Chapter 5

1997 Words
NAPATULALA ako sa sinabi ni Kaizer sa 'kin, parang hindi ako makapaniwala sa narinig ko, tahimik ako at patuloy na nakatingin sa kaniyang malayo rin ang tanaw habang nakaawang ang mga labi ko. Nagkaroon ng mahabang katahimikan, hindi ko na rin nagawang magsalita, kahit nga ang paggalaw ay hindi ko halos magawa pati na ang paghinga nang maayos. His voice filled my ears, and his words kept on repeating on my mind. Hindi ko na namalayan ang oras, kung hindi pa dumating ang isang lalaki na lumapit sa amin bigla ay hindi ako mababalik sa reyalidad. "Excuse me, Mr. Bruekner," sabi ng isang lalaki. "Heto na po ang ipinautos niyo sa 'kin." Tumayo si Kaizer at tinanggap naman ang paper bag na mula doon sa lalaki, napatingin naman ako doon na may halong pagtataka. "What's that?" I asked him. "Tsinelas," sagot niya sa 'kin tyaka binalingan muli ang lalaki, "Salamat." "May iuutos pa ho ba kayo, Mr. Bruekner?" Tiningnan ako ni Kaizer bago siya umiling sa lalaki. "Wala na, salamat." "Sige ho, magpapaalam na ako," sabi naman ng lalaki at ilang sandali pa nga'y umalis na ito. Naiwan kaming dalawa, tyaka niya binuksan ang paperbag at naglabas ng kahon, kahon na may tatak ng isang mamahaling brand, tyaka niya 'yon ibinigay sa 'kin. "Mine?" I asked in surprise. Tumango naman siya. "Pinabilhan na kita para hindi ka na mahirapan d'yan sa sapatos ko." My eyes widened in shock and I checked the box, and noticed that it was the right size. "Wow! How did you know my size?" I asked without looking at him. At mas lalo lamang nanlaki ang mga mata ko nang magustuhan ko ang desenyo ng footwear. "And... this is expensive... I-I'll pay you." Of course! Nahihiya din naman ako, this is an expensive item from a luxurious brand. Isa pa, hindi niya ako responsibilidad para bilhan niya ako ng kung anu-ano, and what's the meaning of this? Is this a gift from him? "You don't have to," sabi niya sa 'kin. "Ako naman ang nagpabili n'yan—" "No, I'll pay for this," pakikipag-argumento ko. "Give me your bank account details, isi-send ko agad mamaya." Sa totoo lang, hindi ako 'yong tipo ng babae na nahilig sa pagtanggap ng kahit anong regalo mula sa mga lalaki, lalong-lalo na sa mga manliligaw ko—well, hindi naman siya nanliligaw gaya ng sabi niya—but still, ayaw ko. Buraot lang ako sa mga kapatid ko, pero hindi sa mga lalaki. I just don't like the idea of men buying stuffs for me, ayokong ginagastusan ako dahil kaya ko namang bumili ng para sa sarili ko, hindi naman kasi ako responsibilidad ng kahit sinong lalaki, may trabaho din naman ako. "Hindi na, Arciandra," sabi niya. "Sige na, isuot mo na 'yan para makaalis na tayo at makapunta sa maayos na restaurant." Hindi muna ako gumalaw, mukhang wala siyang planong magpabayad. Napabuntong-hininga na lamang ako at isinuot na ang tsinelas. "I'll pay for the dinner, so we'll be even," I insisted. "No," sabi niya. "I'm the man, I won't take you to a restaurant that I can't afford, Arciandra." "Pero—" "Seriously... just take everything as my sign of gratitude," aniya pa na ikinakunot-noo ko. "Gratitude? For what?" "Wala," sabi niya at mahinang natawa. Isinuot niya naman ang kaniyang sapatos at nang pareho na kaming naging maayos ay muli kaming naglakad, siya pa rin ang nagdala ng sapatos ko. "This is our first and last dinner," I said when we reached his car. Pinaalala ko lang sa kaniya ang usapan namin kanina, baka kasi ay nakalimutan niya na. Ngumiti naman siya sa 'kin sabay sabing, "We'll see that, Arciandra." "You've promised me that you'll stop bugging me kung pagbibigyan kita para sa isang dinner, Kaizer!" pakikipagtalo ko sa kaniya ngunit pareho kaming natigilan, tinitigan niya na naman ako nang ilang sandali. "What did you just call me?" tila hindi makapaniwalang tanong niya. "K-Kaizer," nahihiya ko pang sambit. Ngayon ay pinagsisihan ko nang tawagin siya sa kaniyang pangalan, hindi ko rin naman alam kung ano ang itatawag ko sa kaniya. "I like it," sabi niya tyaka niya ako pinagbuksan ng pinto ng sasakyan, at kahit ayaw kong magpaalalay sa pagsampa ay wala na akong nagawa nang hawakan niya ako sa kamay at iginiya papasok ng kaniyang sasakyan. Napakibit-balikat ako nang makaupo habang hinihintay siyang makapasok sa sasakyan, napabuntong-hininga naman ako nang tuluyan siyang makaupo at mapaandar ang makina. "Maybe you have a restaurant in mind? We can go there for dinner if you want," sabi niya sa 'kin. "Ikaw na lang ang bahala," sagot ko naman. Nagsimula na siyang magmaneho nang tahimik, ako naman ay pilit na nililibang ang aking sarili sa pagtingin-tingin sa labas, ngunit hindi ko maintindihan kung bakit parang may kung anong tumatawag sa 'kin para lingunin siya. Until I couldn't resist the temptation anymore, I just noticed myself looking at him as he seriously maneuvered the car. I was silently hoping that he won't look at me so he won't notice my stare. Sino ba talaga ang lalaking 'to? Anong meron sa kaniya? "We're here!" Hindi ko na napansin na nakahinto na pala ang sasakyan, mabilis akong nag-iwas ng tingin nang makita siyang tumingin sa 'kin, pakiramdam ko'y bigla akong nagkaroon ng lagnat sa init ng mukha ko at sa bilis ng t***k ng puso ko. Tumikhim ako upang mawala ang pagkailang. Nakita ko siyang bumaba ng sasakyan, at hindi ko akalaing bagaman ilang beses ko na siyang pinagsabihan na kaya ko ang sarili ko ay pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto at inalalayang makababa. "Thanks," I said awkwardly and shortly. Tiningnan ko ang restaurant, hindi kagaya kanina na puro usok, napakaraming tao at napaka-informal, ang restaurant ngayon ay nagsusumigaw ang presyo kahit saang banda ka man tumingin. Iginiya niya ako papasok sa restaurant at hindi ko napigilang mamangha kahit pa ayaw kong ipahalata. I've been in various classy restaurants my whole life, both local and international. Hindi ako makapaniwalang may restaurant pa pala na ganito kaganda sa malapit na hindi ko pa napupuntahan. "Welcome, Mr. Bruekner," the guy in tux greeted as we enter. "Good evening, Miss." "Lead us to our table, please," narinig kong sabi ni Kaizer. "This way, Mr. Bruekner, Miss..." Sumunod naman kaming dalawa, nang mapansing medyo nakakalayo na ang lalaking crew ay kinalabit ko nang bahagya si Kaizer. "How did he know your name?" I asked. He just smiled and didn't say any word 'til we reach the area where our table were. "Thank you," sabi ni Kaizer. Naupo kami saglit, akala ko ay may magbibigay ng menu sa amin, ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang may lumapit ngang lalaki na naka-tux, ngunit bouquet ng bulaklak ang dala. Tumayo si Kaizer at tinanggap 'yon, "Salamat." Binalingan niya ako at nagulat ako nang malamang para sa akin pala 'yon. I never knew that he made everything ready, hindi ko nga napansin kanina na aligaga siya, he must've prepared all of these before he asked me out for dinner... impressive. "Wow," kumento ko nang makaupo siya ulit, tiningnan ko isa-isa ang mga bulaklak, magaganda, at ngayon ngang yakap-yakap ko ito ay naaamoy ko ang bango nito. "How did you come up to this?" "Impressed?" he asked and smirked. Inirapan ko naman siya, hindi ko alam kung bakit kay bilis niyang nababago ang nararamdaman ko, natutuwa ako sa kaniya, at sa susunod ay naiirita na naman. "I made sure everything's going to be smooth before I asked you out for dinner," sabi niya sa 'kin. Sarkastiko akong natawa nang maalala ang kaniyang sinabi kanina. "At hindi ka nanliligaw sa lagay na 'to ah." "Hindi nga," kompirma niya na hindi ko alam bakit parang umakyat ang dugo ko sa ulo. So, ano 'to? Effort and gastos as a friend? Eh bakit ba ako naiirita? Eh 'di ba ayaw ko siyang manligaw?! "Good," I said in full composure. "Wala ka rin namang chance sa 'kin kasi hindi kita type." "I know," he said and smile, and I couldn't read the emotions on his face, ngumiti nga siya ngunit pagkalaunan ay nakita kong umigting ang panga niya, nawala lang 'yon nang may maghatid ng pagkain sa table namin. "Enjoy your late dinner, Mr. and Mrs. Bruekner—" "It's Miss Seeholzer!" I immediately corrected in a sassy way, pinagkadiinan pa ang apilyedo ng Daddy ko. "We're not married, I'm not his wife." "Oh, sorry, Miss, I thought you're Mr. Bruekner's wife," nahihiyang paghingi ng paumanhin ng crew. "It's okay, salamat," sabi ni Kaizer at sinenyasan na ang lalaki na umalis. "God! Mukha ba tayong mag-asawa?" iritadong tanong ko sa kaniya. "We're not even close!" Nakita ko siyang mahina lamang na natawa sa aking naging reaksiyon. "Dapat kino-correct mo ang gano'n," maarteng sabi ko sa kaniya. "Hindi ka ba naiilang?" "Why would I?" walang pakialam niyang sabi. "Well," napairap ako. "Sabagay, I'm that pretty that's why any man should be proud of me being called as his wife." Narinig ko siyang natawa kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin, nakai-insulto kasi ang tono niya. "What?!" singhal ko. "Wala," natatawang sabi niya at tumitig sa 'kin saglit habang nakangiti. "I just really like you..." "Ha?" gulat kong sabi. "No," mabilis niyang bawi. "I mean y-your strong personality and... and confidence, I like it, 'cause not everyone has that—and you're very straightforward... I just like girls who knows what they want—n-not in a romantic way, to make it clear." "Defensive," pasiring kong sabi. "You should eat," aniya at ngayon ay seryuso na ang mukha. "Ihahatid pa kita sa inyo, it's getting late, do you have curfew at home?" "What the hell curfew you mean?!" napatigalgal kong sabi. "What am I to you? A teenager?!" "Hmm, you look like a baby to me—my baby," biglang banat niya na nakapatulala sa 'kin dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksiyon, I was literally caught off-guard. "Just kidding." "Whatever," I said rolling my eyes. Dinampot ko ang utensils at nagsimula nang kumain. Surprisingly hindi malamig ang pagkain, it taste like it's freshly cooked, lalong-lalo na ang steak na parang natutunaw sa bibig sa sarap, it makes me want to eat more making me forget that I'm on a diet. "Taste good?" tanong niya sa 'kin. "Pwede na—" I immediately covered my mouth when I suddenly burped out of control. I saw him laugh again making me look at him with sharp eyes. "What? I burp because I'm a normal person," defensive kong sabi sa kaniya at pilit na itinatago ang hiya. Tumawa na lang siya at ilang sandali pa'y muli siyang natahimik, pagkalaunan ay muling nagsalita. "For me, this is the best restaurant I've ever been," biglang sabi niya habang inililibot ang tingin. "I like eating so much—reminds me a lot of a childhood dream." "Childhood dream?" I repeated, then sarcastically laugh. "Childhood dream mo ang kumain? What kind of childhood dream is that?" I waited for him to laugh too, but his face remained serious. I remember myself as a child, my dream was to travel the world, try on beautiful dresses, and grow fast to finally put up my own café because baking is my passion. Tapos siya, childhood dream ay kumain? Anong klaseng childhood ba ang naranasan niya? "Yes, my dream was that simple, Arciandra," he seriously said without any hint of joke making me realize that he's serious. "Eating a good full meal... because life deprived me of such... what a harsh childhood isn't it?" Hindi ko napigilan ang sarili kong kagatin ang loob ng aking bibig para pigilan ang sarili kong magsalita nang makita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya na dahilan upang maramdaman kong parang may pumitas sa puso ko. "I-I'm sorry..." mahinang sabi ko, napahiya. He smiled again and the pain is no longer evident in his eyes, para bang pinilit niya 'yong mawala nang gano'n kabilis. "Let's go, it's getting late."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD