Chapter 56 TUW

3173 Words

Jhauztine's POV KINABUKASAN nagising ako na medyo mabigat ang pakiramdam ko. Iyong parang tamad na tamad akong kumilos na kahit ang maghilamos ay kinatamaran ko na ring gawin. Napilitan lamang akong bumangon nang makaramdam ako ng ihiin pero kaagad din akong bumalik at humilata sa kama. Hindi na ako inaantok pero kakaiba ang bigat ng katawan ko. Napatitig ako sa kisame habang iniisip kong bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon. Kung kagabi ay hindi ako makatulog, ngayon nama'y natatamad akong gumalaw. Kinuha ko ang cell phone ko at tiningnan ang oras. Alas-otso na pala ng umaga. "Hindi bale, mamayang gabi pa naman ang start ng program. Kahit humilata ako hanggang tanghali ay hindi ako magagahol sa oras." Naisatinig ko. Nag-dial ako sa number ni Nathan pero walang sumagot ng tawag ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD