Chapter 39 TUW

2269 Words

Jhauztine's POV HANGGANG sa makarating kami sa Village kung saan kami nakatira ay wala pa rin kaming kibuan ni Nathan. Nararamdaman ko ang panaka-nakang sulyap niya sa akin sa biyahe pero hindi ako nag-abalang lumingon sa kaniya. Nang pumarada sa harap ng bagay namin ang kotse nito ay tahimik pa rin akong bumaba. Tinulungan ko siyang magbaba ng mga gamit namin mula sa likod ng sasakyan. Hanggang sa matapos ay wala pa rin kaming kibuan. Pumasok na rin ako sa guest room, saka naglinis ng katawan. Nang makapagbihis ay humiga na ako, wala na akong balak lumabas. Humilata ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Nasa ganoong ayos ako nang maalala kong tawagan si Ate Sally para kumustahin si Daddy. Nag-aalala ako sa kaniya dahil hindi pa bumabalik sa normal ang kalusugan ni Daddy simula nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD