"Ano ‘yong nababalitaan ko na nagkagulo raw kayo dito habang wala ako?" bungad sa akin ni Mommy Angela pagkapasok ko ng opisina niya. Nandito na ulit siya sa bahay at marahil ay tapos na ang business meeting niya sa ibang bansa.
Nakaupo siya sa couch habang sumisimsim ng kape. Walang imik na umupo ako sa tapat ng kinauupuan niya. Unti-unti ko na namang nararamdaman ang pag-iinit ng mga sulok ng aking mga mata. Naiiyak na naman ako kapag naaalala ko ‘yong nangyari. Kung bakit naman kasi ang tanga-tanga ko? Naging masyado akong kampante. Ni hindi ko man sinigurado kung may makakarinig sa amin o wala.
Napayuko ako. Hinila-hila ko ang mga daliri ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mommy Angela ang nangyari.
Hindi natuloy ang pag-alis ni Stu. Hindi ko rin alam kung bakit. Akala ko talaga tuluyan na siyang aalis sa mansion noong iniwan niya ako sa sala. Kaya ganoon na lang ang gulat ko nang bumalik siya. ‘Yonng lang marami na ang nag-iba. Ang dating kwarto niya na laging nakabukas para sa akin ay naka-lock na ngayon. Looks like he doesn’t want to do anything with me anymore. I guess he hates me that much.
And I don't know if it's just my pregnancy or not, but just seeing Stu makes my heart ache. I miss him so much. I miss the old us. But I know I just have to be patient because one day, there will be an ‘us’.
"So, care to tell me what happened?" tanong ulit ni Mommy Angela.
Ibinaba niya ang tasa ng kape sa mesa at mataman na tumingin sa akin. She crossed her legs. She’s wearing this poker face. Hindi ko tuloy mabasa kung galit ba siya sa akin o hindi.
"I'm pregnant, Mommy..." nanginginig ang boses na imporma ko sa kanya.
Tumaas ang kanang kilay niya. It’s like she didn’t like what I said. "I'm sensing a but..."
"Stuart knows I’m pregnant, but I don’t know if he’s happy or not. What I do know is that he detests me so much. And that’s because of what he heard." I bit my lower lip. And in a low voice, I told Mommy Angela about the conversation I had with Risha and how Stu accidentally heard it.
Hindi siya umimik pagkatapos kong ilahad sa kanaya ang nangyari. Sumandal lang siya sa couch at tumitig sa kape na para bang nandoon ang sagot. And after a few minutes of silence, she sighed.
"That's not good. I know my son.” She clasps her hand. “This might be a little difficult now. But then again, there’s no problem that can't be resolved."
Tumayo siya at pumunta office table niya. Inangat niya ang receiver ng phone at itinapat iyon sa tenga niya. Hindi ko na narinig kung sino ang tinawagan niya. Mas nag-wo-worry ako sa magiging kahihinatnan namin ni Stu ngayon galit na galit siya sa akin.
Nagulat na lang ako nang may kumatok sa pinto. Napatingin ako doon. Unti-unti ‘yong bumukas at iniluwa roon si Stu. Mukhang siya siguro ang pinatawag ni Mommy Angela. He is wearing a black shirt, a gray jogger shorts and black nike slippers. Nakapasok ang mga kamay nito sa magkabilang bulsa. Mukhang bagong ligo pa lang ito base sa basang buhok nito.
Agad bumilis na t***k ng puso ko pagkakita sa kanya pero may kasamang kirot iyon. God, I really miss him so much. Tinitigan ko siya, nagbabakasakaling mapansin niya ako. Pero ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Nakatayo lang siya malapit sa pinto pagkatapos nito iyong isarado.
Tumingin si Mommy Angela sa akin at pagkatapos ay kay Stuart. Nagpakawala ulit siya ng malalim na buntong hininga. Pailing-iling na naglakad siya pabalik sa couch at umupo sa pwestong iniwan niya kanina.
"What is it, Mom?” nababagot na tanong ni Stuart. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa couch at tumabi ng upo sa nanay niya.
Ni hindi man lang niya ako pinagkaabalahang tingnan.
"Shin is pregnant,” anunsyo ni Mommy Angela. Sumandal siya sa sofa at nakadekuwatrong tiningnan si Stu.
"I will not marry her,” matigas na sabi ni Stu. Matalim niya akong sinulyapan bago tiningnan si Mommy Angela. Kuyom na kuyom ang mga kamao niya at magkasalubong ang mga kilay. “If that's what you're telling me, Mom. She already has our name. In-adopt niyo na siya, hindi ba?"
"And how about the baby? Are you trying to say na kikilalanin kang tiyuhin ng sarili mong anak? Just think of those times when you missed your father. Just think what would happen? My, God! It will be a great scandal! Lalo na kung malalaman ng lahat na anak mo ang batang dinadala ni Shin!"
"Well, she could've thought of that before scheming me over. Ngayon, may madadamay pang bata. I will never marry her. I will never give her that satisfaction!"
Madilim ang ekspresyon niyang nakatingin na sa akin. Napayuko na lang ako at napapakagat-labi. Ang sakit pala kapag harap-harapang sabihin sa iyo na ‘di ka gustong pakasalan ng taong mahal mo. Tumitig na lang ako sa mga red roses na maayos na naka-arrange sa isang crystal vase na nasa ibabaw ng center table. Pigil na pigil ko ang mga luha kong tumulo. Baka kasi ma-misinterpret pa ni Stu at sabihin niyang nagdadrama ako.
"You don't have to, if you don't want to. Let's just staged it that what we celebrated before was actually your wedding and not because I adopted Shin. From now on, if anyone asks, we'll tell them Shin is your wife and not your sister."
"What?! Lolokohin natin ang mga taong kilala natin? Ano’ng kalokohan ‘yan, Mommy?!" Napatayo siya at hinawi ang vase na kanina ko pa tinititigan. Nalaglag iyon sa sahig at gumawa ng malakas na ingay. Nagkalat ang mga bubog nito nang malaglag sa sahig, pati na ang mga red roses at ang tubig sa loob ng vase.
Pareho kami ni Mommy Angela na napatingala sa kanya. Parehong nanlaki ang mga mata namin habang nakatingin kay Stu. He has this murderous look on his face. At kahit ako ay hindi maiwasang matakot sa kanya.
Kunot-noong tiningnan siya ni Mommy Angela. "Well, what do you want?! Are you saying that you'd rather lie to your child than to other people? You'd rather want to hurt an innocent child instead? Ganoon ba, Stu?!"
"I can't believe it, parang naging kasalanan ko pa ang lahat?!" Matalim ulit siya na tumingin uli sa akin. "This is what your evil scheme brought us, Shin! Don't you dare tell everyone na mag-asawa 'kuno' tayo dahil kapag ipinagkalat mo ‘yan, I don't care even if kunwari lang, I will make sure you'll regret it! ‘Di mo magugustuhan ang gagawin ko panigurado iyan!" aniyang dinuro ako. Sinipa pa niya ang nananahimik na paa ng center table bago umalis.
Doon na bumuhos ang luha ko. ‘Di ako makahinga sa sakit. Parang pinipiga ang puso ko tapos sinaksak iyon ng ilang beses. Iyon na nga, mag-asawa kami pero akala niya kunwari pa rin just to save my baby's fate. Ang lahat ay kunwari pa rin sa pananaw niya, kahit iyon naman ang totoo.
Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kirot nito.
"Hush now, Shin. Walang magagawa ang iyak mo sa mga nangyayari. Now, be a good wife to my son. Don't expect me to do everything for you, you have to work too, you know? Now, off you go," anitong tumayo na para bang walang tensyong nangyari at nagpunta sa working desk niya at mukhang magsisimula na namang magtrabaho.
At some point, napaisip ako. Bakit ganoon si Mommy Angela? Hindi niya ako inalo or niyakap. Para bang isang transaksyon lang ang nangyari. Ni hindi man lang siya natuwa na buntis ako.
Something is fishy. Alam kong hindi ko dapat siya paghinalaan ng masama pero ewan ko ba, hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-overthink.
HINDI pa rin nagbabago ang pakikitungo ni Stu sa akin. Mukhang mas nagalit pa siya sa akin pagkatapos kaming kausapin ni Mommy Angela. Hindi ko naman siya masisisi kasi alam kong mali ko rin naman. I tricked him. Kaso mahal na mahal ko talaga siya and I'm willing to do everything. Bakit hindi niya makita iyon? Bakit kailangang mabulag siya sa galit at hindi man lang naisip ‘yong mga panahong pinagsamahan namin? Isa pa hindi lang naman ako ang nagplano ng lahat! May kinalaman din naman si Mommy Angela sa nangyari sa amin!
Gaya na lang ngayon, naghanda ako sa kanya ng paborito niyang agahan na tapsilog. Gumawa pa ako ng paborito niyang sawsawan na toyo na may kalamansi at tatlong sili. Pinagtimpla ko rin siya ng black coffee, no sugar. Feel na feel ko ang pagiging maybahay niya kahit hindi pa naman kami okay. Suot ko ang sunflower maxi dress na may spaghetti strap. Pinatungan ko pa iyon ng black apron na may ruffles-ruffles pa. Kulang na lang sa akin ay ‘yung headband na katulad sa mga maid cafes.
Hinahanda ko na ‘yong mesa nang makita ko siyang pumasok ng dining room. He was wearing his black suit. He looked so dignified. Mukhang papasok na siya ng opisina. Tamang-tama at nakapaghanda na ako. Lagi kasi akong nagigising nang maaga para mapaghanda ko lang siya ng agahan. Baka sa paraang ito ay mapatawad niya ako.
"Good morning, Stu. Gutom ka na ba? C'mon, I prepared your favorites. Dig in," masigla kong yaya sa kanya. May nakaplaster pa akong malaking ngiti sa mukha.
And just like any other day, he ignored me. Nilampasan niya lang ako na animo wala siyang nakikita o naririnig. Dire-diretso lang siyang pumasok ng kusina.
Walang katao-tao sa kusina kaya sinundan ko siya. Naabutan ko siya doon na nagtitimpla ng kape.
"Stu, ‘di mo na kailangang gawin iyan. May hinanda na akong kape sa iyo doon sa dining table."
Nanatili ako sa likuran niya. ‘Di siya sumagot. Ni hindi man lang niya ako nilingon.
"Stu..." tawag ko ulit sa pangalan niya.
Still no reaction. Patuloy pa rin siya sa pagtitimpla ng kape na para bang ‘di ako nag-e-exist. ‘Yong malaki kong ngiti kanina nang papasok siya ng dining room ay unti-unting nawawala. Pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko. Unti-unti na ring nanlalabo ang mga mata ko. ‘Ayon na naman ang sakit.
Hanggang kailan ba ako masasaktan?
Lumapit ako sa kanya. Marahan kong ipinalibot ang mga braso ko sa kanyang bewang. Ramdam na ramdam ko ang init ng likod niya lalo na nang ilapat ko ang pisngi ko sa kanya. Napahinto siya sa kanyang ginagawa. Umusbong ang ligaya sa puso ko dahil hindi siya umiwas sa yakap ko. Hinayaan niya lang ako.
Napatawad niya na ba ako? Hindi na ba siya galit sa akin?
A small hope arises in my heart.
"Stu, I'm sorry. Please, sorry na,” naiiyak kong sambit sa kanya. Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya.
Pero ang pag-asa na iyon na nagsisimulang umusbong ay agad namatay nang marinig ko ang sagot niya.
"Bitaw,” mahinahon niyang babala pero I just ignored it mas niyakap ko pa siya.
"Stuart naman... please? I know malaki ang kasalanan ko. Let me make it up to--"
"Bitaw…" ngayon ay mas matigas niyang utos.
"No, I will not! Hear me out please? Ano ba’ng kailangan kong gawin para mapatawad mo ako? We are friends... mag-best friends pa nga tayo. Why is it so hard for you to forgive me? Why can’t you listen to my explanations? I will make it up to you naman, eh," I pleaded.
"’Yun na nga!" Marahas na inalis niya ang mga braso kong nakayakap sa kanya at humarap sa akin. "I treasure you so much and you'd betray me? What kind of friend are you? Nakakatulog ka pa ba sa gabi because the pain you're putting me through is just absurd! Iniisip ko ano bang ginawa ko sa'yo para ilagay mo ako sa ganitong sitwasyon?!" galit na galit na sigaw niya sa akin.
"I love you, Stu-"
"L*tseng pagmamahal iyan, Shin," putol niya sa iba pang sasabihin ko. "You're so selfish! Ang importante lang sa'yo ang nararamdaman mo! Bakit ano’ng meron diyan sa nararamdaman mo na nag-va-validate ng ginawa mo?! Bakit mas importante ang nararamdaman mo sa nararamdaman ng iba?! Ano?! Na-ju-justify ba ng sinasabi mong pagmamahal ang nararamdaman ko ngayon?! In the first place, do you even know what kind of pain you put me through?! Do you even have any idea?!"
Hindi ako makasagot. Natutulalang nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko siya maintindihan!
He scoffed. “Of course, you don’t!”
Akmang aalis na siya sa kusina dala ang tinimpla niyang kape, pero napatigil ulit siya sa paghakbang nang narinig niya ang boses ko.
"I-I w-was just so desperate. I know walang kapatawaran ang ginawa ko but can you please find some forgiveness in your heart? Besides, magkakaanak na tayo, isn't that enough to forgive me?"
My tears started to fall. Para iyong tubig galing sa kakabukas na gripo, hindi maampat sa kakatulo. I bit my inner cheek. Hindi ko na pinagkaabalahan na punasan ang mga luha ko para makita niyang nasasaktan na ako sa mga ginagawa niya.
"Wow, you're b*tchiness is up to another level," parang ‘di pa makapaniwalang sambit niya. “Bagay sa’yo mag-artista. Those tears look so real.” He sarcastically smiles and leaves me in the kitchen.
And I just cried so hard…