Chapter 7

2368 Words
MATAPOS naming mag-agahan ay pumunta na ako agad sa aking opisina upang masimulan ko nang mailigpit ang iba kong mga gamit, ngayon din kasi maglalabas ng memo si Kuya Pio tungkol sa pag-alis ko sa medical team. I'm very excited, ngayon pa lang ay binibilang ko na sa daliri ko ang mga cakes, cupcakes, cookies at kung anu-ano pang magagawa ko. Binibilang ko na ang mga magiging costumer ko. Kung pwede lang ay baka kanina pa ako nagtitili at nagtatalon sa sobrang saya. "This is it, Arciandra!" masayang sabi ko sa sarili ko kasabay ng paghinga nang malalim. Grabe, hindi ko akalain na ganito pala 'yon kasaya—ang maging malaya na gawin ko ang gusto ko. Saglit na natigil ang pagsasaya ko nang biglang may narinig akong kumatok sa aking opisina. Ilang sandali pa ay pumasok naman ang aking sekretarya. "Doktora, natanggap ko na po ang memo galing kay Doctor Seeholzer..." bakas ang lungkot sa mukha niya habang sinasabi ito. "Ibig po bang sabihin nito ay wala na rin po akong trabaho?" "What?" natatawa kong tanong. "Sharmaine, what kind of question is that? Hindi naman ako fully aalis sa hospital na 'to. You don't have to worry about your job, you're still my secretary. Mas kailangan pa nga kita ngayon dahil more on paper works na ang trabaho ko dito sa hospital." "Talaga po, Doktora?" tila nakahinga nang maluwag na sabi niya. "Salamat po, Doktora!" "At dahil madadagdagan ang trabaho mo sa 'kin, padadagdagan ko ang rate mo, pag-usapan na lang natin 'yan sa susunod, okay? Tulungan mo muna ako ditong magligpit." "Salamat po, Doktora!" "You're welcome," sabi ko sa normal kong maarte na tono. Tinulungan na ako ng sekretarya ko, nang mabagot ako sa pagliligpit ay nagpaalam muna akong magpahangin na muna sa labas. Naglalakad-lakad ako sa hallway nang bigla ay umakyat ang dugo ko sa ulo dahil may biglang bumangga sa 'kin na muntik pa akong napasalampak sa sahig. "Oh my God! Watch out!" maarte kong sabi sa kung sino man. "Can you please be careful—" "Arciandra!" Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang nakabangga ko, at unang pumasok sa isip ko ang sapatos ko. "What are you doing here?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa 'kin. "It's good to see you, what a coincidence!" Coincidence? "Nandito ako para magpa-check-up, Doktora," sabi niya pa sa 'kin sabay pagtaas ng kilay. Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa, ngunit mukha naman siyang okay. "I see," tatango-tangong sabi ko. "Aren't you a doctor?" tanong niya pa. "I am," nakangiting sabi ko. "Gusto mo sa 'kin magpa-check-up?" "Yes! Yes, Doktora," nakangiti niya pang sabi. I don't want to assume but judging him, it seems to me na ako talaga ang pakay niya rito, he looks like he's very sure of what he just answered. "Why? What's the matter?" I acted concerned. "Are you pregnant? May matres ka ba, Kaizer? You need some help with birth control, childbirth, menstruation?" Natigilan siya at nanlaki ang mga mata, tila hindi inaasahan ang sarkasmo ko. "I'm an ob-gyn," nakangiting sabi ko. "Oh," tila nataohang sabi niya tyaka natawa at napakamot sa ulo. "I forgot, I'm fine, I don't need a medical check-up, Doktora." Tumango naman ako at ngumiti. Palusot, hindi na lang sabihin na ako talaga ang hinahanap niya dito. "If you want I can refer you to a doctor that you need," sabi ko sa kaniya, sinasakyan ang palusot niya. "Hindi na," mabilis niyang tanggi. "Okay, ikaw ang bahala," sabi ko sa kaniya. "By the way, naiwan ko nga pala ang sapatos ko sa kotse mo 'no?" Saglit naman siyang nag-isip bago sumagot. "Yeah." "Can I get it now?" "Sorry, ibang sasakyan ang dala ko ngayon," sabi niya sa 'kin. "I didn't expect that I'll see you today." "Me too," I said. "Maybe I can get my shoes the next day that you're free? It's very important to me." "Sure," sabi niya. "Can I get your number then?" Napakunot-noo naman ako sa kaniyang sinabi, bakit niya pa kukunin ang number ko? "I thought we had a deal that you'll stop bugging me after the dinner we had last night?" Mahina naman siyang natawa, "For the shoes, Arciandra." For the shoes lang naman pala, Arciandra, wag assuming masyado. "Okay, you can have my secretary's number," sabi ko sa kaniya tyaka ko ibinigay ang calling card ni Sharmaine sa kaniya, mukhang hindi pa tatanggapin, ngunit sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang magpasalamat. "See you around," sabi ko sa kaniya, ngunit di pa man ako nakadalawang hakbang ay tinawag niya ako ulit. "Arciandra..." sambit niya kaya nilingon ko. "Are you free today? Can I at least invite you for some coffee?" Akala ko ba titigilan niya na ako? "No," mabilis kong sambit. Hindi mo ako halos pinatulog kagabi tapos ngayon ay pagkakapehin mo na naman ako? Gosh! Are you going to make me stay up forever?! "Busy ako." "Okay," tila nabigong sabi niya. "See you around then." "Ang sapatos ko ah," paalala ko sa kaniya. "Yeah," sagot niya sabay tango. Agad ko na siyang tinalikuran. Hindi pa man ako nakalalayo sa kaniya ay nakatanggap ako ng tawag mula sa aking sekretarya na may bisita raw ako, kaya naman bumalik rin ako agad sa aking opisina. "Hey, Arciandra!" Nanlaki ang mga mata ko, bahagyang nagulat nang makita ko ang kaibigan kong si Andrea, bihis na bihis, akala mo ay a-attend ng party sa kaniyang suot, ano pa nga bang aasahan ko? "Andrea!" sambit ko bago kami nag-beso. "What a surprise! What are you doing here? Are you okay?" "Yes, I'm not here for any medical concern," sabi niya sabay tawa. "Well, 'di ba may usapan tayong bibisitahin natin 'yong condo para ma-check mo?" "Ha? Ngayon ba 'yon?" gulat na tanong ko. Sa pagkakaalala ko kasi ay wala pa kaming naging usapan kung kailan 'yong sinasabi niya. "Yup, so tara na. Your secretary told me that you're free today," excited niya pang sabi. Parang siya yata ang bibili ng condo sa sobrang saya ng reaksiyon niya. "OMG, Andrea! I'm not yet ready!" natatarantang sabi ko. "Look at myself, hindi mo naman sinabi sa 'kin agad para makapaghanda ako!" "You look perfect already," pambobola niya naman sa 'kin. "Let's go na, Girl! Baka kasi naghihintay na 'yong mag-a-assist sa atin." Napabuntong-hininga na lamang ako at napailing, wala nang nagawa pa kundi ang kunin ang aking bag at nagpaalam sa aking sekretarya. Si Andrea naman ay kulang nalang magtalon-talon na sa sobrang tuwa, daldal siya nang daldal na halos wala na akong naintindihan, minsan napapatanong na lang din ako kung paano ko siya naging kaibigan. "Dra. Seeholzer..." Parehas kaming natigilan ni Andrea nang bigla ay sumalubong sa amin si Doctor Benitez, una kong napansin ang bitbit niyang isang bouquet ng bulaklak. "Dr. Benitez," sambit ko rin at pilit na ngumiti. "Girl, manliligaw mo na naman?" Syempre hindi na naman nagpahuli sa pakikiusyoso si Andrea, talagang kinalabit pa ako at pasimpleng tinanong, hindi ko na lamang pinansin. "I've heard from Dr. Seeholzer that you'll be joining the administration, and that means I'll not be seeing you more often like I used to," mahabang sambit niya at tipid na ngumiti. "For you." "Para saan 'yan?" tanong ko sa kaniya. "I'll be straight to the point—gusto kitang ligawan, Dra. Seeholzer, matagal na kitang gusto..." What the hell? Ngayon at dito pa talaga? This is our workplace! May iilang tao pa akong nakikita, may mga pasyente pa at mga kasama namin sa trabaho. This is so unprofessional! I still smiled at him even though I'm not pleased with the scene. Siguro naman ay may mas magandang panahon at lugar para sa ganito, I don't like the pressure that I'm feeling right now because of the crowd. "Girl, manliligaw daw siya—" "I'm sorry, Dr. Benitez," agad kong sagot sa kaniya, in the most polite way—I was really trying my best. "I know this sounds rude, but it's better to be straightforward, I don't think there's a chance for us to be in a romantic relationship." "Cian—" "You're a good man, Dr. Benitez," puno ng katotohanang dagdag ko pa. "But you're not for me. I'm sorry." Nakita ko ang paglungkot ng mga mata niya, ngunit ngumiti pa rin siya. "Okay," walang pagdadalawang-isip niyang pagtanggap. "I understand, thank you for being true to what you feel towards me." "Excuse us." Nagmadali akong hinila si Andrea bago pa man dumami ang mga nakikiusyuso. Mukha namang kaunti lang din ang nakarinig sa 'min kaya hindi rin gano'n ka-eskandalo ang agad-agaran kong pagtanggi kay Dr. Benitez. Gano'n talaga ako, kung ayaw ko, sinasabi ko agad sa lalaki, ayaw kong magpaasa, sadyang may mga lalaki lang talagang makukulit at hindi basta-bastang sumusuko kahit pa ilang beses nang tanggihan. "Grabe! Ikaw na talaga ang heartbreaker ng taon, Girl!" agad na hirit ni Andrea nang makalabas kami ng hospital. "That's the reason why until now you're still single, hindi mo man lang binibigyan ng chance." "We're both single, Andrea, wag mo 'kong sabihan ng ganiyan." Tumawa siya sa sinabi ko. "Well, at least ako, nag-i-entertain ako ng suitors, eh ikaw?! Wala! Diretso basted. Maybe you should try the trial and error method, baka through that you'll meet the one that you're looking for." "They're just the same," nakakunot-noong sabi ko. "Pare-parehas lang ang mga lalaking 'yan, di man lang naiba ang estilo ng panliligaw." "You're so quick to judge, Arciandra," tatawa-tawang sabi niya. Sumakay na kami ng kaniyang kotse papunta sa condo na sinasabi niya. Malapit lang naman daw 'yon, kaya hindi na ako nagtaka nang matapos ang ilang minuto ay huminto na kami. Kung tutuusin nga ay pwede lang lakarin ang distansya nito mula sa hospital namin. "That's the building," sabi niya sa 'kin. Tiningnan ko naman, sa labas pa lang ay mukhang elegante na, kaya naman mukhang alam ko na rin kung ano ang dapat kong i-expect na presyo ng mga unit dito. "Let's go." Lumabas na kami ng kotse, tyaka kami pumasok sa building, very welcoming naman ang mga staff na nakakasalubong namin. Ilang sandali pa ay may tinawag si Andrea na babae na mabilis rin namang lumapit sa 'min. "Arciandra, this is Jeanette, siya ang mag-a-assist sa atin," magiliw na pagpapakilala sa akin ni Andrea sa babae. "Jeanette, this is Dra. Arciandra Seeholzer, siya ang kaibigan ko na naghahanap ng condo na bibilhin." "It's nice to meet you, Maam," nakangiting sabi ni Jeanette sa akin. "You don't have to worry, Maam, siguradong magugustuhan niyo po ang unit, bukod sa maganda itong buong building dahil secured at maganda ang mga services pati na ang mga staff, reasonable rin ang prize dahil hindi po tinipid sa materyales ang bawat unit. Let's proceed na po?" Tumango ako at sumunod kami sa kaniya sa pagsakay sa elevator, panay lamang ang pagsasalita ni Jeanette syempre, hindi mawawala ang sales talk, mabuti na lang kasama ko si Andrea, silang dalawa lang ang nag-uusap, mas bihasa rin kasi si Andrea sa mga ganito lalo na't business-minded rin siya. "Nandito na po tayo," narinig kong sabi ni Jeanette nang makalabas kami ng elevator at makalakad ng ilang hakbang. Binuksan niya ang pinto ng isang unit gamit ang parang card at nakita naman namin agad ang sobrang linis pa na unit. Literal na sobrang linis pa dahil wala pa halos laman na mga furnitures, mukhang bagong gawa pa lang talaga. "Ito, Maam," sabi ni Jeanette. "This is a bi-level type of condominium unit, Maam. As you can see meron po tayong second floor kung saan naroon ang tatlong kwarto. This unit is perfect for a growing family, Maam, or kung may mga bisita po kayo palagi, perfect ito sa 'yo dahil malaki." "Where's the kitchen?" Ito agad ang natanong ko dahil nga ang unang naisip kong gawin kapag nakabili na ako ng sarili kong unit ay ang pagbi-bake, para na rin hindi ko na kailangan manggulo pa kay Shad doon sa unit niya. "Ayon po," sabi niya sabay turo ng area at naglakad naman siya papunta doon. I immediately checked the area if it's enough for my baking equipments at kung komportable rin bang pagtrabahuan. Well, I can't really tell kasi wala pa namang mga gamit, but I must admit that it's really spacious. I like the style, very simple yet it looks elegant, kaunting customization lamang ay pwedeng-pwede na ang unit na ito. "I'll buy this unit," wala nang pagdadalawang-isip na sabi ko kay Jeanette na halos ikalaglag ng panga niya sa gulat, hindi yata akalain na gano'n ako kabilis magdesisyon, hindi nga natanong ang presyo eh. "Great!" sambit ni Andrea tyaka napapalakpak pa. "See? I told you, Jeanette, hindi mahirap kausap itong kaibigan ko, kapag gusto niya, gusto niya, pag hindi, hindi." "Thank you po talaga, Maam Andrea," tuwang-tuwa na sabi ni Jeanette, tyaka ako binalingan ulit. "Don't worry, Maam, sa floor na 'to ay dalawa lang ang unit, kaya walang isturbo masyado, every unit is also sound proof, and tahimik din naman po ang kabilang unit dahil palaging wala ang may-ari, para ngang walang nakatira eh." "Gano'n ba?" sabi ko, kahit hindi naman gano'n ka-interesado talaga. "That's great, at least, I can focus on my tasks. Dito ko kasi planong mag-pursue ng aking homebaking business." "Perfect po talaga itong lugar na ito, Maam, magkakaroon kayo ng privacy." Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi. Inilibot ko na lamang ang aking paningin sabay hinga ng malalim... Ito na talaga 'yon. Pinilit kong pigilan ang maging emosyonal, pero talagang walang mapaglagyan ang saya ko sa mga oras na ito, hindi na ako makapaghintay pang mailipat dito ang mga gamit ko at maisaayos itong buong unit. "Congrats, Girl!" tuwang-tuwa na sabi ni Andrea at niyakap pa ako. "I'm so happy for you, this is really the start of you pursuing your greatest dream. Sa ngayon, condo pa lang, kusina lang dito sa condo mo... but I believe in your skills, makikita rin kitang mag-open ng sarili mong pastry shop." I agree with Andrea. Hindi pa huli ang lahat para sundin ko talaga ang bagay na alam kong magpapasaya sa 'kin. Sana maging saksi 'tong condo unit na 'to sa kung saan ako magsisimula para sa totoong pangarap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD