NAGKAMALAY ako na nagtatayuan ang balahibo ko habang paulit-ulit na bumabalik sa pandinig ko ang mga salitang huli kong narinig kagabi. Hindi ko alam kung 'yon ba ay totoo o guni-guni ko lang. Agad kong binuksan ang mga mata ko nang maramdaman na parang nasa ibang higaan ako.
Nang makita ko ang kulay abo na kisame na may disenyong pakwadradong mga hugis, agad rumehistro sa isip ko na wala ako sa bahay dahilan para mapaigtad ako ng bangon.
"Oh my God!" I gasped in disbelief. I even covered my mouth. "Anong katangahan naman 'to, Arciandra?! Nasaan ka ba?!"
I looked around to find my things, then suddenly checked myself, and it was a horror to me when I noticed that I'm wearing different clothes now—hindi lang 'yon, dahil panlalaki ang mga damit na suot ko.
Did I just slept with—no way!
I unconsciously touched my sensitive part to check if there's pain. Buong buhay ko itong iningatan kaya hindi ko talaga matatanggap kung nawala lang sa isang gabing katangahan ko! Mukhang wala namang masamang nangyari sa 'kin kaya nakahinga ako nang maluwag.
"Mabuti naman gising ka na."
Mabilis akong tumingin sa lalaking biglang pumasok sa kwarto, agad na nakakuha ng atensiyon ko ang mga tattoo niya sa katawan. He's wearing a white plain shirt and a black shorts, ngunit para siyang naka-jacket at naka-pants dahil sa mga tattoo niyang binalot ang buong braso at mga binti niya pati na ang kaniyang leeg, parang mukha niya na lang yata ang walang tattoo.
"You!" I freaked out while pointing at him. "What did you do to me?! Why did you bring me here?! Nasaan ako?!"
"Calm down," he said as if he's bored, he even look at me as if I'm a piece of sh*t that doesn't have to be given attention. "Sit down, you surely have a hangover, I'll bring you a bowl of soup, hintayin mo ako dito."
"No way!" I said like a kid. "Ipapa-pulis kita! You kidnapped me! My brother is a lawyer and he's one of the best lawyer in the country! I'll sue you!"
"So?" he said. "You know what, Miss? You're overreacting. I didn't do anything to you—"
"Didn't do anything?!" hindi naniniwalang sabi ko sa kaniya. "Look at me! These are not my clothes! Which means you changed my clothes! Pinagsamantalahan mo ako!"
I saw him smirk and hear him chuckle kaya sinamaan ko siya nang tingin.
"Dahan-dahan ka sa mga sinasabi mo, Miss, wala kang ebidensya na may ginawa ako sa 'yo. In fact, I even helped you out. Why don't you just thank me? Naabala mo ako."
"Wow! Naabala?! I didn't even ask you to bring me here!" I said. "Nasaan ba ang cellphone ko? Siguro ninakaw mo 'no? You look like a—"
"A what?" putol niya sa sasabihin ko at seryuso akong tiningnan. "A criminal? Check yourself. Kung masama akong tao, tingin mo hahayaan kitang matulog dito sa bahay ko? Sa mismong higaan ko? I would've let you go wasted last night. Don't judge me based on my personal appearance, Miss, you might regret it later."
I rolled my eyes. Ayaw kong magpadala sa mga sinasabi niya. I don't like him. He's not the type of person na magugustuhan kong kausapin or pakisamahan. He looks dangerous. Then suddenly I just noticed myself looking at him—at his eyes... and I can't believe myself when I realized how beautiful his eyes are—they're in a very unusual color, para siyang foreigner—o baka foreigner talaga siya? Pero nagsasalita siya nang tagalog na para bang 'yon ang lenggwahe na kinalakihan niya.
"What are you looking at?" he asked. "Maupo ka na d'yan, kukunin ko ang soup mo para makainom ka na rin ng gamot para sa hangover mo."
With that, I felt my stomach aching, gutom na marahil ako. Kaya naman kumalma ako at bumuntong-hininga tyaka naupo sa kama, siya naman ay lumabas sa kwarto.
I looked around curiously. This house looks expensive, ano kayang trabaho niya para makapagpundar ng ganitong bahay? Well, he doesn't look like empoyed judging his appearance, para siyang tambay na tanging alam lang ay magbarkada, uminom at mag-gym—yes, he looks physically fit, I wonder if his body has tattoo too—what?!
Arciandra! Ano na namang iniisip mo?!
This room doesn't have anything, iisipin kong kalilipat niya lang dito dahil wala masyadong gamit. Centralized by air-condition, may isang TV, may lampshade may single sofa, may mesa, at maliban doon ay wala na.
Niloloko lang yata ako ng lalaking 'yon na bahay niya 'to, siguro nirentahan niya lang 'to, o baka hiniram—worst is baka trespassing, inangkin niya lang 'to na kaniya.
Wala man lang ba siyang pictures? Picture frame? Family picture?
Bago pa man ako mabaliw sa mga tanong ko, pumasok na siyang muli sa kwarto dala ang tray na may lamang bowl at baso.
"Here, serve yourself," he said to me and put the tray on the bed-side table, malapit sa lampshade.
"Wala ka bang pamilya?" I asked him after a long awkward silence. "Bakit wala kang pictures nila?"
Naningkit ang mga mata niya tyaka nagkibit-balikat at bahagyang sumandal sa dingding na malapit sa kaniya.
"Your place is so plain, I wonder if this is really yours or you just stole this, you trespassed then claim this as yours," I accused him.
I heard him chuckle sarcastically without changing his position.
"And why would I do that?" he asked.
"I don't know," I said in a brat way, sven rolled my eyes. "To impress me?"
This time, his chuckle turned into a real laugh.
"Why would I do that? I don't even know you," he said frankly.
Napasimangot ako sa kaniyang sinabi.
"You know what, Miss? Stop judging me, quit thinking that I'm a bad person," he said.
"You don't look like a good person to me," I said bluntly then look at him from head to toe.
"Because I'm not a good person—"
"See!"
"And not a bad person either," sabi niya.
"Whatever you say, you're just a stranger anyway," I said. "And I'm not interested."
I heard him sigh. I looked at the soup, umuusok pa kaya alam kong mainit pa ang soup.
"Hindi mo ba nilagyan ng lason 'to?" walang tiwalang tanong ko sa kaniya.
He sighed again and walked towards me, I even moved a bit to make sure na hindi kami magdidikit dalawa.
He leaned and look at me then sighed. Natigilan ako nang matingnan ko ang mga mata niya nang mas malapit, saglit kaming nagkatinginan dalawa, at hindi ko na namalayang napatitig na pala ako sa kaniya.
I watched him taste the soup using the spoon that I was holding.
"Hmm... look at me, namatay ba ako?" sabi niya matapos niyang tikman ang soup. "Kumain ka na para maihatid na kita."
"What?!" agad kong tutol. "Hindi mo ako pwedeng ihatid sa bahay namin! Baka ano pang isipin ng pamilya ko!"
"Edi ihahatid kita sa trabaho mo, saan ka ba nagtatrabaho?"
"Sa hospital!" singhal ko pa, hindi nawawala ang pagkasuplada. "Hindi rin pwede do'n! Baka ano pang isipin ng mga taong nakakikilala sa 'kin. Hello?! Hindi naman kita boyfriend!"
"Hmm, I'm not your boyfriend, pero hindi ba 'yon ang pakilala mo sa 'kin do'n sa lalaking humahabol sa 'yo kagabi?"
Napasimangot ako nang maalala ko 'yong manliligaw kong 'yon.
"Kunwari lang 'yon!" rason ko pa.
"And you can't even say thank you to me after I saved your ass?" sumbat niya sa 'kin. "I feel so used, Arciandra."
Nanlaki ang mga mata ko nang banggitin niya ang totoong pangalan ko. Tila nagtayuan ang balahibo ko.
"How did you know my name?!" tanong ko sa kaniya, ngunit ang tono ay nang-aakusa na.
I saw the transition of emotions in his face then he stared at me blankly.
"I heard the guy called you Arciandra, I assumed that's your name. Bakit? Hindi ba?"
Bumuntong-hininga ako. "Yeah, that's my name, but don't you ever stalk me, okay?!"
"Hmm, sure," he said. "Kumain ka na."
"No way!" I said. "Ginamit mo na 'tong kutsara oh, there's no way na gagamitin ko pa 'to. And I'm not hungry. Uuwi na ako."
Tumayo ako at agad na hinanap ang cellphone ko sa kama. Hindi naman ako nabigo, nakita ko naman ang cellphone ko sa ilalim ng unan at nasa bandang ulohan naman ang ibang mga gamit ko.
"Magbibihis muna pala ako," sabi ko nang makita ang mga damit kong nakatupi. "Labas ka."
"Spoiled brat," I heard him mumble.
"May sinasabi ka?"
"Wala," sabi niya at tinalikuran na ako. Lumabas siya ng kwarto kaya naman naiwan ako, sinigurado ko munang naka-lock ang pinto, at dahil may trust issue ako, I checked the whole place dahil baka may hidden camera, nang wala naman akong makita ay agad na akong nagbihis. I hate the smell of my clothes, amoy pinaghalong pawis at alak, ayaw ko talagang nagsusuot ng damit na di pa nalalabhan. I barely use clothes twice, kapag nasuot ko na, kadalasan hindi ko na sinusuot pa ulit.
Halos buong-buhay ko kasi umiikot na sa loob ng hospital, I always wear the same style of clothes everyday in the hospital. Kaya naman kapag gumagala ako, lumalabas, ay iba-iba ang damit ko, para maiba naman.
Some of my parents' friends and other acquaintances consider me as the most pampered Seeholzer. Marami ang naaartehan sa 'kin, marami ang nagsasabi na perfectionist ako, high-standard, sophisticated—hindi ko rin naman sila masisisi, at wala akong pakialam, di ko naman hinihingi sa kanila ang pambili ko ng mga luho ko.
Matapos kong masiguro na maayos na akong tingnan, agad kong kinuha ang mga gamit ko at agad nang lumabas ng kwarto. Nakita ko naman agad 'yong lalaking may tattoo sa labas, I'm not surprised nang makita kong mas maganda pa pala ang view sa labas ng kwarto. Akala mo ay nasa isang presidential suite ng hotel sa linis at ganda ng lugar.
"Done?" he asked.
"Oo, tapos na, uuwi na ako."
"Hmm, I see. Ihahatid na kita," he insisted.
"No, thanks," matapang kong sabi. "I know how to go home. No need nang ihatid mo ako. I'm an independent woman, I can do this, I don't need a man in my life, okay?"
"Andami mo nang sinabi, pero wala pa rin akong narinig na thank you galing sa 'yo, Arciandra," he said playfully. "Mahirap bang bigkasin ang salamat? Or thank you? Tingin ko hindi naman."
I rolled my eyes and smiled fakely. "Salamat ha?"
"Sarcastic," he commented.
I rolled my eyes. "Thank you po, Kuya!" I said again. "Sa pagpapatuloy sa 'kin dito, for saving my ass last night, and... for not killing me. Okay na, Kuya?"
"Kuya?" Mahina siyang natawa. "Do I look like your brother, Arciandra?"
"Hindi! Gwapo ang kuya ko eh, gwapo ka ba?"
"Well? Ikaw naman ang makakapagsabi niyan, Arciandra," he said again playfully, pinagkadiinan pa talaga ang pangalan ko. "Ihahatid na talaga kita, Arciandra."
"Tigilan mo nga ang pagtawag sa 'kin ng Arciandra!" naiinis kong singhal. "Nag-thank you na ako. Pwede na ba akong umalis?"
He smirked. "I won't accept a simple thank you, Arciandra. Nagbago na ang isip ko."
"Edi wag mong tanggapin, ikamamatay ko ba 'yon?" sabi ko, inirapan ko pa siya tyaka ko siya tinalikuran.