si Shad dahil pinili niyang sumuway sa gusto ni Daddy para sa kaniya, mas naging malungkot ang bahay namin. Abala ang mga magulang namin sa negosyo at trabaho, at minsan na lang rin kami maging kompleto, kapag naman nakakasama namin si Shad ay nag-aaway lang din sila ni Daddy.
Kaya naman sobrang saya namin ngayon na nagkaayos na sila, paulit-ulit ko talagang ipagpapasalamat 'yon kay Shandi na karelasyon ni Shad—I don't really know the real score between them, but I've seen enough to conclude that they're more than friends.
"Good evening, Miss Cian," bati sa akin ng isang kasambahay na s'yang sumalubong sa akin.
Binati ko naman siya pabalik at nginitian, nauna naman siyang maglakad sa akin papunta sa aking kwarto ngunit agad ko siyang inawat.
"Okay na po, Ate, salamat po," sabi ko sa kaniya.
Kapag umuuwi kami dito sa bahay lalo na kapag galing sa hospital, sinisigurado namin na wala kaming hahawakan na mga bagay-bagay, dapat ay diretso kami sa banyo upang makapaglinis ng katawan, pati pagbukas ng pinto ng aming kwarto at aming banyo ay katulong na ang gumagawa, hindi rin kami humahawak, humahalik o kahit lumalapit man lang sa kahit sino, gano'n kaselan ang pamilya namin, pinoprotektahan lang din namin ang mga nandito sa bahay laban sa ano mang bacteria na nadala namin galing sa hospital.
Kaya naman hangga't may oras pa at may dala naman kaming gamit ay naliligo na kami doon sa hospital pa lang, minsan naman ay sa condo ng mga kapatid ko ako nakikiligo.
Nang makapasok ako sa aking kwarto ay agad rin akong dumiretso sa bathroom, hinanda ko agad ang aking bath tub, tinimpla ang temperatura ng tubig na gusto ko at nilagay ang mabangong sabon.
Kinuha ko din ang libro ng paborito kong author na si Vida at inilagay sa maliit na mesa sa tabi ng aking bath tub. Gusto kong makapag-relax ngayon kaya magbababad ako at magbabasa, this is one of my ways to relieve my stress, pakiramdam ko kasi kapag nagbabasa ako ay nadadala ako sa kahit saang lugar, nadadala ako sa mga eksena, nararanasan kong ma-in love, at nakakatagpo ako ng mga lalaking alam kong pangarap ng karamihan.
Nang maihanda ko na lahat ng kailangan ko ay tyaka ko isa-isang hinubad ang mga damit ko. Saglit akong natigilan nang makita ko ang sapin ko sa paa—sh*t!
Bigla kong naalala na ang sapatos ko! Naiwan ko ang sapatos ko sa sasakyan ni Kaizer! D*mn it! That pair of shoes is very important to me dahil regalo pa 'yon ni Kuya Pio sa akin! OMG!
"Angtanga mo, Arciandra!" agad kong sabi sa aking sarili. "Bakit ba hindi mo naisip na dalhin 'yon?"
Napabuntong-hininga na lamang ako habang iniisip ko kung paano ko pa mababawi ang sapatos kong 'yon. That's a limited edition from my favorite luxurious brand, and it was a gift from my brother!
"Gosh!" maarte kong sabi. Huminga ako nang malalim, pinikit ko ang mga mata ko upang pakalmahin ko ang sarili ko. "Okay, relax, makikita mo pa naman si Kaizer, you'll get your shoes, Arciandra."
Nagbabad na lamang ako sa bath tub at pinilit ko na lang ang sarili kong mag-focus sa pagbabasa. Ngunit hindi ko alam kung dahil ba ito sa sapatos, maya't-maya kasi ay pumapasok sa isip ko nag lalaking puno ng tattoo na 'yon, kaya naman hindi pumapasok sa isip ko ang binabasa ko, napapansin ko na lang ang sarili kong natutulala.
"I hate you!" I shouted at myself. Naghilamos pa ako upang mahimasmasan, ngunit naiinis lang sa tuwing naiisip ko ang mga pangyayari kanina—lalong-lalo na ang pagyakap ko sa kaniya.
Bakit ko nga ulit ginawa 'yon?!
"I really hate you, Arciandra, hindi na kita kilala!" naiinis kong sabi sa aking sarili at padabog nang umalis sa bath tub, pumunta ako sa shower at binuksan 'yon, halos mangisay pa ako sa lamig ng tubig pero nasanay rin ako, mabuti nang malamig nang mahimasmasan naman ang isip ko.
Sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko ay nakikita ko ang mukha niya, at bumibilis ang t***k ng puso ko.
What the hell is wrong with me? Seriously, Arciandra? Dinala ka lang sa dinner nagkakaganito ka na?!
Natapos na lang akong maligo, hindi pa rin nawawala ang inis ko sa sarili ko, kaya naman pagkatapos kong patuyuin ang buhok ko ay pabagsak na akong nahiga sa kama at pinilit ang sarili kong matulog.
Buti na lang nakatulog rin ako kahit pahirapan.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising upang mag-asikaso dahil duty ko na naman sa hospital, ganito na lang talaga ang takbo ng buhay ko.
Paglabas ko ng kwarto ko ay dumiretso ako sa dining kung saan ko nakita si Mommy na nag-aalmusal.
"Where's Dad?" I asked Mom.
"Nandoon sa hospital, emergency, kaninang madaling araw pa umalis," sagot niya naman, hindi na rin ako nagulat, ganito talaga ang buhay ng isang doktor, lalo na sila Daddy at Mommy na mga surgeon.
"I have to leave early, Mom," I said to her, lumapit lang ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. "Doon na lang din ako sa daan mag-aagahan."
"Okay," walang pagdadalawang-isip na sabi ni Mommy. "Please check you brother, baka hindi pa nag-aagahan 'yon."
"Sure, Mom," sabi ko at tuluyan nang nagpaalam.
Naghihintay na rin sa 'kin ang driver namin paglabas ko kaya naman agad rin kaming umalis papunta sa hospital, dumaan lang kami sa isang café para bumili ng pagkain.
Pagkarating ko sa hospital ay dumiretso ako agad sa opisina ni Kuya Pio, tatawagin naman kasi ako ng sekretarya ko kung sakaling kailangan na kailangan talaga ako.
"Kuya?" I called him as soon as I entered his office, but I was stunned when I saw my father there, nag-aagahan sila ni Kuya Pio.
"Dad!" I called, agad akong lumapit at yumakap sa kaniya.
"Hey, Darling," sabi niya naman.
"Nakakainis," nakanguso kong sabi habang nakatingin sa pagkain nila. "Bumili pa naman ako ng breakfast, akala ko magsasabay kami ni Kuya."
"Join us," sabi naman ni Dad.
Kumuha na lang ako ng upuan at naupo na rin tyaka ko isa-isang kinuha ang mga nabili kong pagkain.
"We're talking about your leave, by the way," Kuya Pio said in the most professional way, minsan nakakalimutan ko nang kuya ko pala 'to sa sobrang professional. "And, Dad agreed."
"What?!" Agad akong sumigla sa kaniyang sinabi. "Omg! Thank you so much, Daddy! Kuya!"
"May papalit sa 'yo," sabi ni Dad. "But that doesn't mean that you're free to leave this hospital. Payag na akong hindi mo na muna ipo-pursue ang pagdo-doktor, kung masaya ka talaga sa pagbi-bake."
"Yes!" masaya kong sabi, naluluha pa, kulang na lang ay magtalon-talon ako sa sobrang saya. "Daddy, thank you so much—"
"Promise me that you will help Pio with the management of this hospital, sa inyo ko ipagkakatiwala 'tong hospital," sabi ni Daddy sa 'kin. "So, kahit na hindi ka na magiging hands-on sa mga pasyente, kailangan alam mo pa rin ang mga nangyayari dito sa hospital."
"Sure, Dad!" masayang pagpayag ko. Niyakap ko pa siya nang sobrang higpit. "Thank you so much, I promise, I'll be responsible and I'll make you proud. Salamat, Daddy."
Hinaplos niya naman ang likod ko at hinalikan niya ang noo ko.
"Kulang pa ang lahat ng 'to para makabawi ako sa inyo, I shouldn't have forced you to pursue things that doesn't really make you happy," mahinahon ngunit madrama niyang sabi. "I'm sorry."
"It's okay, Dad," sabi ko sa kaniya. "Minahal ko rin naman ang pagiging doctor eh... pero mas masaya nga lang ako sa pagbi-bake."
"Si Daddy lang ba ang pasasalamatan mo?" parang nagtatampo pang sabi ni Kuya kaya naman natawa ako at agad ko siyang nilapitan at niyakap.
"Thank you, Kuya," malambing kong sabi bagaman emosyonal. "May libre kang cake sa 'kin, promise."
"Anything for you," sabi niya naman. "Kahit sobrang arte mo, you know that I love you so much, and I'll do everything for you."
"Sus," inirapan ko siya at tinampal pa ang kaniyang t'yan. "Sinasabi mo lang 'yan kasi wala ka pa namang girlfriend."
"Whatever you say, Arciandra."
"Ireto na lang kita sa friend ko, Kuya?"
Bahagya niya akong itinulak, lumayo siya sa 'kin.
"Tigil-tigilan mo ako d'yan, Cian," seryuso niyang sabi. "I don't need headaches."
Tinawanan ko na lamang siya, sobrang saya ko ngayon kaya ayaw kong haluan ng pang-aasar. Finally, this is a good start, I'm now free to pursue my dream—sana nga ay para sa 'kin talaga ito.