Chapter 8 TUW

1913 Words
JHAUZTINE TATLONG ARAW na ang nakalipas mula nang makauwi si Daddy galing sa hospital. Sinigurado naman ng mga Doktor na wala ng dapat alalahanin dahil maayos na si Daddy. Kabilin-bilanan lang na iwasan ang magpuyat at ma-stress na naman. Pero nag-aalala pa rin ako dahil hindi man lang nagpakita si Grace kay Daddy kahit noong nasa hospital siya. Kahit hindi niya sabihin sa akin alam kong nag-iisip na naman siya. At wala na akong maisip na paraan kung paano matutulungan si Daddy. Hindi ko na rin binanggit kay Daddy ang pagkikita namin ni Grace. "Tine." Kaagad akong napalingon nang may tumawag sa akin. Ang seryosong mukha ni Ate Sally ang nalingunan ko. Nakatayo ito sa labas ng pinto ng kusina kung saan ako naroon para magtimpla ng gatas ko. May malaking kahon sa gilid nito. "Ate Sally." Naglakad naman ito papalapit sa akin. "Bakit ganiyan ang mukha mo? May nangyari ba? Ano iyan?" tanong ko pa sa kaniya. "Wala kang pasok ngayon?" sa halip ay sagot niya. Naglagay muna ako ng asukal sa gatas ko bago sumagot. "Bukas pa ang duty ko." "Ah.." tanging nasambit nito. "You want milk or coffee?" alok ko nang makaupo ako. "Tapos na ako, Tine, salamat," sagot nito at saka muling tumingin sa akin nang mataman. Kumunot ang aking noo dahil mababakas ang pagkaaligaga sa mukha niya. "May problema ka ba?" tanong ko matapos sumimsim ng gatas. Hindi naman ito sumagot sa halip ay ipinatanong niya sa mesa ang may kalakihang box. Lalong nangunot ang noo ko habang palipat-lipat ang tingin kay Ate Sally at sa box na inilapag niya. "What is it?" Kinuha ko iyon at pinakatitigan. "Ano 'to, Ate Sally?" "May nagdala niyan kanina lang para sa kapatid mo." "Para kay Grace?" "Hmm." Wala naman akong sinayang na sandali, pinakialaman ko iyon para malaman ko kung ano ang laman. Tinulungan ako ni Ate Sally na mabuksan iyon nang maayos para hindi masira. Pagkalipas ng ilang sandali ay nabuksan na namin iyon at tumambad sa akin ang isang puting wedding gown. Natutop ko ang aking bibig sa biglang pagsalakay ng kaba sa dibdib ko. Biglang nag-iba ang pakiramdam ko sa gown na iyon, sa katunayan tumayo ang mga balahibo ko. "Gown pala ni Grace ito." Rinig kong wika ni At Sally. "5 Days na lang ikakasal na siya." Wala sa sariling wika ko. "Paano na iyan, Tine?" "I don't know what to do, Ate Sally. Hindi ko na mahanap si Grace, napapabayaan ko na ang trabaho ko dahil sa kaniya." "Ikaw na lang kaya." Nag-angat ako ng tingin. "Ako ang ano?" "Ikaw na lang ang magpakasal sa fiance niy--" "No!" Nagulat si Ate Sally sa pagtaas ng boses ko. "Tine.." "Why me? Naririnig mo ba ang sarili mo, Ate Sally? Kasal iyon, sagrado iyon." "Alam ko naman eh, pero hindi mo ba naisip na baka iyon lang ang paraan para hindi na mag-isip ang Daddy mo. At isa pa, narinig ko ang Daddy mo kahapon habang kausap iyong Tatay ng fiance ni Grace. Siniguro ni Sir Arthur na matutuloy ang kasal sa araw na iyon. Ilang araw na lang pero wala pa ang kapatid mo. Paano kung hindi mo na siya mahanap bago ang araw na iyon?" Hindi naman ako nakasagot, nakatanga na lamang ako kay Ate Sally habang nakikinig sa litanya niya sa akin. "Think about it, Tine." Iiling-iling na tumingin ako sa kaniya. "Pero, Tine--" "Hindi laro ang kasal na iyon, Ate Sally. Hindi ko itataya ang sarili kong buhay para sa kahihiyan ni Grace. I had enough, Ate Sally." "Tine.." "Gusto kong maikasal sa lalaking mahal ko, sa lalaking ako mismo ang pipili para sa sarili ko." Matapos kong sabihin iyon ay tumayo na ako. Naglakad ako palabas ng kusina para pumunta sa kuwarto ko. Pero nakakailang hakbang pa lamang ako nang sumalubong sa akin ang isang kasambahay. "Ma'am, Tine." "Ate Lanie, bakit po?" tanong ko. "Para po kay Ma'am Grace," anito at may inabot na box sa akin. Napilitan akong kunin iyon nang ilagay sa kamay ko. Hindi naman iyon mabigat. Tiningnan ko ang box at nakita ko sa labas na may nakasulat na para kay Grace at Nathan iyon. Napabuntong-hininga na lamang ako bago muling naglakad. Dala ko ang box paakyat sa taas, balak kong ibigay iyon kay Tita Guada. Tamang-tama naman dahil pagdating ko sa pinakataas ng hagdan ay nakita ko siyang lumabas sa kuwarto nila ni Daddy. "Tita.." tawag ko sa kaniya. "What?" paasik na tanong niya sa akin. "Para kay Grace po," sabi ko sabay abot ng box na iyon. "What is it?" "No idea." Nilagpasan ko na siya nang tawagin niya ako. "Jhauztine." Tumigil ako pero hindi ako lumingon. "Jhauztine!" ulit niya. "Bakit po, Tita?" tanong ko at saka humarap sa kaniya. "Pinapatawag ka ng Daddy mo." "Bakit daw po?" "Puntahan mo siya para malaman mo," paasik na sagot nito. Napabuntong-hininga na lamang ako para kalmahin ang sarili ko. Ang aga-aga talagang mambuwisit ni Tita Guada. Kaunting tiis pa, Tine, makakaalis ka na rin dito. "Ano pang tinutunga-tunganga mo riyan? Go!" "Excuse me ho," sabi ko at tinalikuran na ito. Naiiling na naglakad na lamang ako papunta kay Daddy. Nakadalawang katok na ako nang marinig ko ang boses ni Daddy. "Pasok, bukas iyan," anito. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at saka mabagal na itinulak pabukas. "Dad.." wika ko habang naglalakad palapit dito. "Good morning, Dad." "Good morning din, Anak." "Kumusta na ang pakiramdam n'yo ngayon? Gusto n'yo ng gatas?" tanong ko. Umupo ako sa tabi ni Daddy. Nang bumangon ito ay maagap akong sumaklolo nang makita kong medyo nahihirapan ito. Tinulungan ko siyang sumandal sa headboard ng kama nito. "Thank you," anito. "Welcome, Dad. Sabi po pala ni Tita Guada pinapatawag n'yo raw po ako?" tanong ko. "Hmm." "Bakit po, Dad?" "Akala ko lilipat ka na sa bagong titirahan mo? Ikaw lang ang hinihintay kong magpaalam sa akin na aalis ka na ah." Hinawakan ko ang kamay ni Dad at humilig sa balikat nito. "Hindi ko pa kayang umalis, Dad. Siguro kapag okay ka na talaga do'n pa lang ako lilipat sa bagong bahay ko." Narinig ko siyang bumuntong-hininga at hinaplos ang buhok ko. "I'm okay. Sinabi naman na ng Doktor na okay na ako, hindi ba?" "Yeah, but I know you. Alam kong matigas ang ulo mo, Dad." "What do you mean?" "Alam kong nag-iisip ka na naman." "I'm not," deny nito. Umalis ako sa pagkakasandig sa balikat nito at matamang tiningnan. "You are." "Tine.." "W-What do you want me to do?" "Anak.." "May sasabihin kayo sa akin, hindi ba? What is it? Tell me, Dad, makikinig ako." Nakita ko ang pag-aalinlangan ni Daddy pero may kutob na ako sa gusto niyang sabihin sa akin. "Anak.." "Tell me, what is it, Dad?" tanong ko ulit. "I think this is going to be unfair to you, Tine. But I had no choice. Ikaw na lang ang natitirang pag-asa ko. Wala na akong ibang maaasahan kun'di ikaw, Anak." Natameme ako nang pumiyok ang boses nito habang sinasabi iyon. "Ano bang problema, Dad? Is it about the wedding?" Tumango naman ito dahilan para mapasandal ako sa headboard ng kama. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Daddy. Tanging mabigat na buntong-hininga lang niya ang naririnig ko. "What do you want me to do?" kapagkuwa'y tanong ko. Hindi pa rin sumagot si Daddy. "Dad, tell me, what do you want me to do?" "Marry Nathan instead." Nawalan ako ng kibo. Inaasahan ko nang iyon ang sasabihin niya sa akin pero nakakabigla pa rin pala kapag sa kaniya ko na mismo narinig. "I know this is so unfair to you, Tine, pero hindi ko kayang mawala ang kumpanya ng Lolo mo na ipinamana sa akin." Mababakas ang hirap sa boses nito. "Bakit mawawala, Dad? Anong kinalamanan niyon sa kasal ni Grace sa anak ng kumpare mo?" "Nabili na ng mga Monreal ang share natin sa kumpanya noon nang halos malimas ang pera natin nang ma-hospital ang Lolo mo. Para hindi tuluyang mawala sa akin ang pamamahala noon, si Pareng Nestor ang bumili ng share. At mapupunta lang iyon sa akin nang tuluyan kapag naikasal na si Grace kay Nathan." "Dad." "Bago ako na hospital, nakausap ko na ang Tito Nestor mo. Sinabi ko na sa kaniya na hindi na matutuloy ang kasal dahil nga umalis si Grace. Pero iyon ang sinabi niya, hindi puwedeng hindi matuloy ang kasal dahil na i-broadcast na ang nalalapit na kasal nila. Hindi raw puwedeng maging tampulan ng usap-usapan ang pamilya nila at pamilya natin dahil ikakabagsak ng negosyo natin iyon. Ginawa ko naman ang lahat para huwag na lang ituloy dahil wala na rito ang kapatid mo. Pero hindi siya pumayag, malaking kahihiyan iyon sa Monreal." "Hahanapin ko si Grace, Dad. Ibabalik ko siya rito," sabi ko. "Kilala mo ang kapatid mo, kapag umayaw, ayaw na niya," malungkot na sabi nito. "Paano naman ako, Dad? Gusto kitang tulungan, alam mo iyan. Pero iyong magpakasal sa lalaking hindi ko mahal, ni hindi ko pa nga nakikita sa tanang buhay ko iyon, Dad." Naiiyak na sabi ko. Gusto ko siyang tulungan pero hindi madali ang gusto niyang mangyari. "Anak, hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Alam kong napaka-unfair nito sa'yo. Sinubukan ko lang, nagbakasakali lang ako na baka pumayag ka kahit alam kong malamang sa hindi." Mariin akong napapikit para limiin ang sarili ko. "I want to talk to him," kapagkuwa'y sabi ko. "Sino?" "Si Nathan Monreal El Greco, Dad. I'm going to talk to him, ako ang makikipag-usap sa kaniya. Gusto kitang tulungan, alam mo iyan. Pero iyong magpakasal sa kaniya, hindi ko kaya iyon, Dad. Gusto kong magpakasal sa lalaking ako ang pipili para sa akin. Gusto kong mangako sa harap ng Diyos sa lalaking mahal ko." "Naiintindihan ko, Anak. I'm sorry." Tumayo na ako at tinapik ang likod ni Daddy. "It's okay. Kakausapin ko siya, Dad. Makikiusap ako sa kanila na ibalik na lang sa'yo ang shares mo sa kumpanya." "Okay lang, Anak. Ayaw ko lang iyong mawala sa atin dahil sa Lolo mo iyon pero kung wala na talaga, okay lang." Mababakas ang lungkot sa boses nito. "I'll do my best, Dad. Trust me, hindi mawawala sa'yo ang kumpanya ni Lolo," puno ng pangako na sabi ko. "It's okay, Tine." "No, its not okay." Hinalikan ko lang ang noo ni Daddy. "I love you, Dad. Trust me, okay?" "I love you, Tine." Ngumiti naman ako rito. "I'll go a head, Dad. Babalik ako dala ang good news, okay?" "Thank you, Tine. You take care of yourself, hmm." "I do." Iyon lang at tuluyan na akong lumabas ng kuwarto nito. Dumiretso ako sa aking kuwarto at saka naghanda sa aking pag-alis. Hindi naman umabot ng isang oras ay tapos na ako. Hindi na ako dumaan sa kuwarto ni Daddy para magpaalam. Nagmamadali na akong bumaba, nakasalubong ko pa sa hagdan si Tita Guada pero hindi ko na siya pinansin. Dire-diretso akong umalis ng bahay. Lulan ng kotse ko ay bumiyahe ako papunta sa Manila, sa Monreal Corporation ang sadya ko. Dahil medyo ma-traffic inabot ng isa't kalahating oras ang naging biyahe ko. Matapos kong mai-park ang kotse ko sa parking lot ng Monreal building, hindi muna ako bumaba. Kinalma ko muna ang sarili ko at taimtim na nagdasal na sana maging matagumpay ako. Na sana mapapayag ko si Nathan El Greco na huwag na lang ituloy ang kasal. Sana mapapayag ko siya. Sana ma-realize niya na hindi tama ang maikasal sa babaeng hindi niya naman mahal. Pero paano kung mahal niya si Grace?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD