Chapter 55 TUW

2747 Words

Jhauztine's POV "ILANG araw ka sa Singapore, Nathan?" tanong ni Daddy sa asawa ko habang magkakaharap kami sa hapag-kainan. Narito kasi kami sa bahay ni Daddy ngayon dahil nagpaalam si Nathan dito na aalis muna ng ilang araw at para akong batang ipinagbilin kay Daddy. "Isang linggo ho ako roon, Dad," sabi ng asawa ko, saka ginagap ang isang kamay kong nasa ilalim ng mesa. Mariin nitong pinisil iyon, saka ipinatong sa sarili nitong hita. "Hindi mo kasama ang asawa mo?" tanong pa ni Daddy dito. "Mamumundok na naman iyan kapag iniwan mo," natatawang dugtong pa ni Daddy na ikinasimangot ko. Nakita ni Daddy iyon kaya't ako naman ang binalingan nito. "Totoo naman, for sure habang wala iyang asawa mo sa gubat ka na naman maglalagi kahit may bahay ka namang uuwian." "Dad, naman eh." "Totoo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD