Chapter 38 TUW

2389 Words

Jhauztine's POV "ANONG masasabi mo sa lugar namin, Hija?" Kapagkuwa'y tanong ni Mommy Nessa sa akin. Nasa beranda kami ngayon, nagkukuwentuhan. Kanina pa masakit ang panga ko sa sobrang kakikayan ng biyenan ko. Buong pag-uusap namin ay wala na akong ginawa kun'di ang tumawa. "Sobrang ganda po sa Hacienda n'yo, Mommy. Napakatahimik po, tapos ang lawak ng lupain n'yo roon. At ang presko po ng hangin, ang sarap po tumira roon," sagot ko. Na totoo naman talaga na gano'n ako napahanga ng lugar nila. Walang polusyon at walang traffic. "Mabuti naman at nagustuhan mo sa amin. So, kumusta naman kayo ni Nathan sa honeymoon n'yo? Masaya ba kayong dalawa, in love ka na ba sa anak ko?" Sunod-sunod na tanong ni Mommy Nessa. "Magkuwento ka na, huwag kang mahiya sa akin, Hija," mabait na sabi pa ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD