"Mama Rosing, I miss you so much!" nagagalak kong bati pagkababang-pagkababa ko ng sasakyan.
Yaya ko na mula pa pagkabata si Mama Rosing. Halos siya na nga ang nagpalaki sa akin dahil busy ang parents ko sa mga trabaho nila. Kaya kahit kasambahay namin siya, Mama ang tawag ko sa kanya. Close rin kasi sila ni Mommy noong nabubuhay pa ito. Hindi na rin iba ang turing namin sa kanya.
Malaki ang ngiti niya sa akin habang nakatayo siya sa may pintuan. Sinalubong niya ako ng yakap at hinalikan sa sintido.
"Miss na miss na rin kita, Anak. Pasensya ka na at ‘di kita natatawagan. Ang hirap ng signal doon sa probinsya. Alam mo naman bundok na iyong amin.” Hinaplos-haplos niya ang buhok ko. “Nako, ang alaga ko magkakaanak na rin parang kailan lang ang liit-liit mo pa!" nakangiti niya pang bulalas habang inaalalayan akong pumasok ng bahay.
“Pasensya na po, Mama Rosing ‘di man lang kita inimbitahan sa kasal ko,” hingi ko ng paumanhin sa kanya. Iginiya niya ako sa sala at sabay na naupo sa couch.
Inilibot ko ang aking tingin sa mansyon namin. Hindi pa rin ito nagbabago. Kung ano ang itsura nito noon umalis ako ay siya pa rin ang ayos niyon pagbalik ko. Spanish style ang disenyo ng bahay namin. Kagayang-kagaya iyon ng mga bahay na makikita sa mga Mexican teleserye. Malaki iyon at may mahabang driveway mula sa gate. And harapan ay may fountain na may design na angel. Nakatayo ito at nakahawak ng banga kung saan nagmumula ang tubig. Sa ibaba ng angel ay may pabilog na malaking basin. Iyon ang sumasahod ng tubig mula sa banga. Naroon din namumuhay ang mga alaga naming carps. At dito naman sa loob ng mansyon, makikita ang makatawag-pansin na laki ng four-tier crystal chandelier. Iyon agad ang bubungad pagkapasok sa mansyon.
“Nako, okay lang iyon, Shin. Nasabi rin sa akin iyon ni Ma’am Angela. Bakit nga pala ‘di kayo magkasama ni Stuart?" Lumingon pa ito sa may pintuan na parang may hinahanap.
Malungkot akong ngumiti kay Mama Rosing. Ikwenento ko lahat sa kanya ang nangyari sa amin ni Stu. Wala akong ni isang itinago. Ramdam na ramdam ko ang isa-isang pagbagsak ng mga luha ko habang sinasabi ko ang lahat sa kanya. Somehow, gumaan ang pakiramdam ko nang masabi ko kay Mama Rosing ang lahat. I just realized na mas maganda pala talaga kapag may napagsasabihan ka ng nararamdaman mo. Especially if the one who listens is someone who can understand you. Someone who listens to all your rants without any judgements. Kaya I’m so thankful that I have Mama Rosing.
Hindi siya nagsalita pagkatapos kong sabihin lahat. Malungkot lang siyang ngumiti sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Ninamnam ko ‘yong init ng yakap niya. It’s like I found home in her arms. Ibang-iba ang pag-co-comfort niya kay Mommy Angela.
"Kapag ‘di mo na kaya ang sakit, pwede ka namang bumitaw," pagkalipas ng ilang minuto ay wika niya sa akin. Tiningnan niya ako sa mga mata at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Huwag mong pahirapan ang sarili mo, Anak. Iyong mga magulang mo itinuring kang parang prinsesa. 'Wag mong hayaang tratuhin ka ng ibang tao na parang basura. Hindi gugustuhin ng mga magulang mo iyon. Saka 'wag kang mag-aalala nandito naman ako lagi nakaalalay sa'yo. Alam mo naman na parang anak na rin ang turing ko sa'yo. ‘Di ka na naiiba sa akin. Kaya aalalayan kita hanggang sa makapanganak ka na. Nandito lang ako. Tutulungan kita sa pagpapalaki ng anak mo."
"Salamat, Mama Rosing," sinsero kong sambit sa kanya. Ngumiti ako sa kanya nang bahagya.
Kahit ano’ng sakit ang idinulot sa akin ni Stu ay nagpapasalamat pa rin ako kasi may mga taong handang tumulong sa akin. May mga naging karamay pa rin ako gaya ni Mama Rosing.
Sa totoo lang, alam ko naman ang pinupunto ni Mama Rosing. Pero naisip ko rin na may point din si Mommy Angela. Ang tagal ko ng nasasaktan, pero pwede naman siguro na magbasakali pa rin ako. One more try, one more risk, kung wala talaga, then I'll give up. I just want to prove to myself na ginawa ko nga ang lahat. At least, kung dumating ang panahon na kailangan kong magpaliwanag ay hindi ako mababaliktad. Because I know, I did my best. I tried everything I could, pero ‘yon nga lang wala talaga. So, I decided to stay in my parents’ manyon hanggang sa makapanganak ako. I was hopeful. Sana nga tama ang hinala ni Mommy Angela.
When I gave birth, to my surprise, Stu was there. Akala ko, it was time for me to give up na talaga kasi simula nang lumipat ako ng bahay, hindi niya ako binisita. Wala siyang paramdam sa akin kahit na text. Kaya laking gulat ko nang pagkagising ko siya ang una kong nakita.
Nakatulog kasi ako pagkatapos kong manganak. It was a normal delivery at buti na lang hindi ako pinahirapan ng anak nain. Naipanganak ko siya nang walang complications.
Napangiti ako nang makita ko siyang nakaupo sa couch na nasa tabi ng kinahihigaan ko. Nakayuko siya at nakapikit ang mga mata. He was crossing his arms across his chest. Medyo magulo ang itim nitong buhok na may side part hairstyle at magkasalubong ang mga kilay nito. Mukhang galing pa ito sa trabaho basi sa suot nitong white long sleeve polo na itinupi nito hanggang siko, black slacks at black shoes. Ang coat nito at nakasabit sa likod ng kinauupuan nito. Basi sa itsura nito, mukhang pagod na pagod ito at wala pang tulog. Medyo nangingitim kasi ang ilalim ng mga mata nito.
"Stu…" mahina kong tawag sa kanya.
Automatic na iminulat niya ang kanyang mga mata. Umayos siya nang upo bago tumingin sa akin. Kinusot-kusot niya pa ang mga mata niya. Nagkukumahog na tumayo siya at naglakad palapit sa akin.
Napangiti na lang ako sa inakto niya. Mukhang tama nga si Mommy Angela, magbabago ang pakikitungo ni Stu sa akin kapag napanganak ko na ang anak namin. Pero akala ko lang pala ‘yon. Biglang nawala ang umuusbong na pag-asa sa puso ko nang marinig ko ang sagot niya.
"Do you need anything?" malamig pa sa yelo niyang tanong.
Nadismaya ako. Akala ko okay na, mukhang hindi pa rin pala.
"I'm good, don't worry about it. Nasaan na si baby?" mahina kong tanong sa kanya.
Hero na naman ‘yong puso ko na parang pinupunit sa sakit. Umasa na naman ako. Palihim akong napailing at mapait na ngumiti.
"She's in the nursery. Dadalhin siya maya-maya ng doktor dito. You'll be able to see her," anitong tumayo at pumunta sa may mesa na nasa kaliwang bahagi ng hospital bed na kinahihigaan ko. Kinuha niya roon ang isang nagpapawis na pitsel na may lamang tubig. Kumuha rin siya ng baso katabi ng pitsel at nagsalin ng tubig sa baso.
"Water?" alok niya sa akin.
"Yes, please."
Lumapit siya sa akin at inabot ang baso ng tubig. Tinulungan niya rin akong makabangon para makainom ng tubig. Ini-adjust niya rin ang hospital bed para umangat ang uluhan nito. Nang sa ganoon ay maging komportable ang pag-upo ko. Medyo mahirap pa sa akin ang kumilos dahil sa tahi ko sa may perlas ng silanganan ko.
Pagkatapos niya akong painumin ng tubig, pumunta siya ulit sa may mesa at ipinatong ang nagamit kong baso na wala ng laman.
"Do you have a name for her?" tanong ko sa kanya.
Umupo siya ulit sa kinauupuan niya dati bago ako sinagot. "Alexandra Gabrielle."
I feel happy that he has a name for our daughter. Mukhang ito na yata ang sinasabi ni Mommy Angela. A great start indeed.
Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. May naisip na akong pangalan sa amin pero okay lang din naman ang pangalan na napili niya. "That’s a nice name. Thank you for naming her.” Matipid akong ngumiti sa kanya pero nananatiling malamig ang trato jiya sa akin. “How long have you been here?"
"As soon as you enter the delivery room,” anitong parang balewala lang at humalukipkip ulit.
Nanlaki ang mga mata ko sa sagot niya. ‘Di ko inaasahan na nandito na pala siya noong panahong iyon. Does it mean he still cares for me?
"Why didn't you go inside?"
"Why do I have to?” Tinaasan niya ako ng kaliwang kilay. “Saka nga pala pagkalabas mo rito, sa bahay ka na tumuloy. I worked so late at gusto kong pag-uwi ko ng bahay makikita ko si Alex bago matulog. And I don't want to hear any, 'no'," he demanded in a dismissive tone.
Nanahimik na lang din ako. Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Kung ayos na ba kami or ano ba? Galit pa ba siya sa akin? What's the real score between us? Is he giving me a chance now?
Nasa malalim akong pag-iisip nang may marinig akong mahinang katok mula sa pinto. Pagkatapos ng ilang segundo ay bumukas ang pinto. Iniluwa mula roon ang doctor kasama ang nurse na tulak-tulak ang bassinet kung saan nakahiga ang anak namin ni Stu.
Napangiti ako nang malaki nang iniabot sa akin ng nurse ang baby ko. Napaluha ako sa saya. Ganoon pala ang feeling kapag nahawakan mo na sa unang pagkakataon ang anak mo. Iyong pakiramdaman na parang walang mapagsisidlan ng tuwa ang puso mo. It's like your heart is about to burst because of happiness.
"Hi, Baby. I'm your mommy and I love you so much." Hinalikan ko ang noo niya at nilaro-laro ang maliit nitong kamay. Mas lumawak pa ang ngiti ko nang makita kong hinawakan ni Baby ang hintuturo ko.
"Thanks, Doc,” pasasalamat ko sa doctor. Bahagya ko pa itong tiningnan.
"You're always welcome and congratulations for the both of you. You have a very healthy baby, not to mention, a very pretty one." napapangiting puri niya. "We have conducted newborn screening tests to her and everything came back normal. So, bukas pwede na kayong lumabas. I'll just have the nurses prepare your discharge papers para bukas you can just sign it and you're good to go."
"Thanks, Doc," sabay naming sabi.
Napatingin ako kay Stu. I saw him so attentive to our baby’s pedia. Palihim akong napangiti. At least hindi mararamdaman ng anak ko ang indifference ng ama niya sa akin. Or maybe this is a sign that we can really fix our relationship.
Tumango lang ang doktor at nagpaalam na rin na umalis.
"Can I carry her?" masuyo nitong tanong. Halata ang pagniningning ng mga mata nito habang nakatingin sa anak namin.
Tumango ako at ibinigay si Alex sa kanya. He is struggling to carry her. Halatang ‘di niya alam kung papaano kakargahin si Alex. Kaya naman iginiya ko siya sa tamang paghawak. I attended the childbirth and newborn care classes kaya may alam ko na ang tamang pagkarga ng bata. Kung nagkaayos lang sana kami ni Stu baka sabay pa kaming dalawa na nag-attend sa mga classes.
I saw how Stuart looked at our daughter. Halatang mahal na mahal niya ito. The way he looks at our daughter gives me hope. Maybe if he sees me how much I love our daughter he will have a different opinion of me. Siguro mapapatawad na niya ako at baka ito na iyong sinasabi ni Mommy Angela na pagkakataon kong maayos ang relasyon namin ni Stu.
MASAYANG-MASAYA si Mommy Angela nang malaman niyang babalik na kami sa bahay. Hindi na niya pinasama si Mama Rosing para daw may mag-aasikaso pa rin sa bahay ng parents ko.
Gaya ng dati, nasa magkahiwalay pa rin kaming kwarto pero imbes na sa dating kwarto ko ako natutulog, doon na ako natutulog sa nursery room. Pinalagyan lang ni Mommy Angela ng kama. Gusto ko kasi na nasa tabi lang ang anak ko lalo na at bini-breastfeed ko siya.
Kaya minsan pumapasok si Stu sa kwarto para makita ang baby namin. May pagkakataong nakakatulog na siya sa couch na katabi ng kuna habang nakahiga si Alex sa dibdib niya.
Nakita ko kung gaano ka buting ama si Stu at kung gaano niya kamahal ang anak namin. Minsan kahit pagod na siya sa trabaho, he always makes sure na may bonding time sila ni Alex.
Iyon nga lang iyong pagsasama namin, wala pa ring nagbago. Kinakausap niya lang ako kung ang topic namin at si Alex, other than that, wala na. Sa tuwing inuungkat ko ang about sa amin, umaalis agad siya o ‘di kaya magkukunwari na walang naririnig.
"Tulog na ba siya?"
Napalingon ako sa may pinto. Bahagyang nakadungaw ang ulo niya na para bang nag-aalangan pumasok.
Nakaupo ako sa couch at nakapatong ang mga paa sa ottoman habang bini-breastfeed si Alex.
Nakasuot ako ng kulay itim na sleevess na pantulog para madali lang sa akin ang pagpapadede sa baby namin.
"Hindi pa pinapadede ko muna tapos after ko siya ipadighay, papatulugin ko na siya.". nakangiti kong sagot sa kanya.
Tuluyan na siyang pumasok ng pinto. Nakasuot siya ng sandong puti at kulay blue na boxers. Halatang kaliligo niya lang base sa basa niyang buhok at nanunuot din sa ilong ko ang bango ng after shave niya.
"When you're done, ibigay mo na siya sa akin at ako na ang magpapatulog. You can go to sleep too if you want."
"Okay." Inayos ko ang damit ko para matakpan ang naka-exposed kong dibdib nang makita kong hindi na dumedede si Alex.
Tumayo ako at binigay ang baby sa kanya. Lumipat ako ng upo sa kama, habang siya naman ang umupo sa couch. I felt so happy just by looking at them.
Pinahiga niya ulit si Alex sa dibdib niya at hinaplos nang hinaplos ang likod nito hanggang sa makatulog na ito. Nang masigurong tulog na si Alex, inilipat niya ito sa crib at hinalikan sa noo bago umalis.
Ni hindi man lang siya nagpaalam o tumingin sa direksyon ko. Nakaramdam ako ng galit. Hanggang kailan ko ba mararanasan ang ganitong pagtrato mula sa kanya? Nakapanganak na lang ako at lahat gano'n pa rin.
Nagpasya akong sundan siya. Naabutan ko pa siyang papasok sa kwarto niya.
"Stu, pwede ba tayong mag-usap?" tawag ko sa kanya. I'm having mixed emotions and I want to be calm as much as I can.
"Not now, Shin," anitong pumasok pa rin sa kwarto nito at akmang isasara na ang pinto.
Hinarang ko ang sarili ko para ‘di niya maisara iyon. Itinulak ko ang pinto ng buong lakas para makapasok sa loob.
"What the hell?" nanlaki ang mga matang angal niya. Napaatras pa siya sa ginawa ko. ‘Di niya inaakalang gagawin ko iyon. This is the first time na nagpumilit akong kausapin siya. Kaya ‘di na nakapagtataka ang reaksyon niya.
"I'm sorry, I'm just so desperate to talk to you."
"I told you, this is not the right time," madiin niyang sabi. Halatang nagagalit na naman siya sa akin. Nagsimula na namang kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
"Then, when is the right time? Nakapanganak na ako at lahat, hanggang kailan ba ako maghihintay? Sabihin mo nga sa akin, do you dread me that much? Kasi ako hirap na hirap na ako! Hindi ko na alam ang gagawin. I want to give Alex a complete family. Hindi mo nga ako sinasaktan ng pisikal pero the way you treated me na para lang akong hangin kung daan-daanan mo, mas masahol pa sa pisikal na p*******t ang nararamdaman ko!" I sobbed.
"You should have seen it coming when you betrayed me, Shin," anitong inilagay ang dalawang kamay sa bewang nito.
"Oo na, oo na! I broke your trust and I regretted it too much pero hanggang kailan mo ako papahirapan nang ganito? Have I not shed too much tears already? Ilang baldeng luha pa ba ang kailangan kong iiyak?" Inis na inis kong pinunasan ang mga luha ko gamit ang mga kamay ko. Nakakainis na kasi ‘yong lagi na lang akong umiiyak. Iyong feeling na ano pa ba ang dapat kong gawin?
"Itulog mo na lang iyan, Shin," anitong tinulak ako nang mahina sa likod palabas ng pinto.
"Bakit ba kasi ayaw mong makipag-usap sa akin?" Nagpupumiglas ako sa kanya. Ayokong lumabas ng kwarto niya. Gusto kong tuldukan ang lahat. Gusto kong malaman dahil sa isasagot niya nakasalalay ang desisyon ko. I can't live like this anymore.
"Sinasabi ko na sa'yo na ‘di ito ‘yong tamang pana--"
"Stuart, sino yan?"
Pareho kaming nabigla nang may magsalita sa loob ng kwarto niya, parehong nanlaki ang mga mata namin.
Agad akong napatingin sa direksyon ng boses na iyon. Parang sinaksak ang puso ko ng ilang beses nang makita ko ang isang babaeng nakaupo sa gitna ng kama ni Stu na mukhang kakagising lang.
And I think this is my last straw…