Nathan's Pov
"Hey, Dad!" bati ko.
Mula sa pagbabasa ng magazine ay nag-angat ng tingin si Daddy para tingnan ako. Kaagad nagliwanag ang mukha nito nang makita ako.
"Nathan, hijo!" Nakangiting tumayo si Daddy mula sa swivel chair, saka siya mabilis na lumapit sa akin.
Abala kasi ako sa trabaho sa aming kumpanya at may sarili na rin akong bahay, kaya madalang na akong makabisita sa bahay ng aking mga magulang. Narito lang ako ngayon dahil sa imbitasyon ni Mommy na gusto niya kaming makasalo sa pagkain ngayong hapunan.
Nalaman ko sa kasambahay na nasa library nga raw ang Daddy ko at abala sa pagbabasa. Si Daddy kasi ang dating presidente ng Monreal Corporation two years ago. Ang Monreal Corporation ay negosyo na pinama ng Lolo ko sa Mommy ko. At dahil walang hilig si Mommy sa business kaya't si Daddy ang namahala niyon noong maging mag-asawa sila. Umalis na rin si Daddy at sa akin ipinamahala dahil ako raw ang panganay.
Wala akong nagawa kun'di tanggapin iyon dahil hindi ko naman kayang pabayaan ang negosyo na pamana pa ng mga Lolo at Lola ko kay Mommy.
Minsan pa rin naman ay dumadalaw si Daddy sa Monreal, siya kasi ang nagsilbing consultant ko.
And my mom was fifty-seven years old, pero bagets na bagets pa rin kung umasta. Lalo na sa tuwing kasama nito ang bunso kong kapatid na si Andrea. And my mom was a pet lover, sa sobrang pagkahilig sa mga hayop ay talagang nagpagawa pa siya ng isang bahay sa likod ng bahay nila para sa mga iba't ibang klase ng hayop na mayro'n ito. Ginawang mini zoo ni Mommy ang likod-bahay. Walang kumontra kay Mommy sa hilig nito dahil nakikita namin siya kung gaano kasaya. Kung iyong karamihan sa mga maybahay ay mahilig sa mga halaman, si Mommy ay hayop ang kinahiligan.
"Where's Mom, Dad?" tanong ko.
"Nasaan pa ba?" nakangiting sabi ng Daddy ko.
"Nasa mga alaga niya?" panghuhula ko.
"Na mahal na mahal ko." Nakangiting mukha ni Mommy ang nalingunan kong nagsalita. Mabilis itong lumapit sa akin, saka ako niyakap nang mahigpit.
"I'm glad you here, Anak," sabi ni Mommy, saka umalis sa pagkakayakap sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "You looked stressed, but of course you're still the most handsome man in my eyes, next to your Dad and of course Andreus," dagdag nito na labis na ikinangiti ni Daddy. "Why don't you take a vacation leave? You've been working two years straight mula nang pamahalaan mo ang Monreal Corporation."
"Mom, I'm okay. I love my work," sagot ko.
"Yeah, sa sobrang pagmamahal mo sa trabaho pati ang pamamahala ng Resort ng El Greco ay tinanggap mo na rin."
"I love what I'm doing, Mom."
"I know. But if you had forgotten I want to remind you that your wedding day is almost coming. Nalaman ko rin sa secretary mo na iniasa mo na sa kaniya ang lahat ng tungkol sa wedding mo. Hindi ba dapat kayong dalawa ni Grace ang nag-aasikaso niyan?"
Lihim naman akong natigilan. Ewan ko ba, lately ay nawalan na ako ng gana sa nalalapit kong kasal kay Grace. Kung noon ay okay na sa akin dahil nasa marrying age naman na ako pero ngayon parang ayaw kong dumating ang araw na iyon.
Hindi ko alam kung bakit biglang-bigla.
Hindi mo alam o ayaw mo lang aminin na interesado ka sa babaeng nakita mo sa bar noong nakaraang gabi lang?
"Nathan." Narinig kong tawag ni Daddy sa akin.
"Dad, ano po ulit iyon?"
"Ang sabi ko, nasa hospital ang Ama ni Grace, hindi ba niya nasabi sa'yo?"
"Ah, hmm." Hindi ko alam ang isasagot ko dahil sa totoo lang hindi ko pa ulit nakakausap si Grace. Ilang linggo na.
"Galing kami roon ni Andreus kahapon. Nalaman ko na sa isang araw pa ang discharge niya sa hospital," ani Dad.
"Oh, I see. Don't worry, Dad, I will visit him later."
"You have to. Anyway, wala roon si Grace, pero naroon ang isa pang anak ni Kumpadre. I'd never seen her before, and yesterday was the first time I did. I also admitted that she is more attractive than your fiance."
Hindi naman ako nagkomento. Una sa lahat, hindi naman ako interesado.
"At alam mo ba ang mas nakakatawa, honey?" baling nito sa Mommy ko. "She is a pet lover too," pagbibida pa ni Dad.
Nakita kong nagningning ang mga mata ni Mommy dahil do'n. "Really?"
"Yes, sandali ko siyang nakakuwentuhan at nalaman kong she is also a pet lover."
Napailing na lamang ako nang lihim nang marinig kong napa-ohh si Mommy. Bakas ang kasiyahan sa mukha nito basta hayop ang pag-uusapan.
Hanggang sa magyaya si Mommy sa dining area para pagsaluhan daw ang mga ipinahanda nitong pagkain para sa amin. Salo-salo kaming kumain ng pamilya ko at kung saan-saan napunta ang usapan namin. Pero natuon ang usapan sa nalalapit kong kasal kay Grace. Sa mahabang panahon na pagiging engaged kay Grace ngayon lang ako tila nawalan ng amor sa usaping iyon. Dati naman ay okay lang sa akin dahil naka-set na sa utak ko na sa kaniya ako ikakasal balang-araw.
Tila nagkaroon ng malaking takot sa puso ko sa usaping kasal. Pakiramdam ko ngayon ko lang na-realize na hindi pala basta ang arranged marriage lalo na kung walang pagmamahal. I had a crush on Grace before kaya pumayag na rin ako sa kagustuhan nila Daddy. Akala ko iyong crush na iyon ay yayabong sa pagmamahal but I was wrong all along.
Hanggang sa magpaalam ako sa kanila na babalik na sa opisina ay tila lumilipad ang isip ko. Habang daan ay hindi mawala-wala ang tanong sa isip ko kung tama pa ba ang desisyon kong ituloy iyon.
Isang desisyon ang nabuo sa isip ko. Kailangan naming mag-usap ni Grace, kailangan naming ayusin ang relasyon namin bago pa man kami sumuong sa isang kasal na maaari naming pagsisihan sa bandang huli. Kaagad kong idinayal ang numero ni Grace habang nagmamaneho, pero nakakatatlong dial na ako ay walang Grace na sumagot.
Ibinaba ko ang cellphone ko at mabilis akong nagmaniobra, saka tinahak ang daan papunta sa hospital kung nasaan ang ama ni Grace. I'm sure naroon siya sa hospital kung nasaan ang kaniyang Ama.
Nang may nadaanan akong fruit stand ay huminto muna ako sandali para bumili ng pasalubong kay Tito. Dalawang puno sa basket na iba't ibang klaseng prutas ang binili ko at saka muling sumakay sa kotse ko.
Umabot ng halos isang oras bago ako nakarating sa hospital. Matapos kong mai-park ang kotse ko ay bumaba na ako bitbit ang dalawang basket.
Tinahak ko ang hallway papunta sa kuwartong kinaroroonan ni Tito, hindi naman ako mahihirapang hanapin iyon dahil naitanong ko na kay Daddy kanina kung ano ang numero ng kuwarto ni Tito.
Nang bumukas ang elevator ay natigilan ako sa tangkang pagpasok nang bumungad sa akin ang isang pamilyar na mukha. Ang babae sa bar. Nakita kong natigilan din ito at nagtama ang aming mga mata. At gano'n na lamang kabilis ang pagkabog ng aking puso.
Ilang sandaling naghinang ang aming mga mata. Calm down heart.
"M-Miss--"
"Excuse me," putol nito sa sasabihin ko at nagmamadali nang umalis. Hindi ko napigilan ang aking sarili na habulin ito ng tingin. At aaminin kong nakaramdam ako ng panghihinayang nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
Weird. Bakit ako nanghihinayang?
Coincidence ba na ilang ulit na kaming nagkita? Bakit pakiramdam ko may ibig ipahiwatig iyon.
Weird.
___________
Jhauztine
NASA LABAS na ako ng hospital pero ang lakas at ang bilis pa rin ng tib*ok ng puso ko. Paanong hindi bibilis, aksidente ko na namang nakita ang lalaking nagmamay-ari ng mga matang iyon.
"Ano kayang ginagawa niya rito sa hospital?" tanong ko sa aking sarili habang sumasakay sa kotse ko.
Kaagad ko ng pina-start iyon at nagmamadali na akong umalis. Habang kausap ko kasi si Daddy kanina ay naka-receive ako ang tawag mula kay Claire, sinabi niya sa akin na nakita niya si Grace sa isang hotel. At iyon ang dahilan kung bakit ako nagmamadali.
Mabilis ang ginawa kong pagmamaneho, ayon kay Claire ay binantayan niya si Grace para hindi makaalis kung saan ito naroon.
Sa sobrang bilis ko ay halos isang oras at kinse minutos lang ang itinagal itinagal ko. Nagmamadali akong bumaba sa kotse at patakbong pumunta sa lobby ng hotel. Eksakto namang nakita kong humahangos na lumabas si Grace, kasunod nito ang kaibigan ko.
"Grace!" tawag ko rito. Halatang nagulat ito nang makita ako.
Tangka itong tatakas pero mabilis kong nahablot ang kaliwang braso nito.
"Ano ba, bitawan mo ako?!" galit na bulyaw niya sa akin. Pinilit nitong makawala pero hindi ako makakapayag.
"No! I won't let you go, Grace!" matigas na sabi ko.
"Ano bang pakialam mo sa akin, ha?!"
"Sumama ka sa akin, uuwi ka sa ayaw at sa gusto mo!"
"No way!" asik nito at muling nagpumiglas mula sa pagkakahawak ko. "Bitawan mo ako, Tine!"
"No! Ang tagal kong naghanap sa'yo, tapos gusto mong pakawalan kita ngayon?!" gigil na gigil na sabi ko.
"Pabayaan mo ako, Tine! Huwag kang makialam sa buhay ko!"
"Hindi ako nakikialam! Pero huwag mong bigyan ng sakit ng ulo si Dad! Maawa ka sa kaniya, Grace! You had no idea what happened to him!" sigaw ko rito.
Tumigil ito sa pagpupumiglas kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon para magsalitang muli.
"Nasa hospital si Daddy dahil namumuroblema siya sa'yo, alam mo ba iyon? Grace, ikakasal ka na pero umalis ka pa rin at sinabing hindi na babalik."
Nanatili itong walang imik.
"Ganiyan ka ba talaga ka-ireponsable, ha?! Pumayag kang ma-engage sa fiance mo tapos kung kailang malapit na kayong ikasal saka ka aalis?! Anong klaseng utak ba ang mayro'n ka, ha?!"
"Ano bang pakialam mo, ha?!" sigaw niya sa akin.
"Sa'yo wala na, pero kay Dad, mayro'n! Wala na akong pakialam sa buhay mo kasi iyan naman ang gusto mo eh, desisyon mong maging pariwara ang buhay mo. Pero huwag na huwag mong idadamay si Daddy sa mga kagagahan mo, Grace!"
"Wow! Eh di ikaw na! Ikaw na ang magaling! Ikaw na ang mabait, diyan ka naman magaling eh ang sumipsip! Well, tutal naman gustong-gusto mo ang laging pumapel eh di ikaw na! Sa'yo na ang korona! At kung gusto mo, ikaw na rin ang magpakasal kay Nathan tutal mang-aagaw ka naman, hindi ba? Sagarin mo na ang pagiging mang-aagaw mo dahil diyan ka magaling, Tine!" sigaw niya sa akin.
Nagtaas-baba ang dibdib ko sa sobrang inis sa kapatid ko.
"Bakit hindi ka makasagot, kasi totoo! Mang-aagaw ka! Pabida, dapat ikaw ang na-hospital at hindi si Dadd-" hindi ko siya pinatapos magsalita.
Malakas kong pinadapo sa pisngi niya ang palad ko. Nanginginig ako sa galit.
"How dare you?!" sigaw nito habang sapo ang nasaktang pisngi.
"Ibang klase ka, Grace, ikaw na yata ang pinakamasamang taong nakilala ko sa buong buhay ko. Nakakapagod ka na, sa totoo lang wala na akong pakialam sa'yo. Gusto mong maging pakawala, gusto mong maging pariwara, go ahead! Sirain mo ang buhay mo hanggang gusto mo pero huwag mong idamay si Daddy sa mga kagagahan mo! Kung hindi mo itutuloy ang kasal, fine! I don't f_cking care, Grace! Pero bago ka umalis sabihin mo sa fiance mo na hindi ka na magpapakasal sa kaniya," galit na sabi ko. "Maawa ka kay Daddy, nagkakasakit na siya sa kakaisip dahil sa'yo. Magkaroon ka naman sana kahit kaunting malasakit sa kaniya. Kung gusto mong umalis, go. Umalis ka, pero bago mo gawin iyan puntahan mo ang fiance mo."
Hindi naman ito umimik, sapo pa rin nito ang pisngi nito.
"Okay lang naman talaga sa'yo na umalis ako, Tine. Iyan naman talaga ang gusto mo, hindi ba? Gusto mong angkinin ang para sa akin!"
"Hindi totoo iyan, Grace! Alam mong hindi totoo iyan! Bakit ba ganiyan ka mag-isip, ha? Bakit ba ganiyan ang trato mo sa akin, ha? Hindi mo ba maisip na sa sobrang galit mo sa akin, na sa sobrang pagnanais mo akong sirain, buhay mo mismo ang nasisira. Sa sobrang abala mong sirain ako nakalimutan mo ng mahalin ang sarili mo, Grace!"
"Wala kang alam sa nararamdaman ko, Tine!"
Sa halip na sumagot ay hinila ko siya pasakay sa kotse ko.
"Ano ba?! Bitiwan mo ako!"
"No! Kung kinakailangan kitang kaladkarin pauwi gagawin ko! Pagod na pagod na ako, Grace! Matuto kang magkaroon ng pakialam sa ibang tao, huwag kang mas'yadong self-centered!" hindi ko na napigilan ang pag-alsa ng galit ko.
Patuloy siyang nagpumiglas. "Bitawan mo ako!"
"Hindi! Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo, Grace!"
"Hindi ako sasama sa'yo! Umuwi kang mag-isa mo!" sigaw nito. Hindi ko napaghandaan ang ginawa nitong pagkagat sa kamay kong nakahawak sa kaniya.
"Ahhh! Grace!" sigaw ko. Ramdam kong bumaon ang mga ngipin nito sa kamay ko pero hindi ko siya binitawan. Tiniis ko ang pagbaon ng mga ngipin niya. Hindi sumusukong hinila ko pa rin siya pasakay sa kotse ko. Bubuksan ko na sana ang pinto nang mapahiyaw ako.
"Aahhhh!" Hiyaw ko nang tapakan niya ang paa ko. Hindi ko kinaya ang pagbaon ng takong ng heels na suot nito kaya't nabitawan ko siya nang tuluyan.
Wala na akong nagawa nang mabilis siyang tumakbo papalayo sa akin. Ni hindi na ako nagtangkang humabol dahil nakita kong dumudugo ang kuko ng gitnang daliri sa kanang paa ko.
Ang napapaawang mukha ni Claire ang sumalubong sa akin. Inalalayan niya akong makatayo.