I thought everything would be different once na magkaanak kami ni Stu, pero hindi pala. Akala ko, he will fall in love with me eventually. Kaya pala maraming namamatay sa maling akala dahil akala ko lang pala iyon.
Imbes na mag-level up ang relasyon namin parang nag-downgrade pa yata. Hindi na sya ang Stuart na kilala ko, mistula na kaming estranghero sa isa’t-isa.
Lagi siyang wala sa bahay. Every opportunity na may kailangan na mag-out of the country because of business ay siya agad ang nag-vo-volunteer. It seemed like he didn't want to be around me anymore. That was why he always preferred to be away. Pinapayagan naman siya ni Mommy Angela. I guess walang magawa si Mommy Angela sa desisyon ni Stu.
Kaya naman sa mga monthly check - ups ko ay wala siya. I know he loves our baby dahil sa bawat pag-uwi niya galing abroad, may mga pasalubong siya sa baby namin. Though, hindi niya sa akin binibigay ang mga pasalubong niya kay baby, diretso nitong inilalagay sa bakanteng kwarto na ginawa ni Mommy Angela na nursery room.
Kahit wala siya, lagi ko siyang ina-update sa mga check-ups ko. I sent him the copies of the sonograms. Iyon nga lang, wala akong reply na natatanggap… Puro seen lang.
It pained me pero I have to admit it’s all my fault. These are the consequences of my actions. And I have to accept it. Kapag nasa bahay naman siya, lagi ko pa rin siyang pinaghahanda ng makakain. Pero gaya ng dati, ‘di niya iyon kinakain.
Sa totoo lang nahihirapan na ako sa pagtrato niya sa akin. Araw-araw parang kinakatay ang puso ko sa sakit. Ilang beses na ba na nagtangka akong kausapin siya pero hindi niya ako napapansin? Maraming beses na. I want to get away for awhile para makapag-isip nang mabuti. Kong tama pa ba itong ginagawa ko o hindi na? Dapat ko pa bang ipaglaban ang nararamdaman ko or hindi na? May pag-asa pa ba o wala na? Or is it time for me to give up?
Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Nasa loob ako ng kwarto ko at nakaupo sa couch na naroroon. Actually, kanina pa ako gising pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto. For some odd reason, hindi rin ako nagugutom.
Inabot ko ang cellphone ko na nakalagay sa ibabaw ng center table. Excited akong tiningnan iyon sa pag-aakalang si Stu iyon, but to my dismay si Risha lang pala.
I heaved a sigh. Ba’t pa ba ako patuloy na umaasa? Para saan pa?
I decided to answer the call.
“Hello?” pilit ang siglang sagot ko sa tawag.
[Girl, kumusta ka na? I just got back from Japan. I have been wanting to see you so badly. Ang dami kong pasalubong to my soon-to-be inaanak. Saan ka ba ngayon?]
"I miss you too, Risha. I'm here in the house. Ang laki-laki na ng tiyan ko at nahihirapan na akong lumabas--"
[Okay, no problem. I'll be there in a jiffy.] Putol niya sa iba pang sasabihin ko. Hindi na niya ako hinintay na sumagot dahil pagkasabi noon ay binabaan niya na ako ng telepono.
Napailing na lang ako. Tiningnan ko ang cellphone ko at inilagay iyon sa tabi ko. Marahan kong hinaplos ang malaki ko ng tiyan habang maingat na sumandal sa sandalan ng couch. Hindi na ako nag-abala pang maghanda dahil tapos na rin naman akong naligo pagkagising ko kanina. Sa katunayan ay medyo basa pa ang buhok ko dahil hindi ko ito bin-lower kanina. Hinayaan ko lang na nakalugay ang itim at alon-alon kong buhok, Nakasuot lang din ako ng black maxi dress na may disenyong sunflower.
After 15 minutes ay dumating na si Risha sa bahay. Dalawang katulong sa bahay ang tumulong sa kanya para bitbitin ang mga dala niya. Napanganga na lang ako nang pagbuksan siya ng pintuan. Dumiretso kasi siya sa kwarto ko. ‘Di nga siya nagbibiro nang sabihin niyang ang dami niyang pasalubong.
Nagbeso-beso kami at nagdesisyon akong sa nursery na kami mag-usap habang inaayos ang mga pasalubong niya. Naupo ako sa single couch habang siya naman ay nakaupo sa ottoman na nasa harap ng kinauupuan ko.
Isa-isa kong binuksan ang mga paper bag na dala niya. Ang isa ay naglalaman ng mga cute na onesies na may iba-ibang kulay. Ang iba ay may mga funny statements pa.
"So, how are you?" tanong niya sa akin habang inaabot sa akin isa-isa ang mga paper bags na nasa sahig. Ako naman ang tagabukas niyon at inaalis ang mga laman niyon.
"I'm fine, I guess?" I put the onesies on the arm of the chair. Napabuntong-hinga ako. Ni hindi ko man lang magawang maging masaya dahil sa sitwasyon ko.
Hinawakan ni Risha ang kamay ko kaya napahinto ako sa paglalabas ng mga onesies sa paper bag. Tumingin ako sa kanya.
"I know I don't have the right to tell you what to do, but you are my friend at parang kapatid na rin kita, but are you really sure you want to keep this up?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
"To tell you honestly, hirap na hirap na ako. Lahat naman ginawa ko na pero parang kulang pa rin. Siguro karma ko na nga ito kasi pinipilit ko ang isang bagay na dapat in the first place ay hindi ko ginawa. What should I do, eh nandito na ito? ‘Di ba pwedeng tanggapin na lang namin? Tanggapin na lang niya? What else do I have to do para mapatawad niya ako? Kulang pa ba ang effort ko?" I sobbed. "Ilang weeks na lang manganganak na ako pero wala pa ring pagbabago."
She stood up and sat down on the other arm of the couch and wrapped her arms around my shoulder.
"If it hurts too much and you can't take it anymore, then don't you think it's time to let go? You deserve to be happy, Shin. Hindi mo kailangan na ipagpilitan ang sarili mo sa isang tao na ‘di naman nakikita ang worth mo bilang babae. Besides may baby ka nang dadating, this kind of environment is not healthy for her. I hope you realized that," maingat na payo niya sa akin sabay haplos sa tiyan ko.
And it was as if a light bulb lighted. I think she's right. Ilang buwan na ba akong nasasaktan? Ang daling sabihin na bumitaw na pero ang hirap namang gawin. Isa pa, kaya ko ba?
HINDI pa rin ako makatulog. Ilang oras na rin ang nakaraan simula nang umalis si Risha pero hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa sinabi niya. Gumabi na lang at oras na para matulog pero heto ako at gising pa rin. Ilang beses na akong nagpabiling-biling sa higaan. I feel so suffocated. Kahit ilang beses kong isipin, Risha has indeed a point.
Bigla may naisip ako. I need to speak to Mommy Angela. I stood up and decided to go to her office. Magbabakasali ako na baka gising pa siya.
Dali-dali akong naglakad papunta sa office ni Mommy Angela. Nabuhayan ako nang loob nang makita kong bukas pa ang ilaw ng office niya. Huminga muna ako nang malalim na para bang mabibigyan ako ng maraming lakas ng loob sa pamamagitan noon. I made up my mind. Alam kong dapat ito ang kailangan kong gawin. I just hope na magiging supportive pa rin siya sa akin gaya ng dati.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan ng office niya. Hindi ko na hinintay na sumagot siya at binuksan ko na lang ang pinto.
Nakita kong nakatingin na si Mommy Angela sa akin habang papasok ako. Nakaupo siya sa swivel chair niya. Mukhang sobrang busy niya dahil sa nagkalat na mga dokumento sa mesa niya. May hawak siya na dokumento sa kaliwang kamay at sa kanan naman ay ballpen. Inumuwestra niya ang silya sa tapat niya, tanda na pinapaupo niya ako doon.
I sat down and looked at her. She was just looking at me like urging me to speak up. I have to admit, parang dinadaga na naman ang puso ko habang nakatingin kay Mommy Angela. Kahit ba normal lang naman siyang nakatingin sa akin. She’s wearing her normal b-tch face.
"Mommy, I just want to thank you po for everything that you've done for me. You've treated me like your own daughter and I know saying thank you is not enough," panimula ko.
"Why are you thanking me, Shin?" Ibinaba niya ang mga hawak niya sa mesa at nakapalumbabang nakatingin sa akin.
"Mommy, sumusuko na po ako." Unti-unting nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo. Nasasaktan akong isipin na rito na lang talaga. "I tried everything pero parang wala pa ring nangyayari. Siguro po mas makabubuting hayaan ko na lang si Stuart. The more po kasing nag-eeffort ako para mapansin niya or mapatawad niya, mas lalo siyang lumalayo kaya naisipan kong tama na po siguro. At least masasabi ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat. ‘Yon nga wala pa rin po talaga. Hindi pa rin sapat." Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Ang sakit kasing isipin na may mga bagay talagang kahit anong gawin mo kung hindi sa'yo, hindi talaga magiging sa'yo.
"I understand if iyan ang desisyon mo, maybe it is really a good decision to let him do whatever he wants to do right now. And you—“ Sabay turo niya sa akin. “—do what you have to do. Sabi nga nila, ang taong pinupwersa mas lalong nagrerebelde. Maybe if you will stay low, that will work. Good thinking, Shin," anitong ngumiti pa na parang nasisiyahan pa sa sinabi ko.
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Parang ‘di niya yata naiintindihan ang gusto kong mangyari.
"No, Mommy,” agad kong salungat sa kanya. “What I'm trying to say is magfa-file po ako ng annulment. Alam ko pong Stuart is not fully aware na totoo ang kasal namin, but can we do the same thing with annulment? Papalayain ko na po siya. This setup is not healthy for me and our baby. I'm thinking this is the right thing to do," I said as I was drying my tears.
"Well, you're clearly not thinking right, Shin. Ngayon ka pa ba susuko? Ngayon pa na malapit ka ng manganak?!"
Nanlaki ang mga mata ko sa bahagyang pagtaas ng boses niya. Mukhang ‘di niya nagugustuhan ang binabalak ko.
"Pero kasi po--"
"No," putol niya sa sasabihin ko. Naging malumanay ulit ang boses niya. "I really want you as my daughter, Shin and I want your relationship with my son to work out. How about we do what you decided to do except the annulment part? Give Stu some space. You can stay at your parents house for a while. Dumating na si Rosing mula sa probinsya, hindi ba? May makakasama ka na sa mansyon ninyo or I can have one of the maids here to accompany you. Though may mga katulong pa rin naman doon sa mansyon, mas mabuti ‘yong marami kang kasama.” She heaved a sigh.
“Kilala ko ang anak ko, Shin. He loves your child dahil kung talagang wala siyang pakialam sa bata, ‘di niya ito pag-aaksayahan ng panahon para bilhan ng kung anu-ano. He's just mad. Give him space and another chance to redeem himself. He's almost there, ngayon ka pa ba susuko? Just wait and see when you already gave birth, mag-iiba na ang pakikitungo ni Stu sa'yo."
"Pero--"
"Give him two months. In 3 weeks, manganganak ka na. I assure you once na makita niya ang anak niyo magbabago ang pakikitungo niya sa iyo. And if it's not, then I will be the one to work on your annulment," pangungumbinsi pa niya sa akin. "So, what do you say? Two months is not that long. Besides, you're not only doing this because of yourself, but you're also doing it for your child. Do you want to risk it or not? I know you're a smart, strong girl, Shin. I know you’ll decide wisely."
"I don't know, Mommy. All I want right now is to get away. Free myself a bit," nalilito kong sagot.
Sa totoo lang, dahil sa sinabi niya, nagkaroon ulit ng pag-asa ang puso ko. There's a big possibility na kapag napanganak ko ang anak namin baka nga maging iba na ang pakikitungo niya sa akin. It's totally different kapag nahahawakan na niya ang bata kaysa sa nasa tiyan ko pa lang ito. And I’m sure, he will have no choice but to talk to me again for the sake of our child.
I bit my inner cheek. Ano, susugal ka na naman ba, Shin? Magpapakatanga ka na naman? Pero paano nga kung mag-work? Is risking another chance worth it?
"So, it's settled then. I'll have the driver drop you off at your parents house tomorrow. Think it over while you are away. Call me when you have decided."
I know she can tell by my expression that I was somehow convinced about her suggestion even though I’m still undecided. Honestly, I'm glad that I talked to her. Kaso mukhang nakasama yata, kasi ang tanga kong puso ay umasa na naman.